Naniniwala ba kayo sa Albularyo o faith healer? Ako siguro hindi naman gaano..pero kasi mahirap ipaliwanag diba? Dahil kung ibabase sa science walang pag-aaral dito..
Sa mga taong nag aaral ng siyensa at medisina kinukundena nila ang mga taong naggagamot sa pamamgitan ng pananampalataya.
Sa lugar kung nasaan ang dati naming unuupahang bahay ay may kilalang albularyo. Si Mang Juan..magaling siya. Napaglaruan ka ng mga elemental creature gaya ng dwende, kapre or diwata kaya kang pagalingin..may problema ka sa pag-ibig may gayuma siyang ibibigay sa'yo. May mga kasagutan siya sa mga problema mo gaya ng trabaho, nawalan o ninakawan ka ng gamit at maayos na pamilya. Handa ka niyang tulungan minsan kahit na may karamdaman kang malubha ikukulong ka niya sa loob ng nakapaikot na kandila o hindi kaya ay may ibibigay siya sa'yo na isang papel na dadasalin mo. Hindi ko maintindihan kasi Latin siya nakasulat. Kung papasok ka nga sa bahay nila ay iisipin mong weird sa pakiramdam dahil sa dami ng malalaking santo at mga kandila. May malaking libro din siya na nakasulat sa Latin at may nakalagay na mata sa loob ng tatsulok ang naka-cover. Lahat ng panggagamot niya ay nasasaksihan ko minsan dahil sa bata pa ako noon ay na-aamaze ako. Isa pa si Mama kasi ay isa sa kanyang palaging bisita. Dahil si mama ay may problema noon sa ovary niya..may cyst siya.
Si Manong Juan ay masyadong seryoso hindi mo nga makikitang nakangiti iyon at napaka-istrikto sa tatlong anak. Kaibigan ko kasi lahat ng anak niya. Kalaro ko kasi ang bunso at kaedad ko lamang na anak niyang si Ike. Lagi kong kalaro si Ike at dahil mga bata kami may time na para kaming aso't pusa sa pagaaway. Kaya nga sabi ng mga kapitbahay namin ay kami ang magkakatuluyan. Hanggang sa magdalaga ako si Ike ay kalaro ko pa din may time na lapitan ko siya pag mahirap ang assignment ko o kailangang magpadrawing. Matalino kasi siya at magaling magdrawing. Pero ang masaklap lang ay namatay ang si Mang Juan ng nasa second year college na ang Ate ni Ike si Ate Icee. Masakit dahil mahal na mahal nila si Mang Juan hindi lang iyon lahat ay nagluksa dahil sa pagkamatay ng matanda. Wala na kasing albulryo sa lugar namin. Hindi ko pala nasabi na hindi lang sa lugar namin ang suki ni Mang Juan pati mga nasa ibang lugar ay dumadayo sa kanya para magpatulong o magpagamot. Isa pa si Mang Juan ang bumubuhay sa kanila bukod sa trabaho sa talyer ay sa panggagamot niya kinukuha ang panggastos nila. Sabihin na natin na may negosyo silang babuyan kaso hindi naman mabilis makabenta ng baboy. Kaya nagsumikap si Ate Icee at ang isa pa nilang kapatid na si Onie kuya ni Ike nagpart time job sila para makatulong sa nanay nilang walang trabaho.
Pahapyaw lang ng kwento ko ang istorya ni Mang Juan dahil may kinalaman sa kanya ang nangyari sa akin..
Nasa third year highschool ako ng magkasakita ako..hindi ako pwedeng umabsent dahil sa final exam namin noon kahit na sobrang taas ng lagnat ko. Pumapasok ako at hinahatid sa school..sa classroom ko. Nagagalit pa nga ang adviser ko kasi bakit pa daw ako pumasok gayong may sakita ako at nagsusuka pa ako..nakakaistorbo lang daw ako. Nasagot ko tuloy siya na hindi niyo po kasi ako bibigyan ng special exam. Kaya si Mama ay lumapit sa guidance counselor since na kilala naman siya sa school dahil sa kuya ko ay kinausap ni Mrs. Dela Fina ang adviser ko na bigyan na lang ako ng special exam pagbalik ko. Umuwi na ako noon at hindi nakapasok ng almost two weeks.
Ang simpleng lagnat ko ay naging malala..dahil sa nagkarashes ako sa buong katawan. Dinala na ako ng mama ko sa Doktor namin simula pagkabata si Dra. Manaog. Sinuri niya ako at binigyan ng gamot. Inexplain niya din ang tungkol sa tatlong uri ng measles.
" Sa totoo lang wala sa tatlo ang deskripsyon ng nangyayari sa anak niyo misis. Siguro huwag niyo munang papuntahin ang anak niyo sa sementeryo para hindi lumala ang lagay niya. Hindi ko maexplain ang nangyayari sa kanya ngayon lang kasi ito.. " paliwanag ng doktor namin.
Since na sembreak na din naman dahil sa nalalapit na araw ng mga patay kaya dinala muna nila ako sa bahay ng mga lola ko para maalagaan at makapasok din sila sa trabaho. Hindi pa din ako nawawalan ng lagnat at rashes sa katawan. Napapansin din nila na tahimik lang ako at ang kulay ng balat ko ay violet. Daig ko pa daw ang bangkay dahil sa malamig ako. Madalas ko daw hingin na pagkain ay tuyo at sinangag..iyon at iyon lang ang gusto kong kainin. Dahil hindi na gusto ng lola ko ang nakikita sa akin kaya nagpatawag siya ng albularyo. Si Aling Loly..pagdating palang niya ay iba na ang tingin na ibinigay niya sa akin.
" Hindi iyan ang apo niyo.. " nakatingin lang ako sa kanya at tahimik na nagmamasid. Nagsinde siya ng kandila at hinawakan ako sa ulo. Tinulo niya ang kandila sa palanggana na may lamang tubig. Tiningnan niya iyon at tumingin sa akin.
" May isang matandang lalaki ang natuwa sa'yo..ngayon ayaw ka niyang iwan dahil gusto niyang ikaw ang magmana ng kaalaman niya sa panggagamot. " hindi ko siya maintindihan..kung ano ba ang sinasabi niya.
" Nasaiyo ang pasya kung tatanggapin mo ba ang alok niya.. " seryoso ang pagkakasabi noon. Naisip ko na mahirap ang ginagawa ng isang albularyo. Kaya umiling ako at sinabi kong ayoko. Hinilot niya ako at pinahubad ang suot kong damit sabi niya itapon ko na daw iyon para hindi na ako balikan ng matanda.
Dumating sila Mama at Papa para dalawin ako. Kinuwento sa kanila ng lola ko ang sinabi ng albularya. Nagreact si Mama kaya napatingin ako sa kanya.
" Anong alam mo Mama? " tanong ko sa kanya. Base sa itsura niya may nalalaman kasi siya.
" Nagkaganyan ka lang naman diba ng sumama ka sa sementeryo na pinaglibingan ni Mang Juan? Baka siya ang matanda..ngayon sa'yo niya pinamamana ang kaalaman niya dahil sa ayaw tanggapin ng mga anak niya..naisip niya baka tanggapin mo dahil hanggang ngayon ay naalala niya pa ang kasunduan namin.. " lalo akong nagtaka sa kwento ni Mama.
" Anong kasunduan 'yon? " wala akong alam sa sinasabi niyang kasunduan.
" Hiniling kasi niya na pagmalaki na kayo ni Ike ay ipapakasal namin kayo..kapalit ng pagtuturo niya sa akin ng konting kaalaman sa paggagamot.. "
" Ano?! Ipinagkasundo niyo ako ng hindi ko nalalaman? Ayoko ko nga noh?! " galit kong sabi kay Mama. " Isa pa hindi na uso 'yang kasunduan..ayoko din tanggapin ang alok niya ayokong maging albularyo! "
After ng pagpapagamot ko ay unti unti na akong gumaling..bumalik na din ang kulay ko mula sa kulay bangkay ay lumitaw na ulit ang pagkakayumangggi ko. Hindi na nangingitim ang ilalim ng mata ko pati na din ang kuko ko sa paa at kamay. Nawawala na din ang rashes na biglang lumabas sa akin. Balik normal na ulit ang pamumuhay ko. Hindi na din ako ginambala ni Mang Juan para pilitin. Imbes na magpunta ako sa sementeryo ay nagsimba na lang ako at ipinagdasal ang kaluluwa ni Mang Juan. Ang nangyari sa akin ay hindi ko na ikinuwento sa mga anak niya dahil baka kung ano pa ang isipin nila.
----------
sorry if may iba na maikli before ang nov.1 iko-complete ko siya baka mga 12 or 13 stories lang siya...thank u sa nagtyagang magbasa...
