Chapter 31

73 1 0
                                    

Fredo's POV

Nag aayos ako ng mga gamit ko ngayon dahil bukas na ang flight ko pabalik ng Pilipinas'

Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong kaba!

Maaga ang flight ko kaya maaga rin ako nagpahinga..baka kase tanghaliin ako ng gising at maiwan ako ng eroplano!

Whooohh'na namiss ko to! Namiss ko ang Pilipinas! Mahigit dalawang taon din simula nung huling umapak ang mga paa ko sa bansang ito!

Naisipan ko munang dumaan sa mall para bumili ng bagong phone at simcard!

Gusto ko kasing i prank call ang mga kaibigan ko!

Hindi nila alam na ngayong araw na to flight ko!

Hindi rin ako nagpa sundo sa pamilya ko para surprise! Miss na miss ko na sila!

Marami akong gustong gawin sa pagbalik ko!

At kinakabahan din ako sa posibleng pagkikita namin ni Danie! May reunion kase ang banda namin!

Nag grab nalang ako pauwi sa bahay pero naisipan ko munang magpadaan sa driver sa simbahan!

Kakatapos ko lang magtirik ng kandila at palabas na ng simbahan ng may nakita akong isang babae!

May dala syang wedding gown'umiiyak habang naglalakad pa puntang altar!

Sa ayos nya muka syang miserable'halata mo sa mga lakad nya na may mabigat syang pinag dadaanan!

Halos madapa sya sa paglalakad..iyak kase sya ng iyak at mukang di na nya nakikita ang nilalakaran!

Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan sya! Habang palapit na sya sa altar tsaka ko lang napansin ang kanyang pamilyar na muka!

Hindi ako pwedeng magkamali..

Si Danie ang naglalakad sa gitna ng altar habang umiiyak!

Ng makarating sya sa harap bigla nalang sya napaluhod at umiyak ng napaka lakas at bigla nawalan ng malay'

Dali dali akong lumapit sa kanya at binuhat sya para dalhin sa Hospital!

Sinakay ko sya sa kotse at sinabihan ang driver na dalhin kami sa pinakamalapit na Hospital!

Yakap yakap ko sya ngayon at dahan dahang pinupunas ang kanyang mga luha!

Marahan ko din syang tinatapik at nagbabaka sakaling magigising sya!

Nagtataka ako sa ngyayari sa kanya at hindi ko maiwasang mag alala!

Pagkarating namin ng Hospital tumawag agad ako ng mga nurse para maasikaso sya! Ayaw nila ako payagang pumasok sa ER !

Habang tuliro akong palakad lakad sa labas ng may lumapit na nurse sa akin para magtanong ng kaunting information about sa patient!

Sinabi ko din kung anong ngyari bago ko sya dalhin dito!

Tinanong ako ng nurse kung may kilala daw ba akong kamag anak ni Danie na pwede kong tawagan para maipa alam ang kondisyon nya!

Dali dali ko naman kinuha ang bagong phone na binili ko..nanginginig pa ang kamay ko habang nilalagay ang bagong simcard!

Kinuha ko ang lumang phone ko at hinanap ang number ni Borj para tawagan!

Hello bro'si Gavin to!

Yung balak ko na i prank sila ay malabo ng mangyari dahil sa ngyari kay Danie!

Oh bro..nakauwi kana?bakit dika man lang nagsabi para nasundo ka namin! Sabi nito!

Mamaya na tayo mag chismisan bro but can you please call Tita Delia and tell them na dinala ko dito sa Hospital si Danie! utos ko dito!

Ano? What happened bro? tanong ulit nito na nagpa panic na!

Basta tawagan mo nalang sila ngayon na..dito na tayo sa Hospital mag usap!

Sige sige bro..bye!

Pagkatapos kong maka usap si Borj ay bumalik na ako sa nurse information para para sabihin na natawagan ko na ang pamilya nito!

Maya maya'y lumabas ang Dr na tumingin kay Danie at hinanap ang sino mang kapamilya nito!

Ahh Doc..si Mr. Espiritu po ang nagdala sa patient dito pero natawagan na po nya ang pamilya ng pasyente! Sabi ng nurse!

Ahh ganun ba? Pag dumating sila tell them to go in my office okay!

Sige po Doc..sagot ulit ng nurse!

Ahh nurse pwede ko po bang puntahan si Danie? Tanong ko sa dito!

Ay sige po Sir!

Wala pa ring malay si Danie pag pasok ko! Kitang kita ko parin sa mukha nya ang bigat na pinagda daanan nya!

Ang dahilan? Hindi ko alam! Sobra parin akong naga alala sa kanya!

Maya maya pa'y dumating na sila Tita at Tito kasama si Borj Gean at Mel..kaya lumabas narin ako !

Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at tinanong ako sa kung anong ngyari!

My First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon