Chapter 32

70 1 0
                                    

Pilit kong iminu mulat ang mga mata ko pero pakiramdam ko ang bigat ng mga ito!

Unang nahagip ng mga mata ko ang Nanay ko na nakahiga sa mga hita ng aking Ama sa isang couch!

Nilibot ko aking paningin at narealize na nasa Ospital ako! Napansin ko na din ang dextrose na nakakabit sa isang kamay ko!

Mabigat pa ang pakiramdam ko pero pinilit kong alalahanin kung anong ngyari bago ako mapunta dito!

Teka'sino ang nagdala sa akin dito at paanong nalaman nila Ina?

Ang huling naaalala ko'pumunta ako sa simbahan habang dala ang wedding gown ko!

Ngayong araw dapat kami ikakasal ni Fredo..pero napakasakit isipin na hinding hindi na mangyayari yon!

Nagpa flashback pa sa utak ko kung paano ginawa ng mga doctor ang best nila para ma revive si Fredo!

Pero hindi na nya ito kinaya at tuluyan ng sumuko!

Iniwan na nya ako! Paano na ako ngayong wala na sya?

Naiyak na naman ako kaya siguro nagising si Ina at dali dali akong niyakap!

Ina..paano na ako? Ngayon dapat kami ikakasal ni Fredo eh! Patuloy kong iyak kaya nagising narin si Ama!

Anak magpaka tatag ka'laksan mo ang loob mo'hindi gugustuhin ni Fredo na magka ganyan ka! Andito kami ng Tatay mo..dika namin pababayaan!

Iyak parin ako ng iyak hanggang sa nakatulugan na ito! Hindi ko na rin namalayang dumalaw pala ang pamilya ni Fredo..di na nila ako ginising para mas makapag pahinga ako at babalik nalang daw sa susunod na araw!

Habang abala si Ina sa pagbabalat ng prutas tinanong ko sya kung sino ang nagdala sa akin dito?

Ah anak si Gavin ang nagdala sayo'nakita karaw nyang nawalan ka ng malay tapos tinawagan nya si Borj para ipa alam sa amin ang ngyari sayo!

Paanong si Gavin ang nakakita sakin? Naka balik na pala sya ng Pilipinas''tanong kong puno ng pagtataka!

Pinayagan na ako ng Dr na makauwi matapos kung mag stay ng hospital ng tatlong araw!

Pero binilin nya na kailangan ko pa magpahinga ng dalawang linggo pa para makabawi ng lakas!

Stress at depression daw ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay!

Matapos ang dalawang linggo ay bumalik narin ako sa pagta trabaho ng coffee shop!

Sakto naman na binisita ako ng Mama ni Fredo'sinabi ko sa kanya na balak ko ng isauli sa kanila ang coffee shop!

Pero hindi sila pumayag'kasama din daw kase ako sa nagtaguyod kaya kaya ipinauubaya na nila sa akin itong shop!

Ayaw kong tanggapin..pero sabi nila na di daw gugustuhin ni Fredo na bitawan ko ito..

Wala naman akong magawa dahil ayaw talaga nila na isauli ko sa kanila ang shop kaya sabi ko nalang na ibibigay ko ang kalahati ng kikitain ng shop sa kanila!

Pumayag na sila kung iyun daw ang ikagagaan na loob ko!

Wala namang nagbago sa pakikitungo nila sa akin kahit patay na si Fredo!

Palagi parin nila akong ini invite sa bahay nila para mag dinner o kaya nama'y kumain sa labas!

Sinasabihan din nila ako na lumabas ako o mamasyal paminsan para naman daw malibang ako at hindi puro trabaho!

Kaso simula nung mawala si Fredo nawalan na ako ng gana mamasyal kahit yayain ako ng mga kaibigan ko!

Pinayagan din nila ako nung nagpaalam ako na may reunion ang aming banda..sila pa mismo ang nagtutulak sa akin para pumunta pero tinatamad talaga ako!

Hindi naman sa ayaw kong makita ang mga dati kong kasamahan pero..basta hindi ko gustong pumunta 'bahala na!!!

My First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon