32

265 9 2
                                    

Bae Jinyoung
• active now

Jungmo:
Pre

Jinyoung:
Oh kapatid
Balita

Jungmo:
May sakit daw si exien?

Jinyoung:
Putangina di mo alam
Wala ka kwenta tol
Bigay ko na kaya kapatid ko kay jihoon

Jungmo:
Putangina mas wala ka kwenta pre kapag ganon

Jinyoung:
Pota kala ko ba jowa ka ng kapatid ko
Bakit di mo alam
Kaya pala di ko nakikita muka mo sa bahay namen

Jungmo:
Dami namang sinasabi ni taka
Punta ko sa inyo
Saan ka?

Jinyoung:
Bas2s ka ha
Pumunta ka wala naman saken bahay namin

Jungmo:
Kagago mo kausap kaya ayaw sayo ni jion eh

Jinyoung:
TANGINA INAANO KA BA

Jungmo:
Hehehehehe mwa

Jinyoung:
Wag ka papakita saken koo jungmo

Jungmo:
K
Madali ako kausap
Dyan ka na nga

Nasa classroom pa ko. May klase pa nga kami pero tanong niyo muna saken kung may pake ako.

Inusog usog ko upuan ko para mapalapit ako lalo kay hyunbin.

"Psst." lumingon siya sakin. Antok na antok na si tanga.

"Lalabas ako, tas itapon mo sa bintana bag ko." nagising siya sa sinabi ko. Sasagot pa nga sana siya pero nag taas na ko ng kamay.

"Maam, mag cr lang po ako." ngumiti ako saka kinindatan teacher namin. Crush ako nito kaya walang makakapigil sa kilig niya.

"Thanks, maam." nakangising sabi ko bago tuluyang lumabas ng classroom namin kaso malas, nakasalubong ko pa si minkyu.

"Ano, hyung? Cutting classes na naman?" nakataas kilay na tanong niya.

Tumawa ako.

"Cutting classes? Ako mag isa? Tanga tanga mo naman minkyu," hinampas ko siya habang tumatawa. Nag lakad na ko palayo sa kanya bago pa man niya ko pabalikin sa classroom namin. Mahirap na.

Nag lakad ako hanggang sa gilid ng building namin. Sa 2nd floor lang naman classroom namin kaya di naman mag hihiwa-hiwalay gamit ko sa bag ko.

"Saan ka ba pupunta gago ka?" kinindatan ko lang si hyunbin saka ako nag tatakbo pagkatapos ko makuha bag ko.

Kahit naiinis ako kay exien, pupuntahan ko siya. Wag kayo makielam di ko hinihingi opinyon niyo.

"Koo jungmo!!" omyghad bakit ang epal ng mga ex nowadays?

"Jungmo!" pumiyok pa siya saka ako hinila sa braso.

"Ano na naman bang kailangan mo jennie?" kung di ko lang ex to baka hinalikan ko na to. Joke.

JOKENING ONLY MGA BEBE.

"You know what I need right?" english ng english tangina tatapalan ko na ng napkin ilong ko eh.

"Jennie pwede ba? Tigilan mo na ko. May girlfriend ako. Mahal ko si exien. At kilala mo ko. Kapag sinabi ko, sinabi ko kaya pwede? Tama na." feeling ko lalabas na sa katawan ko puso ko. Pota sinabi ko ba talagang mahal ko si exien?

Joke lang yon.

Para lang tigilan na ako ni jennie.

Tinalikuran ko siya.

"Hindi ako titigil, jungmo. I will do anything for you to comeback to me. Mark my words." napakibit balikat nalang ako bago tuluyang umalis at tumakbo papunta sa likod ng university kung saan ako lumalabas kapag gusto ko ng umuwi kahit may klase pa kami.

Sinubukan kong tawagan si exien pero di siya sumasagot.

Kaya binilisan ko na at pumunta agad sa kanila.

"Good afternoon po. Nandyan po ba si exien—" biruin niyong pati mga guards nila nahuhulog sa kagwapuhan ko. Iba ka talaga koo jungmo.

"Nasa kwarto niya po si maam exien, sir jungmo." pota sir daw. Aaraw-arawin ko na yata pag punta dito kila bhebhe q.

Buti nalang kinaladkad na niya ako dati papasok ng kwarto niya kaya kahit walang mag turo sakin kung saan, alam ko na kung saan ako pupunta.

Dahan dahan kong binukas yung pintuan ng kwarto niya at potangina? Naka aircon pa eh nilalagnat na nga?! Iba talaga isip ng mga babae eh.

Binaling ko agad tingin ko sa kama niya kung saan siya mahimbing na natutulog. Nakabalot ng comforter ang jowa kong mas matapang pa sakin. Napangiti nalang ako.

"Namiss kita." kahit ako mismo nagugulat sa mga sinasabi ko pero wala na akong pake.

Hinawakan ko ang kamay niya. Napaka init. Ang taas nga ng lagnat niya.

"J-jungmo?" napangisi ako. Nag sleep talk ba siya?

"Gising ako hindi ako nag sleep talk wag kang assuming." napasimangot ako agad.

"Bakit hindi mo sinabi saking may sakit ka?" kunwari galit, kunwari totoong jowa.

"Bakit ko pa sasabihin? Ayokong sayangin laway ko kapag nakipag sagutan sakin si jennie." inalalayan ko siyang maupo. Napapangiti nalang ako na parang tanga kapag tinitignan ko siya.

Ang ganda parin ni tanga kahit may sakit na.

"Sinong nag sabing ikaw ang sasagot? Ako ang sasagot para sayo." napatingin siya sakin. Inayos ko yung comforter niya.

"Ikaw jowa ko eh." ikaw din gusto ko.

TANGINA

Bigla naman niya akong sinapak.

"Aray!?! Tanginaaaa!!!!" seryoso! Tangina talaga!

"NILALAGNAT KA BA TALAGA!?!?!" sigaw ko. Maiiyak na yata ako tangina nanlata ako.

"Wag mo kong sigawan kung ayaw mong pasabugin ko nguso mo." inirapan niya ako.

"Bilis. Mag luto ka na sa baba tas pag dalhan mo ko dito. Tutal di mo ko binantayan ng ilang araw, bumawi ka naman." nag pacute pa cute na nga.

"Kiss muna— aray! Potangina exien—" di ko na tinuloy. Baka sapakin na naman ako.

"Bilis na." kung di lang talaga kita—.

Tumayo na ako. Kaya naman talaga ako nag punta dito ay para alagaan siya.

"Jungmo." tumingin ako sa kanya.

"I missed you too."

instant boyfriend➹k.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon