"Ang ganda mo pala pag nasisinagan ng araw." Bulong ni Elmer nung lingunin ko siya sa tabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko, dahil pag lingon ko'y halos magdikit ang mukha namin.
Magmula nang nagkasama kami nung maulan na hapon na iyon hanggang sa inihatid niya ako sa bahay ko, naging mas close na kami ng mga sumunod pang araw. Minsan inaabangan niya ako sa 7- 11, at sabay kaming pumapasok.
Palagi rin siyang nakikipag palit ng upuan sa katabi ko, makatabi niya lang ako. At walang humpay nanaman ang kwento niya sa akin. Buong barangay niya ata kilala ko na, pati kasi kahit hindi ko kilala kinukwento niya sa akin.At heto, nagbaling nalang ako ng tingin sa desk ng upuan niya, may ginagawa kasi siya kanina.( Para hindi niya mahalata na nailang ako sa kanya bigla. )
"Ano yung sinusulat mo?" Pag kunwa'y usisa ko.
"Ah ito, ..." Kinuha niya yung yellow paper na pinagsusulatan niya kanina. "...ganito lang ginagawa ko pag nabobored ako." Tumitig naman ako sa gawa niya. Shems. Naglelettering pala siya. In fairness may talent pala siyang ganito, "teka tatapusin ko." Dugtong pa nya at saka ipinagpatuloy ang paglelettering, doon na sa desk ng upuan ko.
Nakayuko siya ,kaya naman napatitig ako sa kanya. Ay hindi mali, sa ginagawa niya pala. Hehehe.
"Ayan tapos na." Nag angat sya ng tingin sa akin. Atsaka binasa ko ang nakalagay.
"E-zi ?" Tapos ay tumitig ako sa kanya. "Bakit Ezi?" Haha tsismosa lang ano?
"Palayaw ko yan." Pag iinform nya.
Napaisip naman ako at tumitig uli sa papel. Huh? Bahagya akong nagulat. Ang galing naman, coincidence ba ito o fate talaga? Waaahahaha.
"Hi Ezi, I'm Eiz." Pilya akong ngumiti. At isinulat ang palayaw ko sa papel. Natawa kami pareho na tila ba iisa ata ang nasa isip namin.
Hay, tumawa nanaman siya. Yung tawa niyang walang bukas, yung tawa niyang pati ako natatawa.
----
"Dito nalang, salamat uli sa paghatid." Umuulan nanaman kasi. Wala akong payong as usual. Kaya nag offer siyang ihatid ako.
"Sige, basta ikaw. Bukas ulit." Paalam niya at saka na rin umalis.
Pag pasok ko ng gate ng bahay namin, napatanga ako habang nakatitig sa kanya. Kay Ezi na ngayon ay inihatid nanaman ako at pinapanood ko ang pag layo niya mula sa kinaroroonan ko. Malamig, umuulan. Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. Nabalik ako sa ulirat nang may dumaang motorsiklo at nagulat ako, napailing nalang ako sa sarili ko, ano ba naman 'tong pakiramdam ko. Gusto ko nalang siya laging titigan kung pwede lang.
Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na ng bahay. Parang namimiss ko siya.
------
Ezi's POV
Pauwi na 'ko ngayon. Hinatid ko si Eiz sa bahay niya. Kung tutuusin, gustong gusto ko siyang hinahatid at sinusundo araw-araw. Masaya akong nakakasama siya, masaya akong nakikita siya sa umaga at sa hapon bago uuwi sa bahay. Ayos lang mabasa ako ng ulan basta alam kong maayos siya pag uwi niya.
Ngayon ay naglalakad na ako palayo sa kanya, gusto ko pa sanang lumingon at mag baka sakali na nakatanaw pa siya. Kaso 'wag na. Baka masaktan lang ako , bumuntong hininga ako at lumingon, wala na siya. Nakapasok na pala sa bahay nila. Pasenya 'di ko mapigilan ang sarili kong sulyapan siya. Kanina nga pinilit ko pang makipag palit ng upuan sa katabi niya para matanaw ang mukha niya ng mas maayos e, ang hirap kayang baliin lagi ang leeg ko para lingunin at titigan siya. Isa pa, baka mabukayo tayo dun pre! at teka! Hindi pwede tong nararamdaman ko. May girl friend ako at mahal ko siya. Pati utak ko nalilito na a, hindi pwede 'to.
Makauwi na nga!
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...