Isa pa din ito sa experience ko sa pinagvolunteer-an kong camp ng church. Nung panahon na iyon ay medyo selosa ako sa boyfriend ko kaya away bati kami. Nagkataon naman na nagcommit ako sa pagtuturo ng bata ng sunday at by saturday night ay uuwi kami.
Ayaw kong umuwi noon kaya pinakiusapan ko ang boyfriend ko na sabihin na hindi na lang ako uuwi, pero wala siyang nagawa kaya tuloy pa din ang paguwi ko. Kinausap at pinagalitan na din ako ng lider namin. Medyo isip bata pa ako noon kaya matigas ang ulo ko. Iyak ako ng iyak habang nasa bonfire. Namamaga na nga ang mata ko kakaiyak. Nagtago ako para hindi makita pero nilapitan nila ako para sabihin na aalis na kami.
No choice kaya sumama na lang ako. Hinatid ako ng biyfriend ko noon. Nakasakay kami sa pick up van that time madami din naman kaming uuwi kasama ang kaibigan kong si Nona. Umiiyak pa din ako at nakatingin sa bintana. Dahil sa nakasandal ako sa likod ng driver ang hangin ay hindi nagugulo ang buhok ko. Saliwa kasi ako sa direksyon ng hangin. Nakatingin ako sa labas ng mapansin kong parang may humahabol sa amin. Nagulat ako ng may pumasok na hangin sa bintana diretso sa akin sa impact ng hangin napasandal ako at pansamantalang hindi nakagalaw. Napansin iyon ng boyfriend ko kaya nagtaka siya.
" May problema ba? " tumingin ako sa kanya.
" May hangin na pumasok at dumiretso sa akin.. "
" Ano ka ba mahangin naman talaga eh.. "
" Hindi. Ibang direksiyon ang pinanggalingan niya.. " itinuro ko ang pinanggalingan ng hangin tapos ay inakto ko kung paano siya dumiresto sa akin. Nagulat siya kahit hindi siya naniniwala sa ganoon ay sinabihan na lang niya ako na magpray kami para kung anu man ang hangin na iyon ay hindi ako mapahamak.
-------------