KABANATA 1

23.8K 444 12
                                    

[HER POV:]

PAGKAMULAT ko ng mga mata ko ay puting ilaw agad ang bumungad sakin. Kumurap kurap ako at nang luminaw na ang lahat ay napagtanto kung nasa ospital ako.

Lumingon ako sa kanan at nakita ko ang isa sa mga kaibigan ko na jess na nakakunot ang noo habang nagtetext.

"J-jess.."

Lumingon sya sakin at nanlaki ang kanyang mata. Nang sinubukan kung umupo ay inalalayan nya ako.

"Careful"

Pumikit ako ng ilang sigundo bago tumingin Kay Jess.
"Bakit ako nandito? Nasan ang kapatid ko?"

Napayuko siya.
"N-naaksidente ang bus na sinasakyan nyu kanina.."

Napuno naman ng kaba ang puso ko. Nanginig ang buo kung katawan.

"Nasaan ang kapatid ko? Kamusta sya?"

"I think Hindi ako ang dapat sumagot nyan"

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor na sa tingin ko ay nasa mid-30s.

"Mabuti naman at gising kana iha, Ako nga pala si Doctora Diana. kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nya ng makalapit na sya samin.

"Ok na po ang pakiramdam ko. Kamusta po ang kapatid ko?" Agaran kung tanong.

"I'm sorry to say this but your brother is in critical condition, nagkaroon ng crack ang ulo nya dahil sa aksidente, at kailangan nyang maoperahan as soon as possible. Malaki ang kakailanganing pera para sa operasyon" Sabi ng doctor.

Napahawak naman ako sa bibig ko at hindi makapaniwala sa realidad. Bakit ang kapatid ko pa? Unti-unting naglandas ang mga luha ko sa mata.

"G-gusto kung makita ang K-kapatid ko" Medyo paos kung sabi.

"Sumunod kayo sakin"  sabi ng doctora.

NANG makarating kami sa isang silid, pinagbawal kaming pumasok sa loob. Kaya nandito lang kami sa labas at pinagmasdan ang kapatid ko sa isang malaking glass window. Nakahiga sya at madaming nakatusok na aparatos sa bawat parte ng katawan nya at may bandi ang kanyang ulo.

Naaawa ako sa lagay nayun ng kapatid ko, Sana ako nalang ang nandyan at Hindi sya, Sana ako nalang ang naghihirap. Di ko mapigilan ang mga luha kung naglalandas mula sa mata ko. Seeing my brother suffer makes my heart aches na parang pinipiga ang puso ko.

"Kailangan nya ng maoperahan dahil kung papatagalin pa, Hindi na natin masisiguro kung kakayanin pa ng katawan nya, baka ikamatay nya ang operasyon kung mangyari yun"Sabi ng doctor.

"Ilan ang mababayaran kapag natapos na operasyon?" Tanong ni jess.

"Kakailanganin nyu ng isang milyon para sa operasyon" sagot ng doctor.

Hinarap ko naman sya na nasa kanan ko at nakatingin sa malaking glass window.

"Magbabayad ako ng kahit magkano, mabuhay lang ang kapatid ko" Seryoso kung saad kaya napaharap sya sakin.

"Kung ganun sisimulan ang operasyon, kapag nakapaghulog kna ng Dalawang Daang libo bilang deposito para sa operasyon" sabi ng doctor.

"Panu yan ally?" Malungkot na tanong ni jess.

"Gagawa ako ng paraan. Bago matapos ang isang linggo makakahulog naku" saad ko.

"Kung ganun, maiwan kuna kayo" sabi ng doctora  at umalis na.

PAGKAALIS ni doctora ay hinarap naman ako ni jess.
"Ang problema mo nalang ngayon ay kung saan ka makakakuha ng trabahong magpapasweldo ng dalawang daang libo sa isang linggo lamang"

 His Baby Maker [Under-Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon