25

273 6 0
                                    

exien's narration

Nag lalakad na ako papasok ng university pero hanggang ngayon napapaisip ako. They told me to leave sihun and now they're letting me have jungmo as my boyfriend?

Gustuhin ko mang malaman ang dahilan, kung bakit, hindi ko malaman. Ayoko ng mag tanong ng questions sa parents ko na connected kay sihun. Baka mas lalo siyang mapahamak.

"Ayaw mo ba yun, exien? Safe na si sihun? Wala ng mangyayare sa kanyang masama?" i still feel empty, but it's kinda light now. Di gaya noon. Maybe because it's really for him. Lahat ng ginagawa ko ngayon, para kay sihun. I want him to be safe.

"Pero what if—" napahinto ako.

"No way. Pumayag naman sila eh. So hindi naman siguro nila gagalawin si jungmo, right?" nahampas ko yung ulo ko sa sobrang pag iisip.

"Aish. Papatayin ko na talaga sarili ko if ever man na pati si jungmo madamay sa kabaliwan ng parents ko," sinipa ko nalang yung bato sa harapan ko saka na tuluyang pumasok ng building namin.

Sa library ako hinihintay ni jion kaya dun ako didiretso. Iiwas ako kay jungmo as long as possible. Hanggang sa makalimutan ko na yung hindi inaasahang pangyayari sa pagitan naming dalawa.

"Koo jungmo koo jungmo koo jungmo koo jungmoo umalis ka sa isip ko—" bakit ba palagi nalang may nakakabangga sakin dito sa hallway? Hindi ba nila ako napapansin para bungguin?

"I'm sorry," bait ko diba ako pa nag sorry.

"Nevermind. Do you know bae exien? Jungmo's girlfriend." tinignan ko yung babae. Naka black oversize shirt siya, black speed trainer shoes, black bagpack. Maganda siya. Pero mas maganda ako. Bakit ako hinahanap nito? Saka bakit kilala niya si jungmo?

Dahil di ako sure intensyon ko, umiling ako.

"Okay." she smirk bago umalis sa harapan ko. Problema nun? Mukhang di pa taga dito sa university.

Napakibit balikat nalang ako. Baka isa lang sa mga ex kalandian ni jungmo. Tsk. Pake ko sa kanya.

Pagpasok ko ng university, bumungad agad sakin si jion. Sumisigaw siya pero walang tunog. If you know what I mean. Basta yun.

Kumakaway kaway pa siya kaya lumapit ako agad.

"Tagal mo. Akala ko di ka aabot today," reklamo niya. Di ko nalang pinansin, lagi naman kaseng ganyan yan. Iniisip ko parin yung babae kanina.

"Huy, may nakasalubong ako kanina." Panimula ko.

"Tingin mo magugulat ako dyan? Malamang may makakasalubong ka. Ano bang gusto mo? Tayo lang dito?" kinurot ko braso niya. Buti nalang di siya sumigaw pero sinapak ako sa braso. Pota??

"Ayun nga kase! She asked me if I know bae exien," napatitig siya sakin.

"Maganda ba? Puro black suot? Parang galing libing? Ganun?" umiling ako tas tumango ng dalawang beses. Bigla naman niya akong hinampas.

"Eh kung ibalibag ko sayo tong libro?"

"Shh!" saway samin nung librarian. Hinampas ko si jion bago ko siya hilahin palabas ng library.

"Bakit ka kase nanghahampas? Aish!" inirapan niya lang ako.

"Iling tas tango!? Ano sagot mo don!?" Ay, hehehehehe. Tanga nga pala tong kasama ko kaya yea.

"Ano bang alam mo?" nakairap na tanong ko.

"Wala na kong ibang alam kundi ang mahalin si woojin mah love so sweet," pinikit pikit niya pa yung mga mata niya kaya napailing nalang ako. Iba talaga tama niya kay woojin. Sayang ka, jinyoung—jinyoung? Sino ba yung hayop na madaldal na yon.

"Pero sis, ex ni jungmo yon." kahit wala namang laman bibig ko, nag chocked ako.

"Oh ikaw anong alam mo?" nakataas kilay na tanong niya. Di pa man ako sumasagot, hinila na niya ako kung saan.

"Hoyy! Saan ba tayo pupunta?"

"Ode hahanapin jowa mo. Baka mamaya inaahas na yun pabalik wala ka pang alam," inaahas pabalik? She mean jennie?

"Wala naman akong pake kung mag babalikan sila—" tinignan ako ng masama ni jion saka may tinuro. Binaling ko nalang yung tingin ko sa direction kung saan nakaturo yung daliri niya.

"Syempre may pake ka. Baka nakakalimutan mo? Jowa mo kaya ngayon si jungmo kaya dali, laban." tinulak tulak niya pa ko papalapit kay jungmo at jennie na magkayakap ng mahigpit.

"H-hayaan na natin sila. Tara na nga!" Hinila ko na paalis si jion bago pa man namin sila maistorbo.

"Te, ayos ka lang?" tanong niya. Tinignan ko lang siya.

Tumingin ako sa paligid. Wala akong nakita kundi apat na lalake, palapit samin. Nakatingin pa nga sakin pero di ko kilala kung sino.

"Makikipag kita ako kay sihun mamaya,"

instant boyfriend➹k.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon