Eiz's POV
[Pag pasok sa classroom]
May mga pagkakataon na napakasaya ko dahil sa hindi malamang dahilan, minsan mamamalayan ko nalang ang sarili kong nakangiti dahil sa isang taong bahagi na ng buhay ko. Kapag napadaan siya sa isip ko bigla nalang akong bahagyang matatawa, napapangiti at lumiliwanag ang pakiramdam ko. Unti-unti habang tumatagal siya na ang nagiging dahilan ng mga ngiti ko, siya na ang nagiging inspirasyon ko sa inaraw-araw ng buhay ko. Tipong pakiramdam ko kapag nawala siya sa tabi ko, madilim nanaman ang mundo ko.
"Hey kanina ka pa tulala diyan ah." Piste! Nakakagulat naman 'tong lalakeng 'to. Si Ezi tumabi sa'kin.
"Wala, may iniisip lang." Matamlay kunwari.
"Ano?" -Ezi
"W-wala." Di ko alam ipapalusot ko e. Haha. Nautal pa ko piste.
"May ipaparinig pala akong kanta sa' yo." Naku! Buti nalang at may iba siyang pakay. Hehe. Sinalpak ba naman nya bigla sa kanang tenga ko yung earphone, minsan may pagkasadista din 'to e. Tsk.
"Anong ipaparinig mo?" Tumingin ako sa kanya saglit matapos ko mag salita.
"Basta pakinggan mo muna." Sinalpak niya na rin yung kapares ng earphone sa kaliwang tenga nya at sabay namin pinakinggan yung kanta.
"Laaaah. Oo nga ang ganda." Ang ganda naman kasi talaga nung kanta. Ngayon ko lang narinig saka parang di naman uso kasi hindi ko pa narinig na pinatugtog 'yon sa radyo.
"Ayos no. Buko title nyan. Narinig ko lang yan nung naglalakad ako samen, tapos yan yung pinapatugtog ng mga tambay. Huminto pa nga ko para pakinggan yan at tinapos ko yung kanta. Search mo nalang sa youtube. Lagay mo sa MP3 mo ah."
Inalis nya na yung earphone na naka plug mula sa tenga ko at umalis. Mga ilang saglit lang tumabi uli siya sa'kin. Ibinalik nya lang pala yung cellphone ni Jeff na ginamit namin kanina para pakinggan yung kanta.
Pareho kaming tulala at malayo ang tingin habang nakasandal sa upuan. Nahihirapan ako magsalita, parang wala rin naman ako sa mood. Bahagya naman akong nagulat nang naramdaman kong nagalaw yung desk ko. Yung feeling na kahimbingan ng tulog mo, tapos maaalimpungatan ka bigla. Ganon ang pakiramdam.
Napatingin naman ako sa desk ng upuan ko. Ipinatong nya pala ang kamay nya't bumuntong hininga na parang may gustong sabihin.
"Kamusta ka na?" Sabi nya.
"Nye. Ok naman. Bakit?" Ano ba namang tanong yun.
Tumawa sya bago nag salita.
"Wala lang. Alam mo yung larong sawsaw suka?" Nyak. Hahahaha. Komedyante talaga 'to. Seryoso tapos biglang magtatanong ng wirdong tanong.
"Oo. Bakit?" Sige sakyan ko lang kung ano bang trio nito.
"Laro tayo, ako huhuli sa daliri mo." Kala mo bata na nag aaya ng kalaro e.
Napangiti ako't matawa-tawa ,siya ganun din.
"Ok game." Pag a-agree ko.
Naglaro nga kami at tawa ako ng tawa. Nag eenjoy kasi ako para akong bumalik sa pagkabata. Kaso, tae naman may epal.
"Eiz" Kinalabit ako ng kaklase kong si Jane mula sa likuran.
Syempre napahinto ako't lumingon sa kanya. Pati si Ezi nakikiusisa na rin. Pareho kaming naka lingon sa likuran namin. Pareho kaming na kay Jane ang atensyon
"Ohw bakit?" Tanong ko.
"Napansin mo ba kung sinong lumapit sa bag nila Alex kanina? Nawawala daw wallet nila mag jowa." -Jane
"Hindi e. Lahat tayo busy mag P.E kanina. Sure daw ba na dito nawala?" Usisa ko.
Napabaling naman kami ng tingin sa harapan nang pumasok ang prof namin at nag salita. Kaso... napansin ko yung dalawang mokong na naka upo sa harapan namin ni Ezi. Sina Kevin at Mark. Problema nitong dalawang 'to? Kalalakeng mga tao kala mo kinikiliti sa singit. Sinundad ko kung san sila nakatitig.
Ay walangya! Nagkatinginan kami ni Ezi at parang nagkahiyaan pa feeling ko namula rin ako. Magkaholding hands pala kami! Hindi namin napansin. Takte kasing sawsaw suka na yan e.
Yung dalawa nag babalak pang picturan yung kamay namin, nakatutok na yung cellphone camera sa kamay namin ni Ezi nang mamalayan ata ng dalawa na nakatitig na kami sa kanila, biglang itinago yung cellphone. Ito namang Ezi, nilarularuan yung kamay ko. Patay malisya. Siguro para iwas pahiya na rin. Habang ako parang namumula pa rin at di makapalag sa nangyayare. Pero sana di ba no, mas matagal pa kaming mag kahawak kamay. Hahaha
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...