21

260 9 0
                                        

Bae Jinyoung
• active now

Jinyoung:
Hoy

Exien:
Ano na naman
Wag mo lang akong mautusang mag uwi ng pagkain niyo ah ibabato ko sayo si jihoon

Jinyoung:
Kaya namin bumili ng pagkain namin
Di ka kailangan dito
Mabigat pa sayo si jihoon hyung di mo kaya yon

Exien:
Share mo lang?
Dami mong sinasabi
Ts
Ano bang kailangan mo

Jinyoung:
Umamin ka nga sakin

Exien:
Liit ng ulo mo utusan akong umamin pero ikaw di ka makaamin kay jion
Wag ka nga

Jinyoung:
Alam mo ang dami mong sinasabe

Exien:
BAKET BA KASE

Jinyoung:
Jowa mo si jungmo no?

Exien:
Ah
Yung pokpok na malandi daig pa si aubrey??? | deleted

Jinyoung:
Ah sarado????
Pabili nga mighty pula,,,,
Ahh sarado

Exien:
Pakain ko sayo mighty pula e
Saka pake ko ba sa jungmo na yon
Malandi pa sa bakla

Jinyoung:
Huh deny ka pa
I-unblock mo daw siya
Nag away daw kayo kase nag selos ka sa babaeng kasama niya kahapon

Exien:
ANO

Jinyoung:
Umamin ka nalang sa gwapo mong kapatid
HALATA NAMAN
nag seselos ka ngaa
Ikaaaw ah
Jungmo pala ang nais
Lagot ka kay mommy

Exien:
Shut up
Wala kang alam kaya pwede wag ka makielam
Intindihin mo si jion na patay na patay kay woojin

Jinyoung:
WAG MO KONG SAMPALIN NG KATOTOHANAN

Exien:
Whatever bye

-

Di ako nag seselos. Bat ako mag seselos if in the first place alam ko namang ganun na si jungmo? Kabadtrip lang. Landi eh. Sa harapan pa talaga ng library? Iipit ko kaya sila sa pintuan. Bwisit na jungmo yan.

Saka bahala nga siya. Pag buhulihin ko pa sila nung babae na yon eh.

"Abala talaga si jion kahit kailan," nag lakad nalang ako kesa mag reklamo ng mag reklamo. Pupunta akong locker, kukuhanin ko yung book na kailangan ni jion bago dumiretsong library.

Ayokong makita pag mumukha ni jungmo.

"Ang kalat talaga ni jion-oh?" nagsalubong ang dalawang kilay ko. May nakita kasi akong letter sa loob ng locker, nakapatong sa mga books ni jion.

Sulat palang, alam ko na agad kung kanino galing.

"Bun bun kooo!" sa sobrang kakamadali kong itago yung letter, nauntog ako sa pinto ng locker namin. Tinignan ko ng masama si jungmo habang nakahawak sa noo ko.

"Napano ka!?" sigaw niya saka hinawakan yung noo ko.

"Pake mo ba!? Wag mo ko hawakan!" sinapak ko siya sa braso kaya namalipit siya sa sobrang sakit. Tinuruan ako ni woojin manapak kala niyo ba.

Napapatingin na samin yung mga students kaya binilisan ko na kilos.

"Tingin na kase! Tignan mo namumula na!" tanga pota makikita ko ba kase?

"I-unblock mo na ko!!" bigla niyang sigaw. Punyemas naman koo jungmo nakakahiya kang kasama.

"Wag ka ngang malikot! Aish-" sa sobrang likot niya, nalaglag tuloy yung mga dala dala ko. Including the letter na ngayon hawak hawak na niya. Shoot.

"Letter? Galing kay sihun hyung?" hinila ko yung papel pero naiwas niya.

"Nakikipag kita sayo. Bar daw. Pupunta ka?" biglang nag bago mood niya. Naging seryoso siya. Moody naman neto. Meron ba siya?

"Pake mo kung pupunta ako o hindi? Makipag halikan ka nalang sa harapan ng library." inirapan ko siya saka naunang mag lakad. Sinilip ko yung letter.

"Exien, kung talagang ayaw mo na please makipag kita ka sakin for the last time. Gusto kitang makausap sa personal. Gusto kita yakapin. After that, di na ko manggugulo. Di ko na sasaktan si jungmo. Papalayain na kita. Please, makipag kita ka sakin. Hihintayin kita sa bar, malapit sa subdivision niyo. Sa isang araw, 7 pm." - sihun

Pupunta ba ko?

instant boyfriend➹k.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon