On-the-job training

2.2K 62 8
                                    

Ito naman ay naganap noong graduating na ako ng college. May OJT kami sa hotel na pagaari ng school namin sa tagaytay. Nahuli na kami ng isang barkada ko kaya ang mga kasama namin ay hindi na namin masyadong close.

One week kami sa hotel na iyon at bagong tayo lang siya. Kami ang 3rd batch ng HRM set-A na ipinadala para mag-ojt. Saktong lunch kami nakarating sa hotel kaya nagbriefing muna ang hotel manager at pinabunot kami isa isa ng magiging schedule namin for the whole week. Ang saklap dahil hindi ko na partner si Gracie, graveyard pa ako! Ang kainis pa ang makakapartner ko ay ang badboy ng classroom namin si Rusty. Hindi naman kasi ako close sa mga classmate ko na lalaki nung college ako. Kung meron man pili lang. After ng briefing ay dinala na kami sa magiging dorm. Since na magkakabarkada ang kasama naming babae ay sila na ang pinahiga namin sa double deck at kami ni Gracie ang sa folding bed. Pagkakain namin ay naglaba na kami ng mga gagamitin namin para bukas. Tapos ay tinour kami ng manager sa buong hotel at ipinakilala sa ibang staff sa iba't ibang department. After ng tour at introduction ay pinakain na kami ng dinner at dahil sa pagod..nakatulog na kami.

Nagising na lang ako sa ingay ng mga classmate ko na pinakukwentuhan ang sexperience nila. Tinakpan ko ng unan ang ulo ko at napatingin sa gawi ni Gracie gising din siya dahil sa ingay. Napatingin naman ako sa may bintana at may nakita akong aninong mabilis dumaan. Sige pa din ang daldal ng mga kasama ko maliban sa amin ng barkada kong si Gracie.

" Ingay niyo naman.. " puna ko sa kanila.

" Kaya nga eh.. " segunda ni Gracie.

" Ay, sorry neng nagising ba kayo? " pagpapasensya ni Ness.

Pero ayaw pa din nila paawat tuloy lang sila sa daldalan. Ako naman ay hindi dalawin ng antok kaya nakikinig nalang ako sa mga sexperience nila. May nakita nanaman akong aninong mabilis dumaan sa bintana..pagkatapos ay may narinig akong mahinang iyak..

" Huuhuu..huu..huu.. "

Sa labas nanggagaling ang iyak. Tapos natigil sa pagdadaldalan ang grupo nila Ness. Ako naman ay ibinaon ang sarili sa unan, nagtalukbong pa nga ako ng kumot sa buong katawan para hindi ko matanaw ang bintana. Lumalakas na kasi ang iyak ng isang babae.

" Guys..guys..wait! may umiiyak! " awat ni Ana sa kasama niya.

" HUUUUUHUUUU!!HUUHUU.." biglang parang lumakas pa ang iyak niya na tila ipinaparinig sa amin.

Natakot naman ang grupo nila Ness at sila ay tumigil na sa pagdadaldalan.

Kinaumagahan iyon ang topic naming lahat. Kinuwento nmin iyon sa kasama naming mga lalaki na nasa kabilang kwarto lamang. Hindi sila naniniwala..baka daw gawa gawa lang namin siya. Binalewala na lang namin iyon at baka may nagttrip lang sa amin. Nagsimula na ang unang araw ng mga pang umaga. Kasama doon si Gracie kaya ang ginawa ko ay maghapon lang akong natulog. Nang mag-alas kwatro na ay naghanda na akong magduty. Unang sabak namin ng partner kong si Rusty ay housekeeping kaya ang gagawin lang namin ay maglinis at maglampaso ng hallway. Wala pa namang masyadong guest dahil bago pa lang siya at hindi pa gaanong kilala. Dahil gutom na ako ay pinayagan na kaming bumalik sa dorm at kumain. Alas syete na ng gabi noon at may one hour break kami. Nang makapasok ako sa kwarto namin ay nagiiyakan sila at nagsisiksikan sa double deck na kama.

" Anong nangyari? " nagtataka kong tanong.

" Kasi nagpicture picture kami..diyan sa higaan mo.. " si Gracie ang nagkwento. Paglapit ko sa higaan ko para kuhanin ang cellphone ko nakaramdam ako ng kilabot na tipong lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumayo. Napapikit ako sa pakiramdam na may malamig na malapit lang sa akin. " ..tapos sa tabi ni Majo may matandang nakatabi sa kanya.. " nilingon ko si Gracie.

" Nandito pa siya..kasi nangingilabot ako..hindi pa siya umaalis.. " agad kong kinuha ang bible ko na palagi kong dala at binuksan ko iyon para ilagay sa ibabaw ng unan para lumayo ang nilalang na iyon. Nawala din naman siya. " Nasaan na ang picture? " tanong ko sa kanila.

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon