Chapter 15

88 3 2
                                        

Danie danie..nagising ako dahil sa mahinang tawag ng pangalan ko! Nagulat pa ako dahil si Gavin pala ang gumigising sakin!

Danie..andito na tayo! Ayy oo nga! Sir pasok po muna kayo para makapag kape! Hindi na Danie..ba byahe pa ako papuntang Cavite City eh! Pasabi nalang kay Nanay mo na SALAMAT!

Sige po Sir..salamat po sa paghatid ingat kayo!

Naka lock na ang pinto..tulog na siguro sina Ina!tiningnan ko ang relo ko..alas onse na pala kaya tahimik na ang buong bahay!

Dahan dahan akong kumatok..at maya maya namay binuksan narin ni Ina ang pintuan! Oh Danie andyan kana pala..kumain ka na ba? Tanong nya!

Opo Ina..kumain po kami bago umalis dun'busog pa po ako!

Sinong naghatid sayo? Ah sila Sir po..sa kotse nya po kase ako nakasakay kaya dini retso na nila ako dito! Salamat daw po pala Ina sa pagpayag sabi po ni Sir!

Sabihin mo walang anuman! Oh sige na magpahinga kana at alam kong pagod na pagod ka!

Sige po Ina..matulog narin po kayo ulit!

Nakahiga na ko sa kama ko pero naiisip ko parin kung bakit si Gavin ang gumising sakin eh mauunang madaanan ang bahay nila bago pa makarating dito samin! Nakatulog kaya ulit ako sa balikat nya kaya di sya nakababa sa kanila? Hala nakaka hiyaaa...bulong ko sa sarili ko! Natapik ko pa ang noo ko dahil sa kakaisip ko! Nakatulog rin naman agad ako marahil sa sobrang pagod!

Nandito narin ako sa bahay!nakabihis narin ako para makapag pahinga pero di ako inaantok! Nakatulog rin kase ako sa byahe kanina pauwi! Lumabas ako ng kwarto at nagtimpla ng kape..habang naka upo naalala ko na naman si Danie!

Napaka antukin nya talaga..kumbaga masandal lang tulog na agad! Dipa man malayo ang natatakbo ng sasakyan pero pagtingin ko sa kanya tulog na agad sya..nalalaglag ang ulo nya kaya nagpasya nga ako na ihilig na lang sya sa balikat ko! Baka nga kase mauntog sya sa sandalan ng upuan o kaya sa bintana!

At dahil nga malalim sya kung matulog..dina nya yun namalayan! Ang ganda ganda nya talaga!napaka simple pero ang lakas ng dating! Natural syang maganda..!napaka bait pa! Yun naman kase talaga ang nagustuhan ko sa kanya.. Yung pagiging simple at kalog!

Hindi sya yung tipong babaeng babae! Hindi mo sya madalas makikitang naka dress! Nakaka pag skirt lang sya dahil sa uniform! Mas gusto nya ang jeans at rubber shoes! Mas lalaki pa nga yun kumilos minsan kesa saken!

Hindi sya nahihiyang tumawa ng malakas kahit maraming tao! Basta masarap syang kasama!nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng mag ring ang phone ko at si Lourdes ang tumatawag!

Ay shit'sabi ko nga pala tatawagan ko sya! Ano kaba Gavin kung anu ano kase iniisip mo kaya nakalimutan mo ang girl friend mo! Tinitigan ko pa saglit ang phone ko bago ko sinagot ang tawag!

Me:hello Babe!
Lourdes:kanina ko pa hinihintay ang tawag mo ah! Nakalimutan mo na ata ako!
Me:sorry babe sobra akong napagod kaya nakatulog ulit ako sa byahe!kakarating ko lang ng bahay! Kape tayo babe...
Lourdes:tinawagan ko si Mel kanina kase nga dika pa tumatawag'bakit hindi ka sa shuttle naka sakay ha?
Me:hindi na kase kasya babe kaya dun na ako pinasakay ni Sir sa kotse nya!
Sir:sinong kasama mo dun?

Diko alam kung sasabihin ko bang si Danie ang kasama ko sa sasakyan kase paniguradong magagalit sya! Pero magagalit din naman sya lalo pag diko sinabi! Para pa naman tong dragon magalit! Hay sasabihin ko na lang!

Lourdes:ano bakit dika makasagot? Siguro babae ang kasama mo dun ano? Umayos ka Gavin ha..
Me:Si Danie ang kasama ko sa sasakyan babe!
Lourdes:ano?bakit kasama mo sya eh diba nag quit na sya! Ano nilalandi kana naman nya ulit ganon? Lagot sakin yang babaeng yan!
Gavin:alam mo bukas nalang tayo mag usap! Hindi mo rin naman ako maiintindihan kase inuuna mo ang galit mo! Magpahinga kana!
Lourdes:hoy Gavin sinasabi ko talaga sayo...
Me:Sige na babe.. Pagod din ako! Magpahinga na tayo..bukas mag usap tayo ng maayos! Bye

Maaga ako nagising para pumasok'kelangan ko pa kase sunduin si Lourdes kase pinangako ko sa kanya na mag uusap kami! Tinawagan ko sya para makapag handa sya ng maaga para may pagkakataon pa kami mag usap bago mag simula ang klase!

Malayo layo pa ako sa kanila pero tanaw ko na si Lourdes na ready na at hinihintay na lang ako! Ngayon palang ang sama na ng tingin nya saken at mukang galit na galit parin sya sakin!

My First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon