Bangungot-1 ( Clara, The doll )

1.7K 60 10
                                    

Naranasan niyo na bang managinip ng nakakatakot na akala niyo ay hindi na kayo magigising? Ako, oo! Third year college na ako noon..

May manika ako na nireagalo sa akin ng mama ko noong birthday ko. Seven na ako at iyon ang gift niya. Nakabox ang manika at sobrang ganda niya. Nakasuot ito ng puting damit at may sumbrerong puti din. May maganda at asulang mata siya na pagtinitigan mo para siyang buhay..

Binasa ko ang box at may nakalagay na pangalan..ang pangalan niya ay CLARA.

Bilang batang babae ang una kong ginawa ay ipagyabang sa ibang kapwa kong batang babae ang laruan ko. Madalas ko siyang laruin..sinusuklayan, pinapaliguan pag madumi na, nilalabhan ang damit at itinatabi sa pagtulog. Dahil bata pa ako noon..nagsasawa din ako sa laruan lalo na at may bago na dedma na sa luma..

Hindi ko na pinapansin si Clara. Hanggang sa magkolehiyo na ako. Ilang taon na din lumipas diba..

Isang gabi nagkaroon ako ng weird na panaginip. May humahabol daw sa akin at ng mahuli ako.. Naka-itim ang dalawang nakahawak sa akin. Tapos pumiksi ako para makakawala..at nagawa ko..tumakbo ako sa isang abandonadong building.

May tila tumatawag sa akin habang naglalakad sa isang mahaba at madilim na pasilyo.

Sa dulo ng pasilyo ay may isang bakal na pinto na kinakalawang na..at may silipan ito bandang itaas..doon nanggagaling ang boses..

" Papatayin kita....papatayin kita... "

Natakot ako sa narinig ko na iyon mula sa pinto. Malaki ang boses. Hindi ako makagalaw..parang napako ang dalawang paa ko sa sahig at hindi na ako makagalaw.

" Sino ka?! " sigaw ko sa boses pabalik.

" Ako si Clara...at papatayin kita... " sagot nito sa akin.

Pero after noon ay nagising na ako at napatingin sa manika ko na nasa tapat lang ng kama ko ang lalagyan.

Kaya kinaumagahan ay pinamimigay ko na ang manika ko na si Clara. Sakto naman na may inaanak si mama na 2years old kaya pinabigay ko doon pero kung ano ang dahilan hindi na namin sinabi sa kanila. Sinabi ko na lang na malaki na ako at hindi ko na hilig ang manika.

--------

Ikinuwento ko sya kasi nauuso iyong horror doll. Si Maria Leonora Teresa..then there's Annabelle nakisali rin si Clara. Nakalimutan ko na siya sa totoo lang kaso dahil sa mga palabas na iyan eh naalala ko nanaman siya. Napagusapan nga naman ni mama at nasabi niya na ayaw din niya sa manika kong si Clara dahil sa iba makatingin..Never ko ibibili ang anak ko ng dolls na ganon.. o_O

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon