Kabanata 41

10 0 0
                                    

Respect

I was the one who pushed him.

It was my choice.

Even if it means breaking his heart...

"I can't believe it!" Aida's voice was the first thing I heard when I went to their house.

Bitbit niya si Aimee na natutulog sa kanyang balikat. Ang laki laki na pero nagpapabitbit pa rin.


"Baka iyon na ang paraan niya para makapaghiganti?" Wala sa sarili kong sagot.

Sumalumpak ako sa kanilang sofa. Aida is shaking her head para bang mali na pumasok ako sa kompanya ng ex ko.

It is wrong! I know. Gusto ko lang naman na patawarin niya ako, yun lang. It is a job, nothing personal. He is professional in his job.

"Max, sigurado ka ba sa pinasukan mong trabaho?" She whispered dahil tulog na si Aimee.

Bako pa ako makasagot ay dumating na si Luke. He smiled at me, nagulat ako nang makita si Dale sa likod niya.

Busangot ang mukha ni Dale pero nang makita ako ay nawala iyon.

He is taller now, manlier from before and his body is bulkier. Ang gupit ay malinis pero makikita ang itim na hikaw sa kanyang kanang tainga.

"Hi." He said. Nakalapit na pala siya at nakaupo na sa tabing sofa.

"Asan si Aida?" Luke asked me. Nakatingin siya sa kanyang kapatid tapos sa akin.

Tinuro ko ang kwarto na pinasukan ni Aida. He went there kaya kami na lang ni Dale ang natira sa sala.

Tumikhim siya at alam ko na ang mga mata ay nakatuon sa akin.

"Kamusta ka?" He asked.


I'm not okay.

"I'm fine." Sagot ko ang ngumiti. "Ikaw?"

"Good." He answered.

I remember him, may crush siya sa akin at akala niya mabibili lahat gamit ang pera. Maybe, he outgrew that Dale. Hindi na siya iyon ,natuto na siya.

"I'm sorry." Panimula niya. Napatingin ako sa kanya. Sinandal niya ang ulo niya sa sofa na parang pagod siya. "Pasensya na sa inasal ko noon."

"Okay lang Dale. You were young and I understand that."

He sighed. Tumingala siya sa kisame. "I've been an asshole. I'm sorry Mary Axelle."

Ngumiti siya sa akin. Nagkwentuhan kami at nagkamustahan pa.

"May girlfriend ka na?!" I asked him.

Ngumisi siya at namula. "Well, hindi pa kami pero parang gf ko na siya." He shrugged, nagkamot siya ng batok.


Napatingin kami sa kumalabog na pintuan. Aida is crossing her arms , para bang umuusok ang kanyang ilong dahil sa pagkakabadtrip. Luke is behind her.

Choosing Happiness(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon