KABANATA 13

9.5K 271 22
                                    

Don't forget to VOTE and COMMENT love lots. Mhua.

-Ate Raze

============================

[ALLY'S POV:]

"Kamusta?" Nakangising asong pangbungad sakin ni jacque pagka-pasok na pagkapasok ko sa loob ng apartment.

"Anong kamusta yang pinagsasabi mo?" Nakakunot noo kung tanong at binaba yung cellophane na may lamang gamot sa mesa.

"Yung ano, yung honeymoon, malaki ba?" sabat Naman ni Jessica at nakangisi.

Infairness, Hindi na nag-aaway tung dalawa. Pero teka?Honeymoon? Malaki?

"Ano ba namang tanong yan?"

"Ikaw naman pavirgin, Hindi naman" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni jacque.

"Tumigil nga kayo, baka kung anong isipin ni macky pag-narinig kayo."

"Wag kang mag-alala, nandun sa kabilang bahay si macky nakikipag laro." Sagot naman ni Jessica.

"Ano?! Hinayaan nyung lumabas si macky?! Kita nyu na ngang Hindi pa magaling yung bata eh."

"Kailangan din ni Macky na lumabas, Hindi na kinukulong mo yung bata sa bahay." -Jacque

"Oo nga naman Ally, wala naman kasing sinabi yung doctor na bawal lumabas si macky, ang sabi lang wag hayaang makaramdam si Macky ng Subrang emosyon." -Jessica.

"Nag-aalala lang ako para sa kanya. And Btw, walang nangyari samin ok" sabi ko at umakyat na sa taas para magbihis ng pambahay.

"Ally aalis na ako, may trabaho pa ako sa bar."- jacque.

"Ako din Ally, kailangan ko pang-umuwi, hinahanap na ako ni mama." Sabi nilang dalawa pagkababa ko ng hagdan.

"Sige, ingat kayo" sabi ko nalang.
Pagkabukas na pagkabukas nila ng pinto ay nakatayo si Ate Becca sa Labas at bitbit si shin yung anak niya.

"Salamat naman at nandito kayo." Pangbungad nito.

Agad naman akong lumapit sa kanila.

"May kailangan po ba kayo Ate Becca?" Tanong ni jacque.

"Oo sana, pwedi ko bang iwan muna si Shin sa inyo kahit sandali lang?"

"Pwedi po, kaso aalis kami ni Jess eh kaya si ally nalang pung bahala. Nang masanay naman sa pag-aalaga ng bata." -jacque.

"Kailangan lang kasi talaga, ang dami ko kasing labahan ngayon at wala kasing magbabantay Kay shin, wag kang mag-alala ally babayaran kita." Sabi nito at inabot sakin ang Anim na buwang gulang na si shin.

"Naku wag na po. Sino pa po ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapitbahay lang, kaya wag nyu na pong isipin yun." Nakangiti kung sabi habang bitbit si shin.

"Napakabait mo talagang bata, sige mauuna na ako, ito nga pala ang mga gatas. Susunduin ko nalang si shin mamaya bago mag tanghalian." Sabi ni ate Becca at inabot sakin ang maliit na bag.

"Sasabay na kami sayo ate Becca." Sabi naman ni Jessica. Nagpaalam sila sakin bago ako pumasok sa loob. Binaba ko naman ang bag sa mesa at binaba si baby shin sa maliit naming sofa total tulog naman eh.

Ke gwapong bata nito, sayang at di na binalikan ng ama kaya ngayon single parent si Ate Becca at mag-isang binubuhay ang bata. Mas naaawa ako sa kanila kesa sa kalagayan namin, mag-isang pinapalaki ni Ate Becca yung bata at lahat ng Finances ng bata ay sya ang gumagastos. Sa amin ni Macky Kasi, may kahati ako sa bayarin at dahil yun Kay jacque.

 His Baby Maker [Under-Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon