Ito po ay isang compilation ng mga naranasan ko ng katatakutan. Hindi ko alam kung para sa iba ay katatakutan ito. Gusto ko lang sabihin na hindi ko ito ginawa para husgahan niyo ako. Ginawa ko po ito para ibahagi lamang.
Naniniwala ba kayo sa third eye? Sinasabi na kapag may third eye ka makikita mo ang mga bagay na hindi nakikita ng normal nating paningin..
Ang pagkakaroon daw nito ay nagmumula sa isang pwersa na nagtatago lamang sa kaibuturan natin. Intrepretasyon ko lang po 'yun ayon sa mga nabasa ko. Nasasaiyo daw ito kung bubuksan mo siya or panatiliin mo na lang nakasara(para hindi mo pagsisihan sa huli..). Ang taong nagtataglay nito ay dapat may tapang para harapin ang kaakibat ng pagkakaroon nito....
OOoooopss!! why so serious?! ahehe..I'm not claiming na may third eye ako..pero lahat ng ikukwento ko dito ay totoong naranasan ko, but please don't judge me po. I need an open minded readers in here..(kasi sa iba iisipin na freak ka..pag once nasa ganito kang situation. Isa pa alam ko din na hindi pabor ang simbahan or ibang samahan pagdating sa ganitong bagay.. ). Ulitin ko ishi-share ko lang siya..lahat ng nandito..pero papalitan ko ang pangalan ng ibang character ko para itago ang kanilang totoong pagkakakilanlan..
So tapos na ang explanation makaka-proceed na tayo sa story.....