Palabas na ako ng bahay ng makita ko si Mel at Borj na nakatayo at mukang hinihintay ako! Nakita ko narin si Gean na papalapit na samin..Tara na?aya ni Lysa! Nagtataka man ako na hindi nila kasama si Gavin sa pag sundo sakin pero dina lang ako nag salita! Wala ni isa man lang sa kanila ang nag sabi sakin kung bakit wala si Gavin!
Malapit na kami sa court ng makita kong nakatayo si Gavin at hinihintay kami! Kinausap muna ako saglit ni Mel...bes mag usap kayo ha!ayusin nyo to!at umalis sila at hinayaan kaming mag usap!
Nagpapakiramdaman pa kami ni Gavin kung sinong unang magsasalita! Di pa man sya nakaka lapit ng tuluyan sakin pero naihagis ko agad sa kanya ang baton na hawak ko! Di naman ako sumisigaw pero alam kong dinig nya..Gavin ano yon? Hindi sya agad nakaimik...tang ina naman Gavin wala akong ginawang masama sayo pero bakit naman ganito? Hindi parin sya nagsasalita na lalong nakapag paiyak saken!
Napaupo na ako sa gilid ng kalsada..iyak na ako ng iyak! Umupo sya harap ko at nakita kong umiiyak narin sya..hindi ko alam kung dahil ba sa baton na tumama sa tuhod nya nung binato ko sya oh dahil sa ngyayari samin!Niyakap nya ako habang nagsu sorry! Ilang minuto lang kaming ganun...walang nagsasalita! Iyak lang kami ng iyak habang yakap nya ako!
Ng tumigil ako sa pag iyak nilakasan ko ang loob kong magtanong! Gavin kelan pa? Magi isang buwan sagot nya sakin? Mahal mo ba sya? Di sya nagsalita kaya alam ko na ang sagot! Mahal na nya nga si Lourdes! So paano to?aayusin paba natin to o gusto mong hayaan na lang kita sa kanya?
Danie hindi ko kayang wala ka pero diko rin sya kayang bitawan! Napa tanga ako sa sinabi nya! Tang ina Gavin anong katangahan to? Paninindigan mo talagang pagsabayin kaming dalawa ni Lourdes ganun ba? Gago ka Gavin! Gago ka...iniwan ko syang mag isa pagka tapos kong sabihin sa kanya yun!
Pumunta na ako sa formation at maya maya namay nakita ko narin syang sumunod!Nagtataka man ang mga band mates dahil sa itsura namin pero walang nagtangkang magtanong! Si Mel lang ang naglakas ng loob na kumustahin ako..Bes anong ngyari? Naayos nyo ba? Umiling lang ako bilang sagot...
Napabuntong hininga nalang sya at bumalik sa pwesto nya!Umuwi ako ng bahay ng mugto ang mata!Buti nalang tulog na sila Ina kaya di na nila ako nakita! Dumiretso ako sa kwarto at nag bukas ng radyo! Bigla na naman akong naiyak dahil Voice Within ni Cristina Aguillera ang kanta!
Young girl don't cry
Ill be right here when your world starts to fall! LallalalaSabi sa kanta wag umiyak pero di ko alam kung bakit lalo lang ako naiyak! Siguro kase ang sakit sakit lang talaga sobra ng nararamdaman ko! Sumisikip yung dibdib ko at parang dina ako makahinga! Hindi ko maintindihan kung anong ngyayari..basta ang nararamdaman ko lang sobrang sakit talaga hanggang sa natulugan ko na ang pag iyak!
BINABASA MO ANG
My First and Last Love
FanfictionThis story proves that First Love Never Die and believe in a saying That if it's meant to be it will be!