— exien's narration
abala akong nag rereview ngayon dito sa library. May namiss kasi akong quizes at long test nung nakaraan kaya eto ako ngayon, nag aaral."Napaka basic nalang nyan nirereview mo pa," tinignan ko ng masama si jungmo na epal hanggang ngayong araw.
"Wag mo kong tinitignan ng ganyan, bae exien. Kita mo to?" tinuro niya yung apat niyang tigyawat sa noo, dalawang pisngi at baba. Pa diamond pa pota kaya tawang tawa ko kanina eh
Pero sinisisi nya lang naman ako kung baket nag break out siya.
"Tanga. Di ka kase nag skincare nung gabi." totoo naman.
Inirapan nalang niya ko kaya bumalik nalang ako sa pag rereview ko.
"Ang tagal mo—"
"Tatadjakan na kita dyan, koo jungmo ah! Sinabi ko bang sumama ka sakin ha!?" nanggigigil kong sigaw pero pabulong lang mga mamsh kase nasa library kami.
Tumawa lang siya sa reaction ko bago pigain yung pisngi ko.
"Cute mo." sabi niya.
"Kamuka mo si peppa pig," dun na siya tumawa ng malakas.
Bwisit na pokpok to sigawan ka sana ng librarian tangina mo.
Pero hinintay kong sawayin siya nung librarian kaso pota tinitigan lang tumawa si jungmo! Tutulo na laway mo maam chill ka lang.
"Akala mo papagalitan ako?" nilapit nya muka niya sakin.
"Kahit yang librarian, may pag nanasa sa jowa mo." kumindat pa nga siya eh kaya tumaas talaga lahat ng balahibo ko legit.
Sinampal ko siya kainis eh.
"Aray!!" inirapan ko siya saka mabilis na chineck yung wrist watch ko— at pota!?!?!??! Late na ko ng 15 minutes sa make up class namen!
"Hoy! Pagkatapos mo kong sampalin tatakbuhan mo ko!? Exieeen!" di ko na pinansin si jungmo saka dali daling lumabas ng library. I can't miss that class too. Hindi na ko naka attend dun last week, hindi pwedeng pati ngayon ay absent ako.
Mabilis akong nakarating sa room namin. As I expected, nandun na si teacher, mga kaklase kong babae pati narin yung klase nila donghyun.
Sheeet
"Ms. Bae? You're late," yumuko ako as a sign of being sorry.
"Omg. Sakto na nga pala yung boys kanina. Wala ka ng kapartner. What should we do?" bwisit kasi si jungmo napaka daldal! Dinaig pa nguso ni wonjin!
"Teacher, nandito pa po ako." napatingin kaming lahat sa pumasok. And guess what?
"Sorry po nalate." hinihingal na sabi ni donghyun.
"Gladly, you came donghyun." gladly talaga maam.
"Maupo na kayong dalawa at dun kayo sa group nila jion," nice. Sure win na to kapag si jion kasama. Magaling sa ganyan yang berat na yan eh.
"Nag palate ka talaga para makapartner mo si donghyun no?" hinampas ko si jion saka ngitian si hyeongjun na kapartner niya.
"Baka maniwala sayo si donghyun manahimik ka dyan," pinandilatan ko siya ng mata pero binelatan niya lang ako.
Nag start na kami. Buti nalang may make up class din ako nung nakaraan, magagamit ko ngayon yung mga natutunan ko non.
"Suot mo to pwede?" nag dalawang isip pa kong itanong sa kanya yon. Biglang nakakahiyang mag tanong eh napaka gwapo ng batang to alam niyo ba yon.
Ngumiti siya— pOTA WAG KANG GANYAN.
"Oo naman noona." kinuha niya sa kamay ko yung headband saka niya sinuot yon. Natawa ako, ang cute niya kasi nakakainis.
Skincare. Malamang alangan namang lagyan ko muka niya ng make up tas di manlang nilalagyan ng skincare. Baka magaya siya kay jungmo nako wag naman sana.
"Pwede ko bang—"
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko saka nilagay sa pisngi niya. Tangina ng batang to?!
"Okay lang noona." enough with the noona huhuhu di na kaya ng puso ko
Napatingin naman samin sila hyeongjun at jion.
"hArOt." sabay pa nila kaming inirapang dalawa. Parang timang.
Sinimulan ko ng ayusan si donghyun. Nag simula ako sa eye make up niya tas natapos sa kilay. Dito ako pinaka nag fofocus. Sa sobrang focus ko nga, di ko namalayang ang lapit na pala ng muka namin sa isa't isa at nakatitig na siya sakin.
"U-uh.." napatalon ako sa gulat nung biglang may nag dabog sa harapan ng classroom namin.
Kita ko si jungmo. Pinapatay na yata ako sa isipan niya
"Eto na po, ms. park." wala sa mood nyang sabi bago iwanan yung mga papers na dala dala niya yata?
"Noona, diba ayun yung kabarkada ni hyeongjun? Nag selos yata," nakangising sabi niya.
"Sira. Baket naman." tinapos ko nalang yung pag aayos kay donghyun.
"And the winner is—" maam sasakalin kita pag di nanalo team namin. I swear.
"Jion's team!!" nag tatalon naman kami dahil sa tuwa. Kase hello? Nabawi ko lang naman ng bongga yung grade na nawala sakin last week!
Sa sobrang saya ko nahampas ko na pala si donghyun pero ngumisi lang siya. Ang gwapo talaga.
Bigla niyang kinurot yung ilong ko.
"Ang cute mo noona."
dugdugdugdugdug
BINABASA MO ANG
instant boyfriend➹k.jm
Fanfiction' COMPLETED ' ❝babayaran kita, just pretend that you're my boyfriend. please.❞ ❃ producex101 series #2 ❃ epistolary + narration [taglish] ♡ pdx101, starship entertainment trainee #koojungmo ♡ fromis_9 #nagyung ⇾ ft. #minkyu #eunsang #hyeongjun #yun...