Naniniwala ba kayo sa Pangitain or sa english ay Premonition? Pamilyar naman kayo sa movie na Final Destination diba? Lahat ng aksidente na nangyari sa kanila ay nakita muna ng isang tao bago nangyari..tama? Ano nga ba ang Pangitain?
According sa google ang Pangitain o bisyon ay isang karanasang katulad ng isang panaginip o pangarap na ginagamit ng Diyos upang makapagdala ng mensahe patungo sa isang tao. Kaugnau rin ito ng pagkakita ng isang taong may matalinong pag-iisip sa kung anong mangyayari sa hinaharap.
Bakit ko ba ipinaliwanag muna kung ano ang ibigsabihin ng Pangitain? Kasi may kinalaman po ang story ko doon..
Sa totoo lang ako iyong tipo na gabi-gabi nagdarasal ng kaligtasan ng buo kong pamilya..mapa-lolo, lola, tita, tito, mga pinsan, mama, papa, at kapatid ko..nung bata ako ayokong mawala o malagasan kami ng isa sa kapamilya ko. Ngunit nagbago ang lahat ng managinip ako ng nasa isang lugar daw ako na maraming hagdan at may mga taong akyat panaog pero lahat sila ay nakaputi..tapos nakita ako ng Lolo ko at kinausap niya ako..
" Bumalik ka na doon at hindi mo pa oras..naghihintay sila sa'yo.. " nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Eh that time buhay pa ang lolo ko.
"Hindi kita maintindihan Lolo. Ano bang sinasabi mo? " hindi siya umimik ang ginawa lang niya ay naglakad at sinundan ko siya. Tumuro siya sa ibaba at nakita ko ang Lola ko na asawa niya at mga tita ko na nakapabilog na tila nagdarasal..pagkatapos noon ay nagising na ako. Ilang beses din akong nanaginip na nalagasan ako ng ngipin pero binalewala ko lang. Naisip ko sa panaginip na nagusap kami ng Lolo ko ay nakapunta na ako sa langit..at kinuwento ko iyon sa Mama ko pero wala lang din sa kanya. Naging masasakitin si Lolo madalas na nasa ospital siya pati na din kaming lahat na apo niya at anak niya. Inilihim ni Lolo na may tumor siya sa utak at malala na dahil cancer na siya at stage four na. Tinapat na kami ng doktor na pwedeng ma-operahan ngunit hindi niya ikakahaba ng buhay niya. Nakakaiyak pero kailangan naming tanggapin nasa first year highschool na ako noon bilang pangalawa sa nakakatanda sa magpipinsan kailangan na magpakatatag kami para sa mga nakakabata. Nagbirthday pa sila Lolo at Lola..oo, hindi kayo nagkamali ng basa..parehas sila ng birthday September 7! After ng birthaday nila ay iniuwi nila sa bahay nila Lola sa Pasig. Madalas pumunta si Mama para dalawin si Lolo.
Isang araw na pag-uwi ko ng bahay natanaw ko ang chapel ng lugar namin na nililinis. Naisip ko nga na baka may misa kasi may naglilinis. Sa daan nasalubong ko ang Tita Tina ko at Lola Choleng ko..napangiti ako kasi bihira lang sila mapunta sa amin. Masaya akong lumapit sa kanila.
" Bakit kayo nandito? " nakangiti kong tanong sa kanila pero nagtinginan lang sila at malungkot na kumapit sa akin si Lola Choleng sa akin.
" Lie..patay na ang Lolo mo.. " mahinang sabi ni Lola Choleng pero parang malakas niya sinabi iyon dahil natulala ako at tumakbo palayo sa kanila..paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang sinabi nila. Umiiyak ako habang tumatakbo kasi nangyari na ang kinatatakutan kong mangyari anv mawalan ng isa sa kapamilya. Kinagabihan ay dunating ang kabaong kinalalagyan ng Lolo ko at hindi ko mapigilan ang mga luha ko na pumatak pagakakita ko sa Lolo ko na nakahiga sa kabaong.. Hindi ako makapasok sa school noon at hindi makatulog minsan. Nagkaroon pa nga ng time na nagtanong ako kay God kung bakit niya pinahintulutang mangyari at kung naririnig niya ba ang mga dasal ko? Masakit kasi ang nangyari..
Ilang linggo na ng mailibing si Lolo ay nagkaroon nanaman ako ng panaginip. Nagbalik ako sa lugar kung saan nakaburol ang Lolo ko at nandoon ang Lola Day ko at humahagulgol siya..nandoon din ang ibang Tita ko.
" Oh, Diyos ko! Bakit?! " narinig ko tangis ni Lola Day pero parang hindi nila ako nakikita. Lumapit ako sa kabaong at tiningnan ang taong nandoon. Nagulat ako dahil hindi si Lolo ang nandoon kung hindi si Lola Ching! Doon ako nagising nang makita ko ang tao sa kabaong. Kinaumagahan ay kinuwento ko sa Mama ko ang panaginip ko pero sabu niya hindi naman iyon totoo. Hindi niya ako pinaniniwalaan. Kaya binalewala ko na lang ang panaginip ko at patuloy lang ang buhay pero dumating nga ang sumunod na taon buwan ng Mayo ay doon namatay si Lola Ching.. (kung nabasa niyo ang story ko na Pagdalaw )