Kabanata 44

17 0 0
                                    

Nobody

Bumalik ako roon matapos kong kumain at magpahinga. Naabutan ko siyang kunot ang noo na nagbabasa at magulo ang buhok.

Umupo ako sa cubicle katabi nang kay Judy. "He scolded John." Bulong ni Judy sa kabilang cubicle nang makaupo ako.

She handed me an envelope. "Tapusin mo raw yan sabi ni Sir Lucas, magover-time ka raw kung kinakailangan basta matapos mo iyan." Judy stared at me with mercy. "Tulungan kita?" Alok niya.

Umiling ako. "Wag na. Baka mapagalitan ka rin. Madali lang naman ito. No need for overtime." I assured her.

Judy nodded then she resumed her work. Napatingin ako kung saan si John at ngumiti ako sa kanya. He waved his hand kaya ginawa ko rin ang pagwaved ng kamay.

"Sorry" I mouthed.

He nodded and smiled.

I feel sorry for John. Bakit ba kasi hinayaan ko siyang tulungan ako? It is my job! Tama nga ang sabi ni Lucas, trabaho ko ito at madali lang. Naninibago lang siguro ako na mabibigat na agad ang napupunta sa akin kaya feeling ko nahihirapan ako.

I started working again. Tinapos ko ang mga nauna nang binigay sa akin bago sinimulan ang mga ibang dokumento.

I stapled them then I put it in the corner. "You can do this." I whispered.

Napangiti ako at bumalik ang saya sa akin nang matapos ko ito ng maayos. Napawi ang ngiti ko nang makita si Lucas sa harap ko dala ang tatlong folder.

"Tapusin mo yan ngayon." He said.

I nodded then started working again. Hindi ko namalayan na tapus na pala ang oras ng trabaho at ako na lang ang narito.

"Gabi na!" I checked the time.

Pumunta ako sa opisina ni Lucas at sumilip. Naroon siya at may kausap na babae.

Sino naman yang babae na yan? Bago ba?

I knocked before going in. I smiled, napasulyap sa babae at binalik ang tingin kay Lucas. "Good Evening, sorry Sir. Mukha kasing diko matatapos iyon ngayon, pwede bang ipagpabukas na lang?"

His jaw clenched. "Bakit mo ipapagpabukas? Kailangan ko na yan ngayon." Mariin niyang sabi.

Ang babaeng kausap niya ay naguguluhan. Pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa. "Sino ba siya Lucas?" She whispered.

Kahit bulong naririnig ko ang sinasabi niya. Halika rito, kakalbuhin kita! Sige.

Lucas stared at me icily before he whispered to the girl. "Nobody."

My heart ached. Oh, come on Mary Axelle! It's been years. What do you expect? Na tatanggapin ka pa niya with open arms. We are strangers, nothing more. He's not the person that you once knew. He's changed, maybe for the better.

I bowed my head then nodded. "Ah sige Sir. Tapusin ko na po, nakakahiya naman po kasi." I said.

Nanlabo ang mga mata ko nang makalabas roon. I walked fast para makarating sa lamesa ko at dun umiyak.

Choosing Happiness(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon