Dear Ezi,
Bakit pakiramdam ko namimiss na kita? Vacant day ngayon at pakiramdam ko hindi na nabubuo ang araw ko kapag wala ka. Unti-unti na akong nakakaramdam ng kakaibang sigla sa puso ko kapag nandiyan ka sa tabi ko.
Yung diary ko? Isusulat ko pa rin naman yun kahit hindi mo sabihin o iutos sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong isulat yung mga nangyayare sa araw-araw na magkasama tayo. I'd just found myself writing my story everyday, with you.
Siguro kasi, sadya mo akong napapasaya kahit wala ka namang effort na ginagawa. Kaya araw-araw unti-unti nagkakaroon ka na ng halaga sa buhay ko bilang espesyal na kaibigan ko. Kahit na hindi naman ako importante sayo. Kahit na wala akong halaga sayo. Kahit na may ibang laman na yang puso mo.....Aba teka? Assuming na ata ako masyado. Tsk.
Dapat ba akong magsisi dahil nagkakilala tayo? Kasi ngayon pakiramdam ko masasaktan nanaman ako. Isa pa, mali itong mga nararamdaman ko, nagugulo yung sistema ko. O sa kabilang banda dapat din ba akong magpasalamat na dahil sayo nagkakulay ulit ang mundo ko?
Masaya lang ako pag nakakasama kita, kapag nariyan ka sa tabi ko pakiramdam ko wala akong problema.
Hmm. Siguro nag eenjoy lang akong kasama ka kaya nagkakaganito ako. Nakakalungkot kasi ang mag isa.
Eiz
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...