Kabanata 2

73 1 0
                                    

Darkness

Aida stretched her arms. "Hay Salamat!" She said then yawned. "Nakakapagod ngayong araw na ito no?"

"Oo." Sagot ko lang. Naglalakad kami papunta ng paradahan ng mga tricycle.

I sighed. Naalala ko si Lucas. Nagkamali ako sa akala ko sa kanya. He is the type I hated. Ayoko ng ganoon.

"Kanina ka pa ah!" Sita sa akin ni Aida. "Earth to Max?!" She chanted then snapped her fingers.

Kumurap kurap pa ako. "Pasensya na, nakakapagod lang ang trabaho." Ngiti ko.

"May problema ka ba?" Aida asked me. By the way she looks. Parang binabasa niya ako.

"Uh, w-wala"iling ko. Totoo naman, he isn't a problem. Disappointed lang ako dahil hindi ko inakalang ganoon pala siyang lalaki. He is a jerk.

"Kaw ba ulit ang gagawa ng assignment natin?" Tanong niya sa akin.

Inirapan ko siya at nakisama na lang. Thinking about that man, yuck! Disgusting. Gwapo at mukhang mabait, ang mukha niya ay parang inosente, ang ngiti niyang maganda at nagpapainit sa malamig na kapaligiran. He sounds and looks dreamy but it was all my mistake.

"Hoy echosera ka ah!" Tulak ko kay Aida. "Ikaw naman ang gumawa"

Gawain na namin ito ni Aida kahit noong High School student pa lamang kami. Salitan kami sa pag-gawa ng assignments. Kopyahin na lang namin ng kinabukasan.

Thankfully, hindi napansin ni Aida na iniiwasan kong magpakita kay Lucas. Hindi ko rin naman naikwento ang nangyari sa tricycle. Dumapo sa mukha ko ang kamay ko ng mapagtanto ulit ang pagsisinungaling ko ng pangalan sa kanya.

Kumalma ako ng maisip na malaki at malawak ang campus. Magkaiba naman yata kami ng course, dahil diko naman siya nakikita sa classroom at hindi ko rin naman siya napapansin sa loob ng campus.

I wish na hindi talaga magka-cross ang mga landas namin.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko nang si Mama ang nagluluto. "Mano po Ma" galang ko sa kanya.

"Uhm...napagabi ka ngayon?" She said while she was cooking our dinner.

"Opo, marami po kasing tao kanina." Sagot ko.

"Anak, pwede mo ba akong bilhan ng asin sa tindahan. Ubos na kasi." Utos sa akin ni Mama.

Tumango ako at pumunta na. Dahil na rin siguro sa pagod ay wala na akong ganong mag-isip isip pa. Nakarating ako sa tindahan, naabutan kong may nakatayo at mukhang bumibili roon.

"Thank you, narito na ang load" he said. The sound of his voice made me turn my back. Si Lucas ba iyon?!

Sa sobrang pagod ko lang ba ay nagha-hallucinate ako o siya talaga iyon. I glanced at where he is, nang humarap siya sa akin ay napanganga ako ng makitang siya nga iyon.

Wait?! Taga rito siya?

Nakaputing sando lang siya at gulo gulo ang buhok. He was holding his phone and a cigarette. He was smiling.

Nandidiri na ako sa katulad niya. Gwapo nga, manyak naman.

"Sige Geneva!" Paalam niya.

Para akong tanga rito na nagtatago sa dilim at nakatalikod. Nang mawala na si Lucas roon ay bumili na ako ng asin. Naabutan ko si Geneva na nakatunganga at nakangiti lang. I waved my hand but he was pre-occupied.

"Bakla!" Sigaw ko sa kanya. He snapped out of it. He shook his head, para magising.

"Pasensya na, natameme lang sa gwapong lalaki na bumili rito." Ngiti niya at may patili pa.

Choosing Happiness(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon