28

240 10 1
                                    

jungmo's narration

Dali dali akong lumabas ng bahay para puntahan sana si exien kaso naalala kong di ko alam kung saang lugar siya nakipag kita kay sihun hyung—

"Bar?" oo, naalala ko na. May nilagay nga palang adress si hyung sa labas nung sulat.

Bakit ko ba pinapagod sarili ko para kay exien? Concern lang ako sa mapapangasawa niya hayaan niyo nga ako. Saka umuulan. Di naman mahilig mag dala ng payong yon. Gusto niya laging naliligo kaya laging mabango yun eh.

"Jungmo hyung!" umuulan na't lahat magkasama parin si dongpyo at minkyu.

"Kayo na ba?" tanong ko kaya nagkatinginan silang dalawa. Parang nahiya pa. Nahuli ko yata.

"Saka ko na kayo hahampasin ng payong ko, nag mamadali ako bye." tumakbo na ko. Gusto ko na ngang iwanan yung payong ko kaya ginawa ko na. Kapag nagkasakit ako, kikiss ako ni exien. Kasalanan niya to pati narin ng karupukan niya. Nakipag kita talaga kay sihun hyung eh ikakasal na nga siya.

Pagkadating ko sa lugar, di ako pinapasok sa loob ng building. Malamang basa ako. Kaya tinawagan ko nalang ng tinawagan si exien kaso hindi siya sumasagot. Baka hindi naririnig.

Nag hintay nalang ako sa labas kaso 10 minutes na yata akong nandito, hindi ko parin siya nakikita.

Kaha nilibot ko yung building sa labas, baka sakaling may iba kong mapasukan kahit parang late na ako.

"Jungmo!" tangina naman.

"What the hell are you doing? Are you out of your mind? Bakit ka nag papaulan?!" sumisigaw siya. Mukhang nag aalala pero anong pake ko?

Hinawi ko yung kamay niya na may hawak hawak na payong. Nakatapat pa nga sakin, pinapayungan ako.

"Wag mo na ko payungan. Basa na ko." tumingin ako sa paligid.

"Come on. Are you looking for me?" tinignan ko siya. Manloloko na, assumera pa. Walang wala kay exien.

"Hindi porke sa inyo to, ikaw na hanap ko. Hinahanap ko girlfriend ko." diretsang sagot ko. Di naman siya nakasagot kaya tumalikod na ako. Pero may nakita ako.

"You can't fool me, koo jungmo. I know she's just one of your girls." sana nga ganon nalang. But she's morethan that for me.

"Exien," bulong ko ng makita ko siyang nakaupo. Halatang umiiyak pero hindi siya nag iisa. May kasama siya. Hindi si sihun hyung, ibang lalake. Pinapayungan siya.

Sino tong gago na to?

instant boyfriend➹k.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon