— exien's narration.huminto na sa harapan ng venue ang sasakyan ni taehyung oppa so it means, kami na ni keumdong ang lalabas para pumasok sa loob ng venue pero wait!! paano ba alisin kaba kase shet? di naman ako naorient na mag mumuka pala kaming idols dito dahil sa dami ng photographers na nag hihintay samin sa harapan ng building!?
"wag kang kabahan noona, hindi naman ako yung makakasama mo papasok." nakangising bulong sakin ni donghyun habang hinihintay namin yung sign na papasok na kami but yea, hindi nga siya ang makakasama ko papasok.
dalawang sasakyan ang humihinto sa harapan ng venue kapag may papasok. obviously, dalawa ang laman ng bawat sasakyan. kaya kung sino man yung makakasabay namin, makaka exchange namin ng partner pero dun lang.
"good luck to you both," ayun ang huling narinig ko kila unnie bago ko marinig ang di mabilang na flash ng camera. it's too bright for me kaya hindi ko makita or malaman kung saan ako pupunta. hindi ko narin alam kung nasaan si donghyun but suddenly, someone held my hand.
at alam ko kung kanino yon kahit hindi ko siya tignan.
"baka balikan ka ni sihun hyung kapag nakita ka niya sa damit mo na yan," bumilis ang tibok ng puso ko after kong marinig ulit ang boses niya sa tagal naming hindi nagkausap.
"hindi ako marupok para makipag balikan sa ex ko." muka ba kong nag paparinig? parang ganon na nga.
binitawan ko ang kamay niya. sinabayan ko lang siya pumasok kahit sinisigawan na kami ng isang staff na mag hawak daw kami ng kamay. eh sa ayoko eh.
kita ko sa peripheral vision ko ang pag tingin sakin ni jungmo dahil oo, it's jungmo na pokpok everyone. i didn't expect it pero wala eh, eto na siya sa tabi ko.
sinubukan kong wag tumingin sa kanya pero masyadong traydor tong mga mata ko na kanina pa siya gustong tignan.
pansamantala kaming nag titigan. kitang kita ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin sakin pero ewan ko ba. gusto kong umiwas pero gusto ko rin siyang kausapin.
"babe, let's go" at dun na nga ako natauhan ng tuluyan at nagising sa katotohanang may girlfriend na si jungmo, pero hindi ako 'yon.
i looked at jennie. ang sama na naman ng tingin niya sakin pero umiwas ako ng tingin at binaling yon kay keumdong.
"tara, noona?" he smiled. ngumiti ako bago hawakan ang kamay niya saka kami sabay na nag lakad papunta sa table nila jion kasama sila hyeongjun, hyunbin at minhee.
"ngayon ko lang napag tantong bagay pala kayo?" bungad na tanong ni hyeongjun kaya tumango tango tong mga uto uto naming kasama.
"ngayon ko lang napagtantong kahit cute ka ang sarap mong sakalin." pinandilatan ko si hyeongjun kaya napapout siya. okay, fine. cute talaga tong bata na to.
keumdong helped my to fix my freakin gown para makaupo ako. sabi ko kase kay joohyun unnie cocktail dress nalang ang ikuha sakin, hindi ball gown. ang hirap gumalaw sis.
"akala ko ba hindi ka aattend? looks like jennie and you will fight for queen of the night title." tinignan ko ng masama si jion na okay, muka siyang tao tonight. picturan ko nga to tas send ko kay jinyoung. ayaw kase kumilos ni tanga.
"baka you and jennie? and besides, di ko kailangan yon. im already a queen even without that title," i flipped my hair kahit naka pony ako.
she rolled her eyes.
"eh kung tinulungan mo nalang kase ako kay woojin." tumingin naman ako kay minhee na kanina ko pa napapansin ang panay titig niya dito kay jion.
ngumisi ako.
"bakit pa kita tutulungan kay woojin, kung may minhee naman?" napatingin sakin si minhee. halatang nagulat siya.
ngumisi si hyeongjun.
"uso pa pala love at first sa panahon ngayon no?" pang sasahod niya kaya nag high five kami na kala mo walang asaran na nangyari sa pagitan namin kanina.
"oo. diba nga nalove at first sight ka kay minkyu pero si dongpyo sinagot mo?" napapahampas na kami ni jion sa kakatawa dahil sa sinabi ni hyunbin habang si hyeongjun naman nag susumbong na kay wonjin.
maya maya pa, nag start na yung program. pinakain muna kami kaya tumayo yung boys para ikuha kami ng pagkain.
napatingin kami sa paligid ng biglang mag tilian yung mga babae. nasa bigscreen lang naman kasi sila minhee, hyeongjun, donghyun at jungmo.
"bet ko si keumdong maging king of the night pero i guess, jungmo would suit that title even more." dahil sa sinabi ni jion ay napatitig ako kay jungmo sa screen.
yep, i cant deny it. ang gwapo ni jungmo ngayong gabi.
i sighed. bakit ba ganto yung nararamdaman ko? bakit ang gulo gulo? gusto ko siyang patayin pero basta.
"baka may gusto kang sabihin sakin bae exien?" nag cross arms pa siya bago ako pandilatan ng mata.
kumunot ang noo ko
"ano namang sasabihin ko sayo? na tigilan mo na si woojin at kay jinyoung nalang mainlove? or pwede rin kay minhee tutal— aray!" pinitik lang naman niya ang noo ko.
bwisit na to!?
"na sabihin mo saking mahal mo si jungmo. tanga." natigil ako sa sinabi niya. gusto kong pagtanggol sarili ko pero waley, di ko magawa.
guilty yata ako
"b-baliw ka ba? di ko nga ginusto yung malandi na yon," umiwas ako ng tingin sa kanya.
"ganyan na ganyan rin sinabi mo sakin nung panahong inlove ka na sa ex mong kupal kaya better tell me the truth nalang sis bago ko pa man isigaw ditong—" i sighed.
"oo na. baka nga ganun yung nararamdaman ko kaya kahit gusto kong magalit sa kanya, mas pinili kong manahimik." sagot ko.
"bakit ka mananahimik kung pwede mo namang ipagsigawan?" akala yata nito nakikipag biruan ako sa kanya.
"oh baket? akala mo ba totoong mahal pa ni jungmo si jennie? masyado ka lang kaseng nagpapadala ng selos kaya ayun yung iniisip mo." inirapan niya ako bago tumingin ulit sa screen.
ano bang sinasabi nito?
BINABASA MO ANG
instant boyfriend➹k.jm
Fanfic' COMPLETED ' ❝babayaran kita, just pretend that you're my boyfriend. please.❞ ❃ producex101 series #2 ❃ epistolary + narration [taglish] ♡ pdx101, starship entertainment trainee #koojungmo ♡ fromis_9 #nagyung ⇾ ft. #minkyu #eunsang #hyeongjun #yun...