Lumipas ang mga araw, linggo, hanggang sa naging buwan na. Mas naging malapit kami ni Ezi sa isa't isa, mas naging open. Madalas magkasundo kami sa trip, trip pag tripan ang mga kaklase namin. Hindi naman ako bully, trip ko lang talaga minsan pag tripan sila. HAHAHA. Madalas kami rin ang tandem sa mga kalokohan, lalo na pag dating sa isang katutak na photocopies na dapat naming bayaran gumagana ang kapilyuhan naming dalawa. E alam mo naman pag college marami dapat ang reviewer at kung isusulat lahat sa notebook baka mag kulang ang isang filler.
Well back to our so called kalokohan ayun nga, actually idea niya ang lahat e, ako lang ang nagpatupad. BWAAHAHAAH. Sinisingil namin ang mga kaklase namin para sa photocopies, sobra ang sinisingil namin syempre. Magkano? piso isa lang naman kada isang pahina tapos kaming dalawa ang nagpapaphotocopy, syempre yung sobra automatic nakalaan na yun sa copies naming dalawa, swerte kapag may sumobrang kwarenta pesos ibibili namin ng burger at inumin. O di ba, ganon ganon lang masaya na kami. O baka ako lang. Ang babaw ng kaligayahan no? HAHAHA
Salamat sa prof namin na walang sawang nag papaphotocopies ng lectures namin, dumadalas tuloy kaming magkasama tuwing pagkatapos ng klase. Hindi ako nagsasawa na sa inaraw-araw na magkasama kami, lalo pang nadadagdagan yung saya na nararamdaman ko sa kaibuturan ng puso ko. What the? Ano bang pinag sasabi ko. Joke lang po yun, dahil may girl friend na yung tao. Bad. Bad. Bad. Hindi puwede ang mga iniisip ko.
Habang tumatagal lalo tuloy akong na aattach sa kanya, masaya ako't meron na akong instant kuya,kapatid at kaibigan.
Sana araw-araw nalang ganito.
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...