A/N: DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT
Sorry sa late ud. Medyo naging busy lang kasi ako sa school works namin kaya natagalan yung update.
============================
[ALLY'S POV:]
"AHH, nakakangalay talagang ngumiti at tumayo, sumakit panga at paa ko dun ah." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok namin sa hotel Nina Rage. Agad din akong nahiga sa kama.
"Aaahhhh... Heaven..." Sabi ko ng tuluyan na akong nasalo ng kama."Tsk, So immature." Narining kung sabi ni rage habang nakaupo sa sofa at nagtatangal ng sapatos niya.
"Oo na, immature na kung immature, sungit nito." Haist! Gwapo nga, ang sungit-sungit naman, kaya di sya nagkakajowa eh.
"Umalis ka dyan" biglang sabi ni rage at nakatayo na sa harap ko habang niluluwagan nya ang pagkakasuot ng necktie nya.
"At bakit naman ako aalis? Kita mung nag-eenjoy pa ako oh." Sabi ko habang dinadama yung higaan.
"Tsk, when I said get down you better get down." Sabi nya at hinawakan ako sa paa at hinila pababa ng kama.
"Waaaah! Rage mahuhulog ako!." Sabi ko sabay kapit ng mahigpit sa bedsheets ng kama. Langhiyang trip to! Mababalian ako nito.
"Ako ang matutulog dito sa kama, sa sofa ka." Sabi nito.
Anu? Sa sofa daw ako?.Umayos naman ako ng upo at biglang tumayo.
"At bakit ako sa sofa matutulog?! Dito ako, ikaw ang dun." Sabay turo ko sa sofa.
"And why would I sleep in the couch?, I own this hotel so I can sleep wherever I want."
"Ah basta dito ako." Sabi ko at pasalampak na bumalik ng higa sa kama.
"Sa couch ka nga matutulog!" He said and start pulling my feet again hanggang sa mahulog na talaga ako sa baba ng kama. Aray Langhiya! Napaka ungentleman talaga ng lalaking to. Akalain mo yun, pagkatapos nyang hilain ang paa ko at hayaan akong mahulog nahiga sya sa kama at inagawan ako ng pwesto.
Haist. Ang liit kaya nung sofa, bahala na nga lang. Naiinis akong tumayo sa pagkakaupo sa sahig at sinamaan sya ng tingin bago ako padabog na kumuha ng comforter at unan sa kama at naglakad papuntang sofa. Ide solohin nya yung kama, pake ko ba!
"You take a shower first." Narining kung sabi nya.
"Mauna kna, Inaaway pa kita sa isip ko eh" sabi ko pero binulong ko nalang yung huling salita, baka kasi sungitan nanaman ako nito, palagi pa naman yang may dalaw.
Maya Maya ay narining ko ang pagsara nung pintuan ng banyo. Dali-dali naman akong tumayo at pumunta sa may walk-in closet at inalis yung gown na suot ko at sinuot ko yung robe. Kinuha ko narin yung damit na nasa bag ko na pinakuha ko kanina Kay mang Bernard, yung driver ni Rage. Buti nalang at pajamas yung nilagay ni jacque sa bag ko. Ayaw na ayaw ko pa namang nagshoshort. At tinanggal ko yung contact lenses na pinasuot Nila sakin at pinalitan yun ng salamin ko. Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng mga ganun, nakakasira yun ng mata. Malabo na nga mata ko, sisirain ko pa. Mahirap na noh.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker [Under-Revision]
RomanceDahil sa pangangailangan ng pera, pumasok si Ally sa isang trabahong di nya alam kung tama ba o mali. She's gonna be a baby maker. A baby maker of a multi-billionaire. Ayon sa kasunduan, Isang anak lang ang kailangan, but what if naging kambal ang...