Full of confidence nanaman ako maglakad. Nagmamadali ako kasi late na yata ako tapos bigla kong nakasalubong yung mga kaklase kong papunta yata ng 7-11. Nakahinga ako ng maluwang kasi hindi pa pala ako late. For sure wala pang prof.
Paakyat na sana ako ng hagdanan nang may makita akong lalake na bumaba, chinito, matangkad, walang dating, hindi ko type but he caught my attention, magmula pa kahapon. Ang alam ko kaklase ko siya e. Tsk! Nakatitig siya sa akin.Hindi manlang siya nag iwas ng tingin kahit tinitigan ko rin siya.Bakit ang weird sa pakiramdam? Pareho ata kaming walang reaksyon ang mukha.Pakiramdam ko slow motion ang paglapit ko sa kanya at may effects na humahangin pa habang palapit ako ng palapit sa kanya tila ba huminto ang oras. Yung parang sa mga palabas sa TV. Ah! Ewan, di ko nalang pinansin. Pag lagpas ko sa kanya saka ako nakabalik sa realidad.
Hindi ko na pinansin yung naramdaman ko kanina. For two years napakabitter ng buhay ko. Napakabitter ko. Oo yun ang tawag din di ba? Ngayon ko nalang narealize. Ni hindi ko manlang kasi magawang magkagusto sa ibang lalake. Hindi ako kinikilig. Kahit gwapo, cute o artista pa yan. Hindi rin ako nanonood ng TV, ayoko ng mga romantic movies, basta ayoko ng kahit na anong magpapaalala sa akin mula sa nakaraan ko. Ayokong nakakakita ng mga mag jowa, na sweet tapos nag iiwanan tapos magbabalikan. O kaya perfect love story tapos tragedy ang ending!
Nang matapos ang isang subject ko dumiretso na ako sa kabilang room, orientation kasi namin ngayon.Umupo ako malapit sa pinto. Tapos habang kinakausap ako ng classmate ko ,naramdaman kong may magaslaw na umupo sa tabi ko, nang lingunin ko... OMG ah! Ikaw nanaman?!! Si boy singkit nanaman. Ba't parang ano, ahhhhh kinikilig ako? Tsk.
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...