Chapter 13

78 3 0
                                    

So ano nga yung chika mo Caz? Dami mo naman pautot! Biro ko kay Gean...

Eto na nga..taeng tae Caz?Si Gavin kase ilang beses napagalitan ni Sir kagabi kase laging nagkaka mali! Wala daw sa focus!

Oh ano ngayon?bakit naman sinasabi mo pa yan saken? Pakealam ko dun?kunot noo kong sagot sa kanya kahit deep inside gusto ko naman malaman yung dahilan!

Ay ang sungit mo! Galit na galit? Biro nya saken habang naka ngisi! Alamin mo muna kung bakit sya napagalitan..

Di ako intersado Caz..wala na kami diba? Telege be ayaw mo talagang malaman na dahil sayo kaya sya nasita ng malala ni Sir? Nanlaki mata ko sa sinabi nya at napansin nya yun!

Oh kala ko ba wala kang pakealam?tanong nya! Eh kase sabi mo dahil saken..nagulat ako kase ano namang kinalaman ko dun? Nagtataka parin ako!

Tinanong sya ni Sir kung bakit daw wala sya sa focus? Sabi nya masakit daw ulo nya..dina naman sya kinulit ni Sir at pinayagan na umuwi para daw maka pag pahinga! Pero si Borj at Mel hindi naniwala na masama pakiramdam nya kaya ayun kinulit nila hanggang magsabi kung bakit nga talaga!

Naiisip ka daw nya..naninibago daw sya kase sanay sya na nakikita ka nya tuwing may practice tayo!tuloy tuloy nyang pagsasalita! Kinikilig ako pero pinilit kong di ipahalata..

Ayowwwnnn! Kinilig yan? Tukso nya sakin..! Tsseeeee bakit naman ako kikiligin? Pinakawalan nya ko tas ngayon mami miss nya ko? Irap kong sagot sa pinsan ko!!

Hoyyyyy masyado kang advance mag isip Caz! Ang sabi naiisip ka lang...hindi nami miss! Magkaiba yun oy...!napahiya tuloy ako sa tukso ni Gean!

Hay naku self..grabe ang delulu mo! Kaya ka nasasaktan eh..bulong ko sa utak ko!Para lang maiba ang usapan namin eh binigyan ko si Gean ng isang pocket book!

Oh ayan basahin mo..maganda yan !sabi ko sa kanya pagka abot ko ng pocket book!

Caz alam mong di ako nagbabasa nito..wala akong time kaya sayo na tooo! Aamagin lang to sa kwarto ko kaya iyo na ulit yan! Matutulog nalang ako kesa magbasa nyan! Sasakit lang mata ko dyaaannn..

Try mo kase..promise mawiwili ka! Pilit ko sa kanya! Ayaw ko nga Caz..bala ka nga dyan uuwi na ako at ng makatulog na! Medyo napagod din ako sa practice! Tumayo na sya at nagpa alam!

Uwi na ko Caz..matulog kana din! Wag mo masyadong dibdibin yung chika ko sayo para hindi lumalim yang imahinasyon mo! Tukso nya saken bago tuluyan makalabas ng kwarto ko!

Gusto ko pa sana syang batuhin ng unan kaso nakalabas na sya! Eto nalang pinsan ko may pagka bargas din minsan eh!magsasabi ng ganun tas sasabihin wag ko isipin! Baliw talaga!

At ayon nga!naiisip ko parin yung sinabi nya..hindi tuloy ako makatulog! Nagbukas nalang ako ng radio at nagbasa ulit ng pocket book para antukin!


Sunday ngayon at walang pasok! Kakatapos ko lang kumain ng biglang nag ring ang phone ko'tumakbo ako sa kwarto para kunin yon! Ng tingnan ko.,band instructor namin ang tumatawag at Sinagot ko naman yun..

Me:Hello Sir! Bakit po?
Sir:hello Danie good morning! Busy kaba today?
Me:hindi naman po bakit?
Sir:favor naman Danie! Baka pwede palitan mo muna si Angelica? Bigla kaseng sumama ang pakiramdam!
Me:hala Sir bakit ako?
Sir:wala naman kase ako ibang maisip na pwedeng pumalit sa kanya! Please Danie..last na talaga to!
Me:Sir naman eh..alam nyo naman na diko kayo matatanggihan eh! Ang daya nyo! Binubudol nyo ko eh!
Sir:hahaha grabe ka sa budol! Last na nga to Danie!Type C ang uniform..before 12 noon dapat andito kana para makapag rehearse pa tayo ng isa bago umalis! Thanks Danie bye!

Wala na akong nagawa kase pinatayan na ako ng phone ni Sir!Sinilip ko ang oras.. 10 am palang! Kelangan ko na mag prep! Pinuntahan ko muna si Ina sa kusina para makapagpa alam!

Ina'tumawag po kase si Sir! Naki usap po na sumama muna aki sa asiste'last na daw talaga! Ikaw bahala Anak! Maayos naman ang uniform mo diba?Opo Ina..salamat po mag ready na lang po ako!

My First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon