[ALLY'S POV:]
Pagkarating ko sa ospital, nakita ko ang kapatid kung gising na at nagtatawanan sila ni jessica. Agad akong lumapit sa kanila at binigay kay jessica ang prutas na dala ko bago ako lumapit sa kapatid ko at niyakap sya.
"Salamat sa dyos at gising kana macky" masayang sabi ko at unti unting tumulo ang mga luha ko.
"Ba't ka umiiyak ate, Di kaba masaya na gising nako?"
"Syempre masaya si ate, Masayang Masaya" Sabi ko at binitiwan sya sabay punas ng luha ko.
Tiningnan ko naman si jess.
"Kailan pa sya nagising?" Tanong ko.
"Kanina lang, hinanap ka nga kanina eh, btw kamusta? Nabigyan kaba nya ng disinteng trabaho?" Tanong nya pabalik sakin.
Hinila ko naman si Jessica sa dulo upang di kami marinig ng kapatid ko.
"Hindi sya disinte pero di naman katulad sa trabaho ni jaque. oh nga pala, Habang wala ako, ikaw muna ang bahala sa kapatid ko ah"
"As if my choice ako, alam kung para din naman sa kapatid mo tung ginagawa mo eh kahit na duda ako dyan sa trabahong binigay sayo ni Jaque" ngumiti sya sakin.
"Maraming salamat jess" nginitian ko sya pabalik.
Tumango naman sya bilang pagtugon.
"Ate, Makakalabas naba ako?" Tanong ni macky ng makalapit nako sa tabi nya.
"Hindi pa eh, di pa pwedi sabi ng doctor"
"Pero I'm strong nanaman eh"
Naawa ako sa kapatid ko, he's just 7 year old tapos matatapos lang ang buhay nya ng ganun ganun nalang.
"No, Hindi kapa magaling. Sabi ng doctor, Kailangan mo munang magtagal dito para gumaling ka" nginitian ko sya ng pilit upang ipakitang Hindi ako nahihirapan.
"Pero tataas ang babayaran natin ate, wala tayong perang pambayad dito kaya lalabas nalang ako" sabi nya.
Pitong taong gulang palang ang kapatid ko, pero matured na minsan kung mag-isip.
"Hahanap ang ate ng paraan, dito kalang para gumaling ka." nginitian ko sya.
Kahit anung mangyari, di kita papabayaan macky.
Ayaw kung pati ikaw mawala. Namatay si Mama dahil sa panganganak nya Kay macky, di kinaya ni mama kaya nalagotan sya ng hininga, di nagtagal ay sumunod sa kanya si papa. Si papa ay isang hamak lang na taxi driver, pero isang araw naholdap ang minamanehong taxi ni papa, binigay naman ni papa lahat pero di pa sila nakuntento at sinaksak sya at tinapon lang sa gilid ng kalsada. Mabuti nalang ay may nakakita ng insidente at agad dinala si papa sa ospital pero di nya sya umabot. Nahuli yung mga homoldap pero kahit ganun, Hindi na mababalik nun si papa. Si papa na palaging nagsasabing kahit sobrang hirap na ng buhay, wag parin susuko. Dahil Hindi palaging nasa baba ang mga katulad namin. Si papa na palaging nagpapasaya samin kapag malungkot kami at may problema. Pero lahat ng yun di na namin naririnig Simula ng mangyari ang insidente.
Kaya ayaw kung pati kapatid ko, mawala sakin. Sya nalang ang meron ako, kaya please wag pati sya. Sya nalang ang rason kung ba't ako lumalaban at nabubuhay. Kapag nawala sya. Wala ng saysay ang buhay ko. Kaya lahat gagawin ko gumaling lang ang kapatid ko.NAALINGPUNGATAN ako ng may maramdaman akong yumuyugyog sa balikat ko, agad akong napamulat at inangat ang ulo ko para makita kung sino yun.
"Ally, ba't ka dyan natulog? Sana dun ka nalang sa kabilang higaan natulog oh" Nag-aalalang sabi ni Jessica.
![](https://img.wattpad.com/cover/191199419-288-k263682.jpg)
BINABASA MO ANG
His Baby Maker [Under-Revision]
RomanceDahil sa pangangailangan ng pera, pumasok si Ally sa isang trabahong di nya alam kung tama ba o mali. She's gonna be a baby maker. A baby maker of a multi-billionaire. Ayon sa kasunduan, Isang anak lang ang kailangan, but what if naging kambal ang...