Bangungot-2 ( Two Face )

1.6K 49 18
                                    

Ito naman ay nangyari nung kabuwanan ko na sa anak ko. Siguro two weeks na lang ay manganganak na ako.

Alam niyo ba na fan din ako ng Harry Potter? Kaya wow ha..natuwa ako ng masama sila sa panaginip ko..

Ang scene ay nasa isang arena kami at nanood ng labanan ng magic nila. Nagulat ako ng biglang dumilim na akala mo tinakpan ang araw. May isang warlock na naghasik ng magic niya at ang bawat tao sa arena ay nakatulog maliban sa akin..napatingin ako sa paligid para maghanap ako ng makikita kong hindi tinablan ng magic. Nagulat ako ng pagtingin ko may isang lalaki na nakaupo sa tabi ko. Ang lalaki ay masasabi mong may itsura..gwapo po siya at maamo ang mukha.

" Anong nangyari? " tinanong ko siya.

" Nakatulog sila dahil sa isang mahika.. " sumagot siya ng hindi lumilingon sa akin.

" Sino ang may gawa? " tanong ko ulit sa kanya.

" Pinatulog ko sila para makuha ka.. " at dahan dahan siyang tumingin sa akin. Bigla namang kumidlat sa pag-ilaw na iyon ay nakita ko ang mukha niya...

Ang mukha niya ay kalahating tao...at kalahating bungo...

Sa takot ko ay tumakbo ako palayo sa kanya at hinabol niya ako. Lumilipad siya kaya binilisan ko ang takbo. Sa daan ay may isang madre akong nasalubong pero ng lumingon siya sa akin ay wala siyang mata at bibig tanging malalim na bilog na itim lang ang meron doon sa kanyang mukha. Natakot ako sa kanya kaya ng tangkain niya akong hulihin ay iniwasan ko siya. Paglingon ko sa likod ko ay malapit na ang lalaking may dalawang mukha at ang madre na may butas ang mukha. Pero sobrang pagod na ako kaya hindi ko na masyadong mabilisan ang takbo ko.

May madre na sunog ang katawan naman akong nakita..at wala na akong choice kung hindi ang hingan siya ng tulong..hinawakan ko siya sa kamay.

" Tulungan mo ako! please..tulungan mo ako! " pakiusap ko sa kanya nilingon ko ang likuran ko at nandoon na silang dalawa..nakatayo..

Nagtangkang lumapit ang lalaki sa akin pero nagtago ako sa likuran ng madreng sunog ang katawan.

" Tulungan mo ako.. " bulong ko sa madre. " Gusto nila akong kunin.. "

" Ibigay mo siya sa akin! " utos ng lalaki sa kanya, pero tumingin muna siya akin.

" Tutulungan kita pero may kapalit.. " sabi niya sa akin.

" Sige kahit ano..basta tulungan mo ako.. " hindi ako nagiisip na sumagot sa kanya.

" ..buhay mo..ibigay mo ang buhay mo. " sa salita niyang iyon habang hawak ko siya sa kamay ay biglang nakaramdam ako ng init na umaakyat sa katawan ko.

Lumayo ako sa madreng sunog ang katawan at sa kapangyarihan na ibinigay niya sa akin ay nakalipad ako..lumipad ako palayo sa kanilang tatlo.

" Niloko mo ako!! " sigaw ng madreng sunog sa akin..pero wala na akong pakelam basta makalayo ako sa kanilang tatlo.

Dumilat ang mata ko at nakaramdam ng panlalamig dahil sa panaginip. Hinawakan ko pa ang tiyan ko para pakiramdaman kung okay lang ang baby ko. Ayoko ko ng ipikit ang mata ko kahit na ala una pa lang ng madaling araw..pero hinihila nanaman ang mata ko pabalik sa pagtulog at...

Bumalik nanaman ako sa panaginip ko tungkol sa lalaki. Nakaupo ako sa isang bubong ng bahay kung saan tanaw ko ang isang itim na kastilyo. May narinig akong ingay ng nagmamartsa. Sa daan ay madaming sundalong bungo na malalaki ang palapit. Tumingin sila sa akin at nagumpisang umakyat. Tumanaw ako sa kastilyo at nakita ko na nakatanaw doon ang lalaki at tila naghihintay na makuha ako ng sundalo niya. Bigla akong tumalon sa bubong at nagumpisang lumipad.

Hinahabol pa din ako ng mga sundalong bungo. Nagtatalunan sila sa bubong ng kabahayan..

" Habulin niyo siya at siguraduhing maiharap sa akin!! " sigaw ng lalaking may dalawang mukha. Nakaramdam naman ako ng pagod at unti unting pabagsak..

Doon ako nagising..kinuwento ko ito sa mama ko. Tinanong ko siya kung ano ang ibigsabihin noon ngunit wala naman siyang maisagot.

-------

Hanggang ngayon hindi pa din siya nasasagot..kung ano ang ibigsabihin no'n..

Alam niyo ba na nasundan pa din siya nung isang buwan pagkapanganak ko..sa panaginip ko sinabi niya na kukunin na niya daw ako..

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon