Chapter 10:A Piece of Paper 2

17 4 1
                                    

Eiz's POV

"Oh" may iniabot sa akin na nakatuping papel si Ezi.

"Ano yan?" Tanong ko.  Hindi ko agad nakita yung iniaabot niya, nakayuko kasi ako't may isinusulat sa notebook ko.

"Sayo nalang." sagot niya.

Nag angat ako ng tigin sa kanya inagaw yung inaabot niya. Kunwari kasi galit ako dahil sa ginawa niya sa akin kahapon na pag agaw dun sa draft ng diary ko. Kaso, syeyt!! Narealize ko, yung binibigay nya sa akin yun pala yung kinuha niya kahapon na hindi ko makita sa bag niya! Tinitigan ko siya ng masama bilang reply sa sinabi niya kanina na sa akin nalang daw e yung papel hmmp. Sakin naman talaga 'to. Kaso mas masama pa rin ang titig niya, normal niyang titig yun. Singkit kasi. HAHAHA

"Idugtong mo na dyan yung araw na nalaman ko yung tungkol sa diary mo...."

Nang uuyam niyang sinabi habang natatawa, nakangiti na abot hanggang tenga na parang nang aasar.

Talaga nga namang!!!! Waaaaaaahhh. Nakakainis, nabasa na niya! Akala ko ba wala na? Yun pala tinago niya lang. Huhu di pa rin ako makasagot sa sinabi niya.

"....tapos pabasa ulit ako ah." dugtong pa niya.

Pakiwari ko'y namula yata ang mukha ko sa sinabi niya dahil sa kahihiyan.

"Akala ko ba?"  sa wakas nakapag salita na ako.

"Nasa bag ko lang naman yan e, ewan ko bakit hindi mo nakita."  nang aasar pang tono niya. Hmmp.

'Di na ako nakasagot pa. Kainis. Ngayon lang may nakabasa ng mga sulat ko. Nakakainis ka talaga Ezi ka!

Ezi's POV

Natutuwa ako sa reaksyon niya nung inabot ko ang papel sa kanya. Gusto kong tumawa ng malakas. Kaso ayoko namang maramdaman niya na napahiya siya. Kung tutuusin natuwa talaga ako sa mga nabasa ko, lalo naman sa reaksyon niya ngayon.

Ang babaeng type ng mga tropa ko, na sa akin ang atensyon. Sinong hindi matutuwa? Lalo na kung ako, nagkakagusto na rin sa kanya.

"'Wag ka na magalit. Babawi nalang ako sayo mamayang uwian." Sabi ko sa kanya.

Ah, inisnob lang ako? Makaupo nga sa tabi niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Inagaw ko yung notebook niya para mapunta sa akin yung atensyon niya.

"Ano ba? Amina nga yan, ayan ka nanaman e!"  Uyy, pikon na siya.

"Hindi mo kasi ako pinapansin e, samahan mo ako mamaya."   masigla kong pag aaya para mapalagay ang loob niya.

"Saan nanaman?"  sagot niya.

"Sa aaah sa Bayan."  Napaisip pa ako.

"Anong gagawin?"  para namang pulis kung magtanong.

"Basta, samahan mo ako. 'Pag ikaw sinasamahan kita ah." -ako

"Tsss. Oo na sige. Ok na po? Sasamahan na po kita, amina na po yung notebook ko po." -siya.

"Ano ba kasing sinusulat mo?" usisa ko.

"H O M E  W O R K ko po tinatapos ko."  ngiting aso

"HALA? Bakit di mo sinabi agad. Pakopya!" 

Ok. Nakadiskarte nanaman ako. Magkatabi nanaman kami at pa simple ko pang nahahawakan ang kamay niya. Uy di ako manyak ah.

May ngiti sa mga labi ko habang katabi siya, kahit tahimik siya't di ako kinakausap.

Sa totoo lang alam, alam ko naman na ang tinutukoy nya sa papel na yun nung unang beses palang na mabasa ko sa likod ng tickler nya, pinilit ko lang makuha dahil gusto ko pang mabasa ang iba pang nakasulat at makumpirma na rin.

Yun nga boy! Natuwa talaga ako sa nakumpirma ko.

Dear EziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon