Itong kwento na ito ay bata pa ako. Mga five years old lang ako. Nasa labas ako ng bahay at nakikipaglaro sa mga kaibigan ko. Naghahabulan kami at nakita ako ng lola ko at tinawag. Tita siya ng mama ko kapatid ng nanay niya na lola ko din ( na-gets niyo? ).
" Lie..Lie halika nga dito.. "
" Po? " napapakamot ako sa ulo na lumapit sa kanya.
" Tingnan mo nga iyon! Kilala mo ba iyong bata na iyon? " tumuturo siya sa tapat ng bahay namin na may sagingan. Napakunot ang ko sa kanya.
" Po? Saan? Sinong bata? " kasi wala naman akong nakikita eh..kundi mga puno ng saging lang.
" Ayun oh! nakaupo sa dahon at nakangiti pa sa akin.. " tumingin ulit ako sa sagingan pero wala akong makita talaga.
" Tita wala akong makita..sino ba kasi iyon? Ano ba kasi nakikita mo? " medyo naiinis na ako kasi naudlot ang paglalaro ko.
" Batang maitim siya..ayun oh! " turo pa din siya ng turo sa sagingan.
" Sinong bata? "
" Iyong batang nakaupo sa dahon ng saging at nagkukuyakoy pa ng paa..kumakaway pa nga sa akin oh! Maitim na bata, medyo malaki ang mata at kalbo siya.. " sinubukan kong tingnan ulit kung may bata doon na sinasabi niya pero wala talaga akong makita kundi ang puno ng mga saging.
" Wala akong makita tita..kayo lang nakakakita eh.. " bigla akong kinilabutan. " Tita natatakot ako sa'yo..baka tiyanak 'yan.. "
" Oh siya sige na maglaro ka nalang ulit..baka nga wala lang iyon.. " pagtataboy sa akin ng tita-lola ko. Ngunit bago ako tumakbo palapit sa mga kalaro ko tumingin ako ulit doon pero wala talaga. Ang lugar pa naman na iyon ay taguan namin sa tuwing maglalaro ng taguan.
-------