Chapter 9

84 3 0
                                    

2 days na nung last kami nag usap ni Danie! At dalawang araw narin ako hindi makapag pakita dun tropa kase paniguradong lagot ako! Kaso hindi naman ako pwedeng umiwas nalang..pano pagpa practice ko sa banda!Napa buntong hininga nalang ako! Kelangan ko harapin to kase kasalanan ko naman talaga!Hindi pa ako nakaka alis ng bahay pero may narinig na akong kumakatok! Si Mel at Borj! Paktay na!

Binuksan ko ang pinto at pinapasok sila! Sa mga tingin palang nila alam kong galit na galit sila at parang gusto na nila ako sapakin! Umupo silang dalawa at diretso akong tinanong ni Mel..pre ano yun? Anong ngyari? Mag kaibigan tayo pre pero best friend ko yung sinaktan mo! Kaibigan namin yung ginago mo at pinsan ng girlfriend ko ang tinarantado mo!kita ko ang gigil sa mata ni Mel! Di pa ako nakakasagot pero nagsalita narin si Borj! Bro..panong ngyari na naging kayo ni Lourdes eh ang ayos nyo naman ni Danie? Masaya naman kayo kita namin yun tapos pre biglang magugulat nalang kami na may ganito na pala? Ilang sandali pa bago ako nakapag salita!

Pre, diko naman sinasadya!Parang nagising nalang ako isang umaga na gusto ko na si Lourdes! Siguro kase magka klase kami at mas madami yung oras na sya ang kasama ko kesa kay Danie! Tapos ayun mas excited na akong makita sya kesa sa girlfriend ko! Pre diko talaga alam..kahit ako diko din maintindihan! Nasasaktan din ako sa ngyayari! Bro alam nyo naman,kase nakita nyo naman kung gaano ako nag effort kay Danie!lahat ng pinakita ko sa inyo lalong lalo na sa kanya lahat yun tutuo! Kase mahal ko naman talaga sya.. Mahal na mahal!

Mahal na mahal mo naman pala sya pre pero bakit nasasaktan si Danie ngayon? Di nya deserve yun pre! Mahal na mahal ka nya.. maayos syang girlfriend mabait pero bakit pre? Tanong ni Borj!

Bro alam kong mahirap intindihin kase mismong ako nahihirapan din  ipaliwanag!Diko alam pre! Sorry di ko naman talaga sinasadya..

Hindi ka samin dapat humingi ng sorry..alam mo kung kanino dapat pre! Sagot ni Mel!Kawawa naman si Danie kase pre..wala syang kasalanan pero sya yung mas nasasaktan! Ano bang plano mo?

Diko pa alam eh!Mahal ko si Danie pero diko mabitawan si Lourdes! Nakatungo kong sagot! Ang labo mo naman Gavin eh..alam mong hindi pwede yan! Kelangan mo mamili! Ayusin mo na to pre!may masasaktan at may masasaktan wala na tayong magagawa dun! Dugtong ni Mel!

Inaasahan ko ng magkikita kami ni Danie sa practice kaya sana magkaron ako ng lakas ng loob kausapin sya! Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya..kung paano sya maglakad na laglag balikat sa sobrang bigat ng nararamdaman nya! At dahil yon sa katangahan ko! Ako dapat ang nagpapa saya sa kanya pero hindi! Nagawa kong saktan ang babaeng wala namang ginawa kundi mahalin lang ako! Bat ba kase ang gago gago mo Gavin? Mura ko sa sarili ko habang tinititigan si Danie! Tapos na ang practice namin kaya nilapitan ko na sya!

Danie..hatid na kita? Mag isa lang sya ngayon kase may sakit si Gean! Kahit hindi sya sumasagot sinabayan ko parin sya! Danie please......narinig ko ang paghinga nya ng malalim bago nagsalita! Ano pabang sasabihin mo? Kailangan paba kita papiliin kung ako o si Malou? Kase Gavin kung talagang mahal mo ako dimo naman gagawin sakin to diba?hindi agad ako nakasagot kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita! Gavin sana nung nararamdaman mo na gusto mo na sya sana sinabi mo na agad sakin! Para nagkaroon ako ng pagkakataon na ihanda ang sarili ko na pakawalan ka..kaso Gavin binigla mo ako..masakit kase sa iba ko pa nalaman! Nag muka akong tanga Gavin at ikaw mismo hinayaan mong mangyari saken yun! Sana kung may pagkukulang ako sinabi mo hindi yung naghanap ka ng ibang magpupuno! Kitang kita ko yung mga luhang tumutulo sa mga mata nya! Nagagalit na naman ako ngayon sa sarili ko..

Danie Im sorry! Kasalanan kong lahat to..Nasaktan kita ng sobra at ngayon minumura ko ang sarili ko dahil sa kagaguhang nagawa ko! Hindi dapat kita hinayaang masaktan! Dapat nung simula palang na may iba akong nararamdaman kay Loudes..umiwas na dapat ako! Baka sakaling dina lumalim yung nararamdaman ko para sa kanya! At Danie wala kang kasalanan! Hindi ka nagkulang hindi lang talaga ako siguro ako nakuntento...!

My First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon