Naglalakad ako pauwi kanina, nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Pauwi ka na?" Boses ng lalake.
Napalingon ako, tapos paglingon ko si Mr.Chinito nanaman.
Naisip ko nga,siguro sinusundan ako nito. Assuming lang. Pero naalala ko kasi kanina nakatayo siya sa harap ng bulletin board may binabasa, at nang makalagpas akong konti nilingon niya ko. Hhmmm. Di nga kaya?
"Oh. Hi, oo pauwi na ko." nasagot ko nalang.
Kung ano-ano lang ang tinanong niya habang naglalakad kami, para siguro hindi katahimikan ang nasa pagitan namin habang naglalakad kami.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya.
"Ah-- Viehcel." sabay ngiti. "Ikaw?" dugtong ko.
"Elmer, Elmer Constancio." sagot niya.
Nag eenjoy na ko sa usapan namin , kahit na medyo nahihiya ako, sa kaloob-looban ko ay masaya ako kasi may isa na kong kaibigan, kakilala at naka getting to know each other na kaklase, at nakasabay ko pa sa pag uwi!
Kaya lang every track has its own end. Kailangan nang mag paalam, maghihiwalay na kami ng daan.
"Pano dito na ko, bye ingat." paalam ko.
"Ah, diyan ka pala nakatira. Ingat ka." sagot niya.
Ngumiti ako, "Ikaw din." Tapos nun tumalikod na ko't nagpatuloy sa paglalakad.
Ano nga ba uli yung pangalan niya? Constancio lang naaalala ko.
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...