Chapter 5: Under The Rain

29 6 9
                                    

Huh! Uwian na, kainis ang lakas ng ulan sa labas. Wala pa naman akong payong. Pupunta pa ako sa remmitance para kunin yung pinadalang pera ng lola ko, siya kasi ang nagbibigay ng allowance ko kapag nagigipit si mommy. Tsk. Bumaba na ako ng hagdan para dun magpatila bawal kasi tumambay sa mga classroom 'pag wala nang klase.

Sasabay sana ako dun sa isa kong kaklase, kasi pareho kami ng dadaanan , kaya lang ....

"San ka pupunta?" May narinig nanaman akong boses sa likod ko. At this time sigurado na ako kung sino, haha si boy singkit. Sa kanyang boses lang naman yung kapag narinig ko kinakabahan ako e.

"Ah, wala pupunta lang ako sa remmitance. Sasabay ako kay Jeff."  Si Jeff yung kaklase namin na sasabay sana ako.

"Meron dun sa bayan ah. Malapit lang dito." Parang pag aaya nya.

"Meron ba do'n? Hindi ko kasi alam e." Sagot ko.

"Oo, meron doon. Samahan nalang kita." Aba nag aya na nga.

"Okay sige. Basta sigurado kang meron dun ah."

Nagpasya kaming magpatila muna ng ulan. Kaya lang mukhang wala naman ata itong balak huminto.

"Medyo mahina naman na yan e, may payong naman ako. Tara na." Pag aaya niya.

Tumango ako para sumang ayon. Nagpaalam na kami sa mga kaklase namin na kasabay din naming nagpapatila ng ulan, kasi kagaya ko wala rin silang payong. Haha. Pag alis namin, syeyt. Nahihiya ako sa kanya syempre naman kakakilala lang namin noh! Hindi nga ako masyadong dumidikit kaya kahit mabasa yung kabilang balikat ko ayos lang basta hindi ako tuluyang mabasa ng ulan.

     Magpapatila at maglalakad ang ginagawa namin kapag lumalakas at humihina ang buhos ng ulan. Pareho kaming walang kibo. At nilalamig na ako. Tinitigan niya ako nang mapansin niyang medyo basa na ng ulan yung kabilang balikat ko. Napalingon din ako sa kanya at yung mata niya parang sinasabi na umusog ka palapit sa akin, nababasa ka na. (Pero assuming lang ako. Haha)

Saglit lang nang kinuha ko yung pera mabuti nalang hindi marami yung tao. Matapos namin mang galing sa remmitance, tutal naman nasa loob kami ng mall, nagpatila muna kami ng ulan. Parang nang aasar pa, paano kasi lalo pa 'tong lumakas.

Naglakad-lakad muna kami sa loob. Pumunta kami sa arcade section ng mall, para malibang ng kaunti. Halos mag iisang oras din yon, tapos sumilip na kami sa labas para tignan kung pwede na bang suungin ang ulan. Ayon, ambon nalang pala. Pero mababasa pa rin ako pag nilakad ko to ng walang payong.

"Tara, hatid na kita." Offer niya.

Ano daw? Ihahatid ako? Hindi pa naman ako nagpapahatid ng bahay. Sabi kasi sa akin ng tatay ko "Noong bata ka pa hinahatid sundo ka namin sa eskwela para gabayan ka. Pero ngayong malaki ka na  alam mo na kung paano pumasok sa eskwela at umuwi. Ayokong may maghahatid sa'yo dito ha."

Paalala nya sa akin 'yon bago magsimula ang klase. E paano, susundin ko pa ba yung sinabi niya? Umuulan. Wala akong payong. Uuwi ako ng basa? Baka magkasakit ako at hindi pa ko makapasok bukas.

"Sige." Sabay ngiti sa kanya.

Malapit lang naman ang bahay ko walking distance lang mula sa mall na pinang galingan namin. Kaya naman hindi hassle kung uuwi ako ng mag isa. Bad trip lang kasi 'tong ulan. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga ikinuwento nya sa akin habang nasa daan kami, basta ang alam ko ang daldal pala niya. Haha.

"Uy, hanggang dito mo nalang ako ihatid ah. Tatakbuhin ko nalang tutal malapit naman na." Pagpuputol ko sa kadaldalan nya.

"Nasaan?" Tanong nya.

"Ayun oh." Tinuro ko ng daliri yung direksyon kung nasan yung bahay namin.

"Ha? Asan diyan?" Hindi ko alam kung nangungulit ba siya o ano e.

"Ayuuuuuuun sa may poste." With matching nguso.

"Sa inyo yung poste?" What the--!! Naaning na ko.

"Hindi a, sa meralco yan." Patol ko.Sabay natawa nalang kami.

"Sigurado ka ah. Sige hintayin kitang makapasok." Medyo concern ang tono niya.

"Huwag na. Baka makita ka pa ng tatay ko. Mag isip pa ng masama."  Pagtatanggi ko. Hay. Bakit ba? E hindi ko naman siya boy friend. Hmmp. At kailangan pang ipakita na parang concern siya. "Sige na umalis ka na baka lumakas nanaman ang ulan. Nga pala, salamat ah."

Tumango lang sya at sinuklian niya ako ng matamis na ngiti. Hindi ko na siya hinintay pang makaalis. Tumakbo na ko palapit sa gate ng bahay namin. Ilang hakbang nalang naman yun mula sa kinatatayuan namin kanina. Pag pasok ko ng bahay sumilip pa ako sa bintana para tignan kung nakaalis na siya. Aba't hinintay talaga akong makapasok ng bahay saka umalis.

"Hoy Viehcel anong sinisilip mo diyan?" Nagulat ako sa malaking boses na nagtanong.  Wew! Tatay ko lang  naman, pero kinabahan ako.

"A, wala po." Sabay talikod. At napangiti nalang ako.

Ngiting kinikilig? Hmmp! Hindi no.

Dear EziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon