Hindi pa man ako lubusang nakakalapit sa kanya pero kinompronta na agad ako ni Lourdes!
Ano Gavin?ngayon ipaliwanag mo saken kung bakit magkasama kayo ni Danie kahapon eh sa buong pagkaka alam ko nag quit na sya? Mataas na ang boses nya at naka taas ang mga kilay nya! Mukha syang dragon na anytime eh magbubuga ng apoy dahil galit!
Ano ba Lourdes..pwede bang hinaan mo yang boses mo? Baka mamaya marinig tayo nila Tita at lumabas pa sila..!Sinubukan ko syang kalmahin pero mukhang wa epek!
Gavin,,paano ako kakalma kung kasama mo yung malandi mong ex buong araw kahapon! Patuloy nyang talak..mukang wala syang pakialam kung marinig pa sya ng buong barangay! Napaka tapang talaga nito..ibang iba sya kay Danie! Bulong ng isip ko!
Pwede bang ako muna ang magsalita babe?Hayaan mo munang ipaliwanag ko sayo kung anong ngyari kahapon!
Nagka sakit yung Mayora namin sa banda kahapon kaya napilitan si Sir na makisuyo kay Danie na pumalit muna! At sa maniwala kaman o hindi! Hindi ko alam na makaka sama ko sya kahapon..nagulat nalang din ako nung dumating sya!
At tuwang tuwa ka naman? Ano miss na miss mo yung malandi mong ex ha Gavin? Singit na naman nya!
Pwede ba Lourdes patapusin mo muna ako? At hindi sya malandi alam mo yan..! Naiinis na ako sa kanya dahil sa mga sinasabi nya..
So pinagtatanggol mo na sya ngayon? Ano nagkabalikan naba kayo? Baka nakakalimutan mo Gavin ako na ang girlfriend mo ngayon at hindi na yung Danie na yun!
Alam mo Lourdes walang patutunguhan tong pag uusap natin kase hanggang ngayon ang init ng ulo mo kaya kung anu ano na ang lumalabas sa bibig mo..hindi na nakakatuwa!At mukang kahit anong sabihin ko sayo hindi mo paniniwalaan..
Anong gusto mong maramdaman ko Gavin ha?May karapatan akong magalit at mag selos dyan sa ex mo..
Ano pabang kinagagalit mo? Gaya ng sinabi mo ikaw na ang girlfriend ko..sayo na ako Lourdes ano pabang gusto mo?
Buti alam mo Gavin..akin kana ngayon at akin kalang!Wag na wag kang magkaka maling magloko at hindi mo magugustuhan ang galit ko..binabalaan kita!
Tara na at baka malate na tayo sa klase..yaya ko kay Lourdes dahil walang patutunguhan ang pag uusap nato! Hindi nya tinatanggap ang paliwanag ko at naririndi na ako sa bunganga nya!
Hanggang sa dumating kami sa school ay yamot na yamot parin si Lourdes!naba badtrip na rin ako sa asal nya kaya pagdating namin sa tambayan ng tropa eh nahalata na nila na badtrip ako!
Umalis narin si Lourdes at sumama sa mga tropa nya!
Oh brad?anyare?nag away kayo ni Lourdes? Tanong ni Borj!
Dahil kay Danie no? Si Mel na ang sumagot ng tanong ni Borj!
Ang hirap nya paliwanagan brad! Kahit anong sabihin ko dinya pinakikinggan..!ang dami dami nyang sinabi na hindi ko nagustuhan! Daing ko sa kanilang dalawa..
Gusto ko at pinipilit kong intindihin yung galit nya pero sobra eh!hindi nakaka tuwa! Patuloy ko..
Bakit ba kase napaka warfreak nyan ni Malou? Sya na ang girlfriend mo diba? Bakit parang threatened parin sya kay Danie? Tanong naman ni Mel!
Wala naman syang dapat na ipag selos diba bro? Tanong ni Borj saken!
Oo naman brad! Hindi sinasadya yung pagkikita namin ni Danie kahapon..kaya wala syang dapat ikatakot!Kaya nga nabad trip ako sa kanya dahil sa mga sinabi nya! Napabuntong hininga nalang ako sa dalawa.. Sakto sa pag bell hudyat na magsisimula na ang klase!
BINABASA MO ANG
My First and Last Love
FanfictionThis story proves that First Love Never Die and believe in a saying That if it's meant to be it will be!