Si Mang Pepeng

1.3K 51 10
                                    

Nung mga bata pa kami ng mga kalaro ko siguro mga seven years old kami ay may kinatatakutang kaming matanda..pagsiya ay dumadaan na at kami ay naglalaro..lahat kami ay nagtatakbuhan papasok kung kaninong bahay kami maabutan. Actually lahat ata ng bata ay takot sa kanya..kung may sikat na Albularyo sa lugar namin ay mayroon ding sikat na kinatatakutan. Lahat halos ng mga Nanay or Tatay ay siya ang ginagawang panakot sa makukulit na bata.

" Sige nandiyan na si Mang Pepeng! "

" Sige ka kakainin ka ni Mang Pepeng! "

" Sige ka kukunin ka ni Mang Pepeng at ikukulong sa bahay niya! "

" Mang Pepeng! Mang Pepeng kunin niyo ang batang ito! "

Iyan ang madalas na maririnig mo sa bibig ng mga nakakatanda pagpasaway ang mga kabataan na katulad namin..

Si Mang Pepeng ang tawagin mo kung kailangan mong manakot. Gusto niyo bang malaman ang itsura niya kung bakit siya kinakatakutan??

Si Mang Pepeng ay parang duwende ang itsura maliit na lalaki..maitim na balat na sobrang tuyot at nangangaliskis..sobrang tangos na ilong..payat na pangangatawan..bungi-bungi at maitim na ngipin at ang kinatatakutan sa lahat ay ang isang mata niya na tila dinukot sa kinalalagyan.

Bawat bata na maabutan ni Mang Pepeng sa daan na hindi nakapagtago ay naiiyak sa ihe..nilalapitan ito ni Mang Pepeng at hinahawakan sa ulo. Ang bata naman ay umiiyak ng umiiyak! Pero pagkatapos noon ay tatawa ito at aalis na..

Kwento kasi sa lugar namin kaya kinatatakutan si Mang Pepeng ay dahil aswang daw ito..nakikita ng iba na nagpapahid ito ng langis. Paborito daw nitong kainin ay ang mga bata..dahil nagpapahaba ng buhay niya.

Sinasabi pa nga ng iba na pagpinuntahan mo ang bahay nito ay may mga kalansay kang makikita..

May time pa nga na curious kami ng mga kalaro namin kung saan nakatira si Mang Pepeng kaya palihim namin siyang sinundan. Noong mga panahon na iyon ay uso pa nagtataasang damo kaya nagtatago kami doon sa tuwing lilingon siya sa likuran niya. Si Mang Pepeng ay nakatira sa isang abandonadong planta. Hinintay muna naming makapasok si Mang Pepeng sa kanyang barong barong tsaka namin nilibot ang lugar niya. Dahan dahan lang kami at nagiingat na gumawa ng ingat. Hinanap namin ang sinasabi nilang mga kalansay pero wala kaming makita..ang lugar ay malupa at may mga patong patong na hollow blocks..may lugar pa nga na ang baho kaya sinilip namin iyon..iyon pala ay parang CR ata ni Mang Pepeng.

" Anong ginagawa niyo dito?! " nanigas kami sa takot ng marinig namin ang medyo paos pero galit na boses ni Mang Pepeng. Umiyak na ang kapatid ni Nini na si Nonong. Samantalang si Ike naman ay may hawak na bato. Nagtitinginan naman kami ni Nini habang yakap ko ang pinsan kong si Maya.

" Ano sabing ginagawa niyo dito?! " ulit na tanong ni Mang Pepeng.

" Maawa po kayo huwag niyo po kakainin!! " pakiusap ni Nini. Yakap na nito ang halos maiheng si Nonong. Kumunot naman ang noo ni Mang Pepeng..

" Anong kainin? Hindi ako kumakain ng bata.. " natatawang sabi nito sa amin. " Hala pumasok nga kayo sa bahay ko.. " aya nito sa amin nagtutulakan kami kung sinong mauuna..si Ike na ang nauna since siya ang lalaki na matanda. Pumasok kami sa loob ng bahay ni Mang Pepeng..madilim ito at maliit pero walang sign na may mga kalansay o amoy bangkay..pero mabaho doon dahil sa amoy ng sigarilyo niya.

" Hindi po ba talaga kayo kumakain ng mga bata? " lakas loob na tanong ni Ike sa kanya. Natawa naman ang matanda sa tanong niya.

" Hindi noh! Kinakain ko ay pagkain din na kinakain niyo.. "  napapailing ito. " Hindi niyo ba alam na nasasaktan din ako pagtinatawag ako ng kung ano ano..tapos ginagawa pa akong panakot sa mga bata..kaya nga minsan kahit masakit tinatawanan ko na lang.. " maiyak iyak na sabi ni Mang Pepeng.

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon