Danie's POV
naglalakad na ako sa kanto papasok ng Campus ng makita ko si Lourdes kasama yung isang kaibigan nya at parang may inaabangan sila! Baka yung isa pa nilang kaibigan sa isip isip ko!
Nilagpasan ko lang sila nung may maramdaman ko na may humila sa buhok ko...si Lourdes!
Ano ba Lourdes bitawan mo nga ako..!masyadong mahigpit ang pagkaka sabunot nya sa buhok ko kaya nahihirapan ako makawala!
Hoy ikaw na babae ka! Pipiliin mk yung lalaking lalandiin mo ha..patuloy nyang sabunot saken!
Ano bang sinasabi mo? Tanong ko sa kanya..!Hindi ako makakilos ng maayos dahil hawak ng isang kaibigan nya yung kamay ko!
Pasimple ka din lumandi eh..ano hindi ka maka get over kay Gavin kaya gumagawa ka ng paraan para makalapit ulit sa kanya?
Mali yang iniisip mo Lourdes ano ba bitawan mo nga ako! Napaki usapan lang ako ng band master namin!
Akala mo ba maniniwala ako sayo ha? Ito tandaan mong babae ka...hinding hindi ko hahayaan na mabawi mo sakin si Gavin! At sa susunod na malaman ko na lumapit ka ulit sa kanya..hindi lang ito ang gagawin ko sayo!
Bago nila ako tuluyang bitawan isang malakas na sampal pa ang binigay saken ni Lourdes! At sobrang sakit nun..ito yung unang beses na may gumawa sakin nito at naiiyak ako! May mga studyante ding naka kita kaya hiyang hiya ako..
Inayos ko ang buhok ko at pinagpagan ang damit ko bago dumiretso sa kubo kung saan kami laging nakatambay ng kaklase at kaibigan kong si Shienna at Nancy!
Pinilit kong takpan yung pisngi ko na sinampal ni Lourdes para hindi nila mahalata ang pamamaga nito!
Dahan dahan akong umupo at binati sila na parang walang ngyari kanina..!
Oyyy kanina pa kayo? Bati ko sa kanila..
Hindi naman halos magkaka sunod lang tayo..!
Ohh anong ngyari dyan sa pisngi mo? Para kang sinampal! Hindi pala nakaligtas sa mata ni Nancy yung pamumula ng kaliwang pisngi ko'
Ahh ito wala nasagi lang..medyo napalakas kaya namula! Pero hindi naman na masakit'pagsisinungaling ko sa kanila kahit ang tutuo eh nangangapal yung pakiramdam ko sa mukha ko!
Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanila ang tutuong dahilan kase paniguradong sila ang gaganti kay Lourdes para sakin!
Patingin nga sabi ni Shienna at lumapit sa mukha ko! Sinubukan kong umatras pero nahawakan nya ko sa baba!
Sigurado kang nasagi lang to..eh bat ang lapad? Paano ka nasagi pa plakda? At saan banda ka naman nasagi..?
Saang kamay ka pumlakda ha Daniella? Patuloy na tanong ni Shienna! Hindi talaga ako makakapag sinungaling sa mga to!
Sino sumampal sayo..?tanong ni Nancy? May hindi kaba sinasabi samen ha?
May kaaway ka? Sana sinabi mo samen para naman may nakasama ka at hindi ka nasaktan! Sunod na sunod na tanong nito!
Kahit talaga kelan parang armalite ang bunganga nito eh..at parang may balak sumali sa rap battle sa bilis at dami ng salita nya!
Teka nga Nancy paano makakasagot si Danie kung kuda ka ng kuda dyan! Try mo kaya sya pasingitin sa pagsasalita ano? Saway ni Shienna dito!
Nakapamaywang na si Shienna ngayon at hinihintay na magsabi ako ng tutuo!
Bilisan mo na sumagot Daniella at baka magklase na tayo..!hindi ako naniniwala na basta lang yan nasagi..magsabi ka ng tutuo nang gigigil ako sayong babae ka!
Okay okay! May sumampal nga sakin! Pero pwede bang hayaan nalang natin! Ayos lang naman ako promise!
Anong hayaan?namamaga yang pisngi mo Daniella tapos sasabihin mo saming hayaan na lang!umayos ka at baka pantayin ko yang pamamaga ng mukha mo!
Ganyan magsalita si Shienna..pero alam ko naman na hindi nya gagawin saken yon'ganyan lang talaga sya pag meron kaming tinatago sa kanya lalo't ganitong pangyayari!
Okay nga lang ako ano ba kayo? Wala na rin naman tayong magagawa kahit sabihin ko pa sa inyo..ngyari na eh! At wala naman akong balak na gumanti!
Pwes sabihin mo samin kung sino yung tangang tao na yan at kami ni Nancy ang gaganti para sayo!
Please..wag na! Mawawala din naman to! Tara na pumasok na tayo..tumayo na ako para sumunod narin sila!
Hindi pa tayo tapos ha Danie..pag uusapan natin ulit to mamaya! Sabi ni Nancy!
BINABASA MO ANG
My First and Last Love
FanfictionThis story proves that First Love Never Die and believe in a saying That if it's meant to be it will be!