12th Floor?

1.7K 55 8
                                    

Sa work ko sa hotel ay nilibot ko halos lahat ng sa housekeeping..Ewan! Iyon daw dapat ang mangyari sabi ng head ko. Pero hindi ko alam kung sinasadya niya lang dahil galit siya sa akin..or iniisip niya na maarte ako at hindi ko kakayanin ang ipapagawa niya. Naging telephone operator ako..linen attendant..public attendant at laundry attendant. Na-experienced ko iyon for 3months..wala naman sa aking problema dahil sabi ko sa sarili dagdag kaalaman lahat ng gagawin ko.

Laundry attendant ako minsan at ang schedule ko ay naglalaro sa umaga at hapon. Naranasan ko ang istorya kong ito ng may panghapon akong shift..hanggang alas onse ako. Ang laundry room ay nasa ika-12th floor pa..hindi ko masasabi kung nasa 12th floor pa siya dahil ang alam kong tinatawag nila na 12th floor ay ang function room. Ang laundry room naman ay nasa itaas ng function room. Kaya sa tingin mo 12th floor siya?

Sa may isang time na ang dami kong guest laundry at kailangan ko siyang tapusin..inabot ako halos mag-aalas dose ng gabi. Alam niyo ba kung anong nangyari sa akin? Dahil may ilang damit na handwash lang ang gusto ng guest kaya nasa lababo ako..ng sa ulunan ko ay may parang umiikot na hangin!!

Imposibleng magkahangin doon dahil nasa loob pa ang electricfan na malaki kung saan nandoon ang parang opisina at plantsahan. Bali sa labahan ay mainit at walang kapag-a-pag-asang magkaroon ng hangin. Umiikot lang siya doon sa may ulunan ko..kahit natatakot na ako at gustuhin tumakbo pababa ay hindi ko siya pinapansin..pero hindi doon natapos ang lahat dahil parang hindi nakuntento ang nananakot..

Sumunod na naramdaman ko ay may umihip na hangin sa may batok ko!! Doon ako kinilabutan!! Naiiyak na ako sa takot pinilit kong tapusin ang mga damit at inihang dry tutal gabi pa naman ang deliver niya i-endorse ko na lang sa kapalitan ko. Nang inaayos ko na ang mga gamit sa labahan..may nakita akong anino na biglang tumakbo! Dahil sa nakita ko lang siya ng gilid ng mata ko ay lumingon ako baka ang isa sa Room Attendant lang namin na niloloko ako. Ngunit paglingon ko walang tao..tumalikod ako ulit..pero pagtalikod ko may biglang...

" Pssssst... "

May sumitsit sa akin kaya lumingon ako at baka pinagtri-tripan lang ako ng RA pero wala talaga! Kaya nagmadali na akong isalansan ang mga gamit ng...

" Psssst.... "

Ayan nanaman may sumitsit sa akin kaya tumakbo ako papasok sa opisina ng laundry room at dali dali kong dinampot ang bag, logbook ng laundry at ang mga iiendorse ko na ready for deliver...pagkakuha ko ng susi nagmadali akong bunuti lahat sa sakaakan ang mga electricfan, ilaw at plantsahan at tumakbo pababa..since ang elevator ay nasa 11th floor pa..kasi hagdan lang ang paakyat papuntang 12th floor at laundry room. Natakot din ako sa 11th floor dahil katapat ng elevator ay ang boardroom. Ang kwento ng mga RA ay may isang matandang lalaki ang lagi nilang nakikita na nakaupo doon. May narinig akong yabag ng mga paa na paakyat galing 10th floor! Kumalabog ng malakas ang puso ko. Nakaramdam ako ng panlalamig kahit na mainit sa 11th floor. Tumitingin ako sa elevator at nagdarasal na umakyat na ito..dahil nakahinto pa ito sa 6th floor. Napapatingin din ako sa yabag na paakyat.

" Oy Lie! Gabi na ah..bakit nandito ka pa? "

Si Manong Guard lang pala..nagiikot lang pala siya sa buong building. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya. Ngumiti ako sa kanya ng alanganin.

" May tinapos lang ako Kuya..dami kasing laundry... " bumukas ang pinto ng elevator. " Sige Kuya..una na ako.. " at sumakay na nga ako ng elevator..agad kong pinindot ang 4th floor doon kasi ang opisina ng housekeeping.

Sumunod naman na duty ko sa laundry ay wala namang tanggap na guest laundry..kaya antok na antok ako sa taas. Wala akong magawa kaya nakinig na lang ako ng radyo..at kumuha ng papel. Isa sa libangan ko kasi ay magdrawing pag wala akong magawa. Nagdrawing ako pero hindi ko alam kung ano..kasi kusang gumuguhit ang kamay ko. Nang makita ko ang ginuhit ko ay isang lalaki..parang panahon pa ng kastila ang kasuotan niya at mukha din siyang Español. Tiningnan ko ang isang drawing ko pero natakot ako! Dahil sa isang babae naman ang naguhit ko at wala siyang mukha! Nakaramdam ako ng kilabot at nakarinig ako ng kalabog mula sa electric room. Bigla pang kumurap kurap ang ilaw sa dulong pasilyo papuntang labahan..kaya nilamukos ko ang papel at tinapon sa basurahan. Buti na lang ay may function noon sa 12th floor kaya inaakyat ako ng PA or ng supervisor namin para makipagkwentuhan.

Kaya ako nagduty sa laundry ay dahil sa ang isang Laundry Attendant ay naaksidente. Pansamantala ko siyang pinalitan habang naka-leave. Nung time na nagpunta siya sa opisina ng housekeeping para isumite ang mga kailangan niya sa SSS..ay nagkwento siya. Sabi niya kaya siya nahulog ay nagmamadali siya bumaba sa makitid na hagdan ng laundry..(may mga awang kasi ang mga hagdan)madami siyang bitbit na guest laundry at uwian na noon. Nalaglag siya dahil may bigla daw humawak sa kanyang binti at iyon ang sanhi ng aksidente niya.

Mabuti na lamang at natamo niya lang ay isang bali sa kaliwang kamay. Hindi umuntog ang ulo niya o nagtuloy tuloy sa hagdan pababa sa 12th floor. Sabi niya pa na bago ang aksidente ay nakakita siya ng isang batang babae na nakaupo sa may hagdan.. (nakakakita kasi siya ng mga multo)

Sa totoo lang napansin ko na din ang batang iyon..nakikita ko siya sa salamin sa tuwing uuwi ako (pagbaba mo kasi ng laundry room ay mga salamin na pintuan ng function room ang makikita mo. May time pa nga na nakakarinig ako ng tawa ng isang bata sa tuwing nasa taas ako. Sa totoo lang ay mabigat ang pakiramdam ko sa laundry room dahil sa sabi ko nga hindi mo siya matatawag na kasama ng 12th floor dahil ito na ang pinakatuktok ng hotel..

--------------------

guys sorry kung may mga typo's at grammar error siya...

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon