Chapter 6: Your Voice

29 5 2
                                    

"Bakit ka aalis?" Naiiyak na ko kasi ayaw niyang sagutin ang tanong ko.
"Hanggang kailan ako maghihintay? Babalik ka ba?" Nginitian nya lang ako, sabay tumalikod at umalis na.

Wala akong magawa, gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa tila ba naka pako ang mga paa ko sa lupa. Hanggang sa umiyak na ako ng tuluyan. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko. Ang sakit ng dibdib ko, hindi ako makahinga! Umiyak ako ng umiyak hanggang sa naging hagulgol na dahil hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko. Ano ba to? Bakit ganito?

Tapos may naririnig akong boses, ang labo naman hindi ko maintindihan. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may dumampi sa pisngi ko,

"Viehcel, gumising ka na." Boses ng isang babae.

Nagulat ako't biglang napadilat, ngunit ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko.

"Mi naman e, bakit mo naman ako sinampal?" Angal ko.

"Kanina ka pa umuungol diyan, nanaginip ka yata. Hindi ka nagigising sa boses ko e. Sinampal kita." Pag eexplain ni mommy. At bumalik na siya sa ginagawa niya.

Gawd! Panaginip lang pala yun, napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko pa rin ang kabog nito, ahh! Ang sakit pa ng ulo ko, nilalagnat pa yata ako. Napasama yata nang maulanan ako kahapon. Bumalik ako sa higaan at inisip ko yung nasa panaginip ko kanina, napailing nalang ako't napangisi. Siya nanaman, ang alam ko naka move on na ako, pero bakit hanggang sa panaginip ko minumulto ako ng nakaraan ko?

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ko nang maramdaman kong may nag ba-vibrate sa ilalim ng unan ko. May tumatawag, unknown number.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko sa kabilang linya ng telepono.

"Si Elmer 'to. Kamusta ka?" Napatanga naman ako sa narinig ko't kinabahan ako bigla. Sabayan pa ng panlalamig ng mga kamay ko.

"O, napatawag ka. Ayos lang naman. Ito nilalagnat. Ikaw?"   Paano niya nalaman number ko? Ay ! Oo nga pala kinuha niya nung isang araw, habang nasa library kami.

"Nilalagnat nga rin ako e, sinisipon pa." Sagot niya.

Oo nga halata sa boses niya.

"Ganun ba? Uminom ka na ba ng gamot?" Concern kong tanong. Concern lang talaga ako sa mga kaibigan ko. Hindi ako defensive, nagsasabi lang ng totoo.

"'Di pa, ayoko ng gamot. Ikaw uminom ka na?"

Ano ba naman 'tong pinag uusapan namin.

"Hindi pa kagigising ko lang e, sige wait lang a, mamaya nalang ulit. Babangon na ko." Paalam ko.

"A, osige sige. Nga pala number 'to ng daddy ko. Yung number ko ay yung pinang text ko sayo nung isang araw." Pag iinform nya.

"Ok, sige. Salamat sa pagtawag. Pagaling ka." Sabi ko.

"Ikaw rin. Sige."

At tuluyan nang naputol ang linya. Hay, mabuti nalang vacant day namin ngayon, at makakapagpahinga ako. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Kaya lang bago matapos ang isang buong maghapon parang may kulang sa araw ko. Hmmp! Basta excited na akong pumasok bukas.

Dear EziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon