Gavin's POV
ito yung unang beses ko mag practice na wala si Danie! Aaminin ko nanibago ako bigla..well kasalanan ko naman kase kung bakit wala sya dito ngayon! Kung diko ginawa sa kanya yun masaya parin syang nag sasayaw kasama kami! Kaso wala eh gago ako..
Wala akong ibang pwedeng sisihin kundi sarili ko! Mahirap din pala pag may nakasanayan ka tapos biglang mawawala!Sa madaling salita nami miss ko sya.. Nami miss ko yung pag sasayaw nya,yung malalakas nyang tawa habang ka kwentuhan ang buong banda! Yung paminsan minsan nyang pagkanta..yung boses nya!
Basta lahat..nami miss ko yung buong sya! Pero hindi naman dapat diba?Unfair yon para sa babaeng pinili ko! Unfair yon kay Lourdes! Alam kong mali ang nararamdaman ko..kaso anong magagawa ko eh sa nami miss ko sya eh!
Ganun pala talaga..tska mo lang mari realize ang halaga ng isang tao kapag hindi mo na sya nakakasama! Ewan ko pero nalulungkot ako!
Every one back to formation! Natigil lang ako sa pag iisip dahil sa pag sigaw ng instructor namin at pumunta na sa pwesto ko! Nasa kalagitnaan kami ng practice ng himinto sa pag kumpas si Sir!
Gavin,,mali ang notes mo!nagulat tuloy ako! Ay sorry Sir..!ilang beses pa akong nagkamali hanggang sa matapos ang practice!nakatingin silang lahat dahil ilang naka ilang sita sakin si Sir! Naglalakad na ko paalis ng tinawag nya ko..
Gavin sandali lang..tawag sakin ni Sir! Bakit po?Buong practice wala ka sa focus..ngayon kalang nagka ganyan! May problema kaba? Tanong nya..
Ah wala po Sir..masakit lang po ulo ko..pagdadahilan ko para di na humaba ang pag uusap namin!
Ganun ba? Uminom ka ng gamot pag uwi mo..dika pwedeng magkasakit..may asiste tayo sa isang araw!Opo Sir salamat!
Sige na umuwi kana at magpahinga!
Oyy pre problema mo? Tanong sakin ni Mel..!Wala pre masakit lang ulo ko..yun nalang din sinabi ko para dina sila magtanong..! Wag kami pre..kung kay Sir makakapag sinungaling ka..samin hindi! Sabi naman ni Borj!
Ano bang sinasabi nyo? Masakit lang talaga ulo ko naambunan ako kanina..pagdadahilan ko! Tae mo pre naliligo ka nga sa ulan dika nagkakasakit tapos naambunan ka lang sumama na pakiramdam mo! Ano talagang problema mo? Tanong ulit ni Borj!Masyado talaga akong kilala ng dalawang to kaya di ako makakapag sinungaling sa kanila!Bata palang kase kami kaibigan ko na sila..
Napahinga muna ako ng malalim bago ako nagsalita! Naiisip ko lang si Danie!ito yung unang beses na nagpractice tayo na wala sya diba? Naninibago lang siguro ako mga pre!
Naiisip mo o nami miss mo? Tanong ni Mel! Yan yan..nung nandyan pinakawalan mo tapos kung kelan wala na mami miss mo! Katangahan mo kase pre eh!
Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Mel kase tutuo naman!Niyaya ko nalang sila sa bahay para may makasabay ako maghapunan!
Tapos na kami kumain ng yayain ko sila mag inom! Shot tayo pre isang bote lang..pampa antok!Bumili kami ng isang bote ng empi at chichiria para sa pulutan!Dalawang oras din bago namin naubos yung alak sa dami ng kwento na kung anu ano lang naman haha! Kahit pano nawala ng konti yung iniisip ko! Ginabi na tuloy sila dito sa bahay at mukang papagalitan ang mga to kaya pinauwi ko na sila!
Sige na pre uwi na kayo'papagalitan na kayo sa inyo! Ayan galing mo din eh..pagkatapos mo kami lasingin pagtatabuyan mo kami bigla..'sabi ni Borj na umiiling iling pa!
OA nyo pre..sige na umuwi na kayo! Magkikita pa naman tayo bukas! Magpahinga na tayo..uwuwi narin naman sila kase nga may mga talab na rin ng alak!
Nakahiga na ako sa kama ko pero diko alam kung bakit hindi ako dalawin ng antok! Parang ako lang ata ang di tinablan ng ininom namin! Naka ilang ikot na kase ako sa higaan pero hindi parin ako inaantok kaya naisipan ko magbukas ng radio at tska pumikit ulit hanggang sa makatulog ako!
1 week na akong wala sa banda at sobrang inip na inip na agad ako! Wala na kase akong ibang ginagawa ngayon pagka galing sa school!Miss ko na agad ang mga ka banda ko at si Sir! Ayaw ko man aminin pero kasama si Gavin sa nami miss ko..kaso ayaw ko naman bumisita muna sa practice kase makikita ko sya!Nag basa muna ako ng pocket book para mawala ang inip ko..iniwasan ko rin hawakan ang phone ko kase baka di ako makapag pigil ma text ko pa si Gavin!
Naka ilang chapter na ako sa binasabasa ko ng tumunog ang phone ko dahil sa text message!
Kinakabahan pa ako sa pag open kase diko alam kung bakit naiisip ko na sana si Gavin ang nag text pero nung babasahin ko na..galing pala sa pinsan ko!
Gean:Caz tulog kana ba?
Me:dipa naman! Nagbabasa akong pocket book pampa antok!
Gean:punta ako dyan! Kakarating ko lang galing practice!
Me:okay wait nalang kita!Maya maya pa eh narinig ko na ang katok nya sa labas ng kwarto ko!Sinabihan ko nalang syang pumasok na kase tinatamad ako tumayo kase nga nagbabasa ako!
Oyyy Caz..kumusta ka naman? Tanong nya! Eto bored na bored na..naninibago ako kase wala na akong practice na pinupuntahan sagot ko naman!
Ikaw kase eh may pag quit kapa ayan tuloy! Oyyy caz alam mo ba?malamang hindi pa sagot ko naman habang tumatawa!hinampas nya tuloy ako!
Siraulo ka..eto na nga kase may chika ako sayo!
BINABASA MO ANG
My First and Last Love
FanficThis story proves that First Love Never Die and believe in a saying That if it's meant to be it will be!