Kabanata 45

11 1 0
                                    

Back

Paggising ko kinaumagahan ay parang nanghihina ako at walang gana na pumasok.

Naghilamos ako ng mukha at nagsipilyo bago lumabas ng kwarto. Nakarinig ako ng pagaayos sa kusina. Nandyan na siguro si Mama.

"Oh, Mary Axelle. Kamusta ang party?" Umupo ako sa sala at humiga muna. Bigla na lang sumakit ang ulo ko.

Gosh, hindi na muna yata ako papasok. Para bang naduwag ako ng maisip ang nangyari kagabi. Do I have the courage to show up work? Wala!

"Siya nga pala anak, binigay na pala yung invitation sa kasal ng kaibigan mo. Si Aida ang naghatid nito kagabi." Si Mama

"Opo."napasapo ako sa aking noo. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan dahil sa pagsisigaw kay Lucas kagabi.

Wag na lang yata ako pumasok ngayon.

"Luto na ang breakfast mo. Bat parang lanta ka riyan?" Mama laughed.

Napabangon ako sa sofa. "Naparami yata ang inom ko kagabi Ma. Tsaka... basta." Sabi ko na lang.

Tsaka, inaway ko boss ko. Nagkasagutan kami at mukhang hinding hindi na ako makakapagtrabaho ngayon dahil wala na po akong lakas ng loob para magpakita pa dahil sa ginawang kagaguhan kagabi Ma.

She smiled at me. Umiling siya at kumuha ng tasa at nagtimpla ng kape. Kumuha rin siya ng gamot sa wallet niya.  "Papaano na lang kung hindi ako pumunta dito sa condo mo. "

I smiled at her.

I have learned to accept the changes in my life. Kung dati halos magkandarapa akong magtrabaho lang para maitaguyod ang sarili noong kolehiyo ay ngayon just a snap of Lola's wand nagkacondo na ako. Hindi ko naman hiniling ito, I just want to help my Mama once I graduate. Yun lang ang plano ko. But things will suprise you and I'm thankful for that. I've failed in some part of life but that doesn't mean I'll give up. Life will always taught us lesson, yung akin nagsisi pa rin ako pero pagod na rin akong subukan pang ayusin ito.

"Hindi yata ako papasok Ma." I said. Kumuha ako ng bagong lutong sinangag at tocino.

Tumango si Mama at binigay sa akin ang kape. "Hindi ba magagalit ang boss mo?"

Umiling ako. "Hindi po magagalit si Lucas, Ma."

Nanlaki ang mga mata ni mama. "Lucas? Lucas ang pangalan ng boss mo." She asked.

Tumango ako at sinubo ang tocino. "Opo, yung ex ko."

Naubo siya at biglang kumuha ng isang basong tubig at ininom ito. "Mary, bakit ka pumasok sa kompanya ng ex mo?" Tanong niyang parang natatawa.

Ngumiti ako. "Ma, hindi ko naman alam. Tsaka, it's all work. Walang feelings."

"Wow! Kamusta na siya?"

Ngumiwi ako sa tanong ni mama. Inayos ko ang buhok kong nakalugay at nilagay sa kabilang balikat.

Alam ni Mama ang lahat. She respected my decisions. Hindi ako nakarinig ng kung ano ano sa kanya. She supported for what I chose, kasi ayaw niyang diktahan ako, she don't want me to repeat her mistakes.

Choosing Happiness(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon