Akala ko talaga maayos ang lahat sa amin! Masaya naman kase talaga kami at ang alam ko wala kaming problema! Hindi ko alam kung manhid ba ako na hindi ko man lang napansin na may iba na palang ngyayari o magaling lang talaga silang magtago!
May klase kami nun nung bigla lumapit sakin ang classmate kong si Sheng! Parang may gusto syang sabihin pero di nya alam kung paano sisimulan! Uyyy Sheng may problema ba? Ah a-no ka-se Danie! Nauutal na sabi nya kaya nagtaka naman ako! Ano ba yun Sheng? Huminga muna sya ng malalim bago nagsimula magsalita ulit...Danie diba kilala mo naman si Lysa? Yung pinsan mo na classmate nila Gavin? Tanong ko naman! OO sya nga..dugtong naman nya! Oh tapos anong meron Sheng?naguguluhan parin ako sa gusto nyang sabihin! Ganito kase Danie alam naman kase ni Lysa na magka klase tayo at alam nya din na girlfriend ka ni Gavin tapos tumigil ulit sya sa pag sasalita! Nararamdaman ko ng may mali sa mga ngyayari kaya sinabihan ko syang ituloy na ang pagsasalita! Narinig ni Lysa na nag uusap si Gavin at Lourdes..at ikaw ang pinag uusapan nila! Nagulat ako sa sinabi nya pero pinilit ko paring alamin kung ano yung tungkol saken...!Narinig ni Lysa na sinabi ni Malou kay Gavin kung paano ka pag nalaman mong may relasyon sila!! Hindi na ako nakapag salita matapos ko marinig yon...naramdaman ko nalang na nag uunahang tumulo ang luha sa mga mata ko!Nakita ni Borj at Mel ang pag iyak ko kaya nilapitan nila agad ako!
Danie..anong ngyari? Bat umiiyak ka?Hindi ko na napigilan mapahagulhol nung lumapit ang dalawang kaibigan ko..sinusubakan nilang patahanin ako pero ayaw tumigil ng mga luha ko! Nakatingin na samin lahat ng mga classmates namin pero diko parin magawang tumigil sa pag iyak..Medyo nahimasmasan lang ako nung dumating yung teacher namin para sa next subject! Tulala lang ako sa buong klaseng yun! Ni walang anumang salita akong naririnig kaya wala din pumasok sa utak ko na tinuro ng Teacher namin! Uwian na nun pero nagtaka ako na walang Gavin na sumundo saken sa school! Si Mel Borj lang at si Gean ang naghatid saken! Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin yung dalawa! Mel,Borj may alam ba kayo sa ngyayari kay Gavin at Lourdes? Nagulat naman ang dalawa lalo na ang pinsan ko! Nakita kong sinamaan nya ng tingin ang best friend ko dahil syempre tulad ko wala din syang alam! Bes kayo dapat ni Gavin ang mag usap tungkol dito..sorry pero wala talaga kaming alam!
Sa isang gilid naman narinig kong may kausap si Borj sa phone at malakas ang pakiramdam ko na si Gavin yun kase narinig ko yung ibang sinabi ni Borj!
Borj:Hello pre!Tang ina mo pre anong ginawa mo? Anong kagaguhan to? Sunduin mo si Danie sa bahay nila at mag usap kayo! Ayusin mo to pre utang na loob! Nakita kong tinapos na ni Borj ang tawag at binalik sa bag ang cellphone nya!
BINABASA MO ANG
My First and Last Love
ФанфикThis story proves that First Love Never Die and believe in a saying That if it's meant to be it will be!