Chapter 1: Fresh From The Past

53 7 2
                                    

    First day ko sa college at excited akong pumasok no'n kaya lang umuulan. Kainis panira ng poise. Medyo kinakabahan akong pumasok kanina kasi wala akong kakilala pero keri lang, isipin ko nalang maganda ako. Be confident. Tao rin naman silang katulad ko.

    Pagpasok ko ng classroom medyo maingay. Hi classmates! Nagsalita ako sa isip ko pero hindi naman lumabas sa bibig ko. Naghanap agad ako ng upuan pupwesto sana ako sa likuran kaso mukhang occupied na lahat. Occupied na ng mga kaklase kong gurang. Oo gurang, yun kasi ang tingin ko sa kanila. Feeling ko lang kasi ang tanda ng itsura nila. Hehe ang sama ko.

    Nakahanap  ako ng upuan sa 2nd row center isle. Shet! Nakatapat pala ako sa aircon, ang lamig! No choice rin kasi, humilera lang ako sa mga kaklase kong babae. Kaysa umupo malapit dun sa mga kumag.

    Pag upo ko nag flash back ako ng mga pangyayare mula nung makagraduate ako nung highschool hanggang sa kinauupuan ko ngayon. Huminga ako ng malalim at inalala ko ang bawat detalye ng pinag daanan ko.

    Masaya ako't nakaraos ang pamilya ko after ng graduation ko, muntik pa akong di makaattend. Broken hearted kasi ang lola mo. Nakakapanghina kayang iwan ka ng walang dahilan. (Walang closure) Ni hindi mo alam kung paano ka babangon sa umaga ng buong tapang at lakas kung alam mong yung nagpapasaya sayo araw-araw ay iniwan ka na. Iniwan ka ng 'di mo manlang nalalaman ang dahilan kung may nagawa ka bang pagkakamali sa kanya para iwan ka niya nalang basta o kung mahal ka pa ba niya.

    Nang mga panahong 'yon puro question mark ang nasa utak ko. Isama mo pa ang palayasin kayo ng pamilya mo sa tinitirhan niyong bahay at hindi niyo alam kung saan kayo matutulog sa buong nagdamag. Tapos... tapos, hindi ka pa makakapasok ng college sa darating na pasukan. I felt helpless, nakikiramay pa ang malamig na panahon.

    Napakabigat sa dibdib no'n. Kung pwede nga lang maglaho nalang at matulog sa mahabang panahon tapos pag gising ko maayos na ulit ang lahat e. E ang kaso, wala naman ako sa fairytale. Nasa totoong buhay ka Eiz walang prince charming na dadating para sagipin ka sa pinagdadaanan mong sakit ngayon at walang fairy god mother na tutupad ng kahilingan mo para maging maayos ang buhay mo. Hays.
    Sa loob yata ng dalawang taon puro kamalasan ang nangyare sa buhay ko e. Wala na bang bago?

    Pero lam mo after almost two years pinamanhid na ko ng mga sakit na pinag daanan ko at pinatatag ako ng mga problemang dinanas ko sa loob ng dalawang taon na 'yon. Pakiramdam ko nga ngayon hindi ako matitibag ng kahit na sino e. At sa kabila ng lahat ng pinag daanan ko hindi ako umiyak, yun nalang ang ipinagmamalaki ko sa sarili ko. Basta! Hinding hindi ako iiyak. Kahit kailan hindi na ako iiyak.

Dear EziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon