Nakanang pare.. Iba datingan natin ngayon ah!inlab na inlab pre? Biro saken ng dalawang kutimoy nung naglalakad na kami para sunduin si Gean at Danie! Ewan kung anong nakain ni Borj at sumama sya ngayon! (baka nakaka amoy ulit ng pagkain 😂) Sobrang saya lang talaga pre kase diba nga nasabi ko na kay Danie na liligawan ko sya at salamat sa Dyos at pinayagan naman nya ako! Whoooohhh Iba ang nagagawa ng pag ibig sayo pre nagiging madasalin kana! Sabi ni Mel at nag apiran pa silang dalawa ni Borj! Mga sira kayo sobrang thankful at masaya lang talaga ako! Inaasar parin nila ako hanggang sa makarating na kami kina Danie para sunduin sila!
Good evening po Tita..magandang gabi po Tito at nag mano pa ako!Magandang gabi din Gavin sagot naman ni Tita! Oh nasan yung dawala..?tukoy nya kay Mel at Borj! Ahh sinusundo po nila si Gean! Ah ganun ba umupo ka muna at tatawagin ko lang si Danie..Okay po Tita..thank you po!at tumalikod na nga si Tita para tawagin si Danie!
Anak..andito na si Gavin! Bumaba kana dyan..! Opo Ina.. tugon ko naman! Ewan ko ba pero parang iba yung kaba ko ngayon! Basta ambilis ng tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa katawan ko!hinihingal ako kahit wala naman akong ginawa!Huy self ano bang nangyayari sayo? Si Gavin lang yan! Para namang hindi ka sanay na sinunsundo ka nya at pag may practice kayo...kumalma ka nga at baka himatayin ka dyan! Bulong ng utak ko sakin! Ilang saglit pa ay labas narin ako! Nung makita kong naka upo si Gavin habang kausap si Ama ay bigla na naman akong kinabahan!Pinilit ko kalmahin ang sarili ko at tinawag si Gavin!
Gavin tara na?nagulat pa sya at napatayo! Ay andyan kana pala.. Sige tara na! Ama alis na po kami...sige anak! Uwi na agad pagka tapos ng practice ha! Opo Ama! Tito una na po kami..pasabi na lang po kay Tita na ngayon ay nasa kusina! Sige toy.. Ingat kayo! Sige po salamat!
Asan sila? Tanong ko kay Gavin para kahit pano mawala yung nararamdaman kong pagka ilang sa kanya! Ah daanan nalang daw natin sila kila Gean! Ah okay!sabi ko naman! Oh ayan na pala sila Gavin eh sabi ni Borj!at diretso na silang naglakad papuntang court! Si borj eh nakisakay na sa motor nung dumaan yung isang band mate namin! Kaya apat na lang ulit kaming naglalakad ngayon! Ganundin pag uwi namin after ng practice!
Simula nung nag start manligaw si Gavin saken mas naging extra maalaga sya sakin!Sinusundo narin nya ako sa school!Nagpa alam narin sya kay Ina At Ama na manliligaw sya saken at hindi naman sya nahirapan na mapapayag sila basta daw sa bahay at ayaw nya kaming makikita sa kung saan saan lalo na kung hindi nila alam!Alam narin kila Gavin ang tungkol sa panliligaw nya sakin at muka namang gusto ako ng Mama at Tatay nya maging ng mga kapatid nya! Maayos naman at walang naging problema...
BINABASA MO ANG
My First and Last Love
FanficThis story proves that First Love Never Die and believe in a saying That if it's meant to be it will be!