Pagdalaw

2.5K 92 19
                                        

Buwan ng Mayo ng maganap naman ang story ko na ito. Magse-second year highschool na ako noon ng mamatay ang tiyahin ni mama..kailangan naming pumunta upang sumilip sa burol. Lalong lalo na daw ako..dahil kinatutuwaan ako ng matanda noong bata pa ako. Lumuwas pa kami pa Sta. Cruz, Laguna upang dumalaw sa burol. Siya ang kauna-unahang namatay sa aming pamilya. Namatay siya sa cancer sa lungs yata iyon or breast..di ko na matandaan. Inilihim kasi niya na may sakit siya. Kaya hindi naagapan. Nagulat pa ako sa kwento ng pinsan kong si Maymay dahil may butas daw ang dibdib ni Lola Ching, akala mo daw ay winakwak. Matagal na pala iyon..iyon 'yung panahon na nagtataka ako dahil lagi siyang may bimpo sa tapat ng dibdib. Kaya pala may ganon siya dahil para matakpan ang sugat na palala na ng palala. Isa sa sakit niya din pala ang diabetis.

Hindi ko maiwasang maiyak dahil naalala ko siya sa tuwing pupunta kami sa kanila noong sa bandang Hidalgo sa Quiapo pa sila nakatira. Madalas kasi niya akong asarin..

" Dito ka nalang sa akin..aampunin na lang kita..wala kasi akong anak..pag-aaralin kita.. "

Matandang dalaga kasi siya..eh, nung panahon na iyon seven palang ako kaya syempre nagwawala ako at nagiiyak sa tuwing uuwi kami at pinipigilan niya ako.

" Sige na akin ka nalang..pumayag ka na.. "

Hindi pa din siya sumusuko. Ako naman ay hindi bumibitiw sa hita ng mama ko. Kahit ilang beses ko siyang tinatanggihan inaasikaso parin niya ako.

Natagpuan ko ang sarili ko na umiiyak sa harap ng kanyang kabaong. Habang pinagmamasdan ang kanyang tila natutulog na itsura. Napasulyap ako sa isang sulok at nandoon ang kanyang ina si Lola Cha..oo hindi kayo nagkamali ng dinig buhay pa noon ang lola nila mama..sabi nila nasa edad 96 na siya..pero sabi nasa 101 years old na siya. Nilapitan ko siya at binati. Ngumiti siya alam ko na medyo hindi na siya gaanong nakakaaninag. Inaliw ko siya dahil sa alam kong naiiyak siya para sa kanyang anak.

" Nakakatawa..naunahan pa akong mamatay ng anak ko.. "

Natatawa pa siya habang sinasabi iyon. Dahil naaliw ako sa kanya sa tuwing mag kukwento siya tungkol sa panahon ng pananakop ng mga hapon. Paulit ulit ko siya tinatanong kung ano ang mga nangyari at paano siya nakakaligtas sa mga pangwawalanghiya ng mga hapon noon. Humaba ang kwento namin..napunta na kami sa mga elemental creature gaya ng kapre, dwende, diwata at iba pa. Nakakakita din kasi siya..

" Tama muna 'yan..pasyestahin mu muna si Lola mo.. "

Naudlot lang ang masaya naming kwentuhan ng biglang sumingit si Lola Day, isa sa anak ni Lola Cha. Natulog na lang din ako ng oras na iyon dahil tanghaling tapat. Nagising ako ng alas singko ng hapon at niyaya akong uminom ng pinsan at tita ko. Hindi kayo nagkakamali sa edad ko na iyon marunong na akong uminom ng alak..(I'm not saying gayahin niyo ako mga kids out there..bad 'yun!). Huling lamay na iyon pero kailangan kong umuwi ng madaling araw dahil enrollment ko at si papa ay papasok si mama at kuya ay naiwan sa Laguna.

Lasing pa ako noon at hapo sa biyahe kaya agad akong nahiga ng hindi na nagpapalit ng damit. Agad akong nakatulog ng mahimbing.

Maya maya ginising ako ni papa dahil papasok na siya. Tinanong pa niya ako kung anong oras ako aalis para mag-enroll sinagot ko lang siya ng mamaya at muling natulog. Hindi na ako pinilit ni papa na gisingin, pinagpahinga na niya ako.

Dahil sa pagod at hang over sa alak. Hindi ko lang alam kung nananaginip ako..

Naririnig ko na umaagos ang tubig mula sa gripo ng CR namin. Tunog na umaapaw na siya..pinipilit kong idilat ang mata ko para silipin ang CR namin dahil tanaw lang iyon mula sa hinihigaan ko. Patay ang ilaw pero parang may tao..dahil may naghahampas ng tabo sa tubig mula sa batya. Iisipin mo tuloy na may naglalaro at nagtatampisaw.

Medyo malabo pa ang kaisipan ko dala ng antok kaya hinila ulit ako ng antok at binalewala ang tunog na nanggagaling sa banyo.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla akong napabalingkwas ng bangon mula sa pagkakahiga......

Alam niyo kung bakit??

Nakaramdam ako ng kamay na biglang humawak sa kaliwang binti ko....

...at bigla akong hinila.

Dinilat ko na ang mata ko no'n at hinawakan ang dibdib ko dahil parang gustong kumawala ng puso ko sa kaba.

Bigla kong naalala hindi pala ako nakapagpaalam kay Lola Ching na hindi ko na siya maihahatid sa huling hantungan...

-----------

So ano po ang masasabi niyo?

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon