Camping

2.2K 78 32
                                        

Ito naman ay nangyari nung nasa second year college na ako. End of first semester..

Semester break at may two weeks na bakasyon..since wala naman akong gagawin sa bahay kaya naging volunteer ako sa isang camping na magaganap, for one week siya. That time may church ako na kinabibilangan at sila ang sponsor ng camp ng mga teacher. Naganap ang story ko somewhere in Zambales...

Tapos na ang bonfire at lights off na mga 1hour siguro before 12mn..syempre after ng kapagod na activity sa umaga. Binigyan ang mga staff at vonluteer na maglibang. Kasama ko ang boyfriend ko that time at nakaupo kami sa isang bench. Nakatingala kami sa madilim ngunit mabituing langit. Manghang mangha ako sa kanya niya..

" Wow ang ganda! " iyon ang nabulalas ko sa sobrang paghanga.

" Oo, nga ang ganda.. " pero pagsulyap ko kay Gil ay sa akin siya nakatingin. Tinampal ko ang mukha niya.

" Aray! " reklamo niya.

" Siraulo ka kasi! Ang tinitingnan ko langit..ikaw naman mukha ko! " inis na sabi ko sa kanya.

" Eh, mas maganda ka kasi.. "

Inirapan ko siya sa inis ko.

" Alam mo ikaw ang corny mo! " naiinis na talaga ako ng mga time na iyon. Nagulat kaming dalawa ng makarinig kami ng sigaw at papalapit sa amin. Sila Terry at Ar-ar pala..

" Hoy! Anong nangyari sa inyo para kayong nakakita ng multo? " tanong ko sa kanila. Hinihingal sila..si Ar-ar nga nakasalampak pa sa semento samantalang si Terry ay nakahawak sa tuhod.

" P-paano ate Lie..nagpunta kami sa malaking puno ng mangga..para maghanap ng gagamba..na pwedeng mapaglaruan.. " hinihingal pang sumagot si Terry sa tanong ko.

Note: Sa camping site po ay isang malaking taniman din ng mangga. Zambales kasi ang kilala sa may matamis na mangga.

Napakunot noo kami ni Gil na nagkatinginan tapos tiningnan namin sila ulit. Doon naman naglapit ang ibang youth volunteer. Dahil curious sila sa narinig na sigaw nila Terry at Ar-ar.

" Oh, tapos? " tanong ko.

" Iniilawan namin 'yung puno gamit itong kandila,para tingnan 'yung mga dahon niya..nakaupo kami sa damuhan ( mababa kasi 'yung mga dahon niya ). Tapos nakarinig kami ng yapak sa damo. Tumingin tingin kami sa paligid wala naman..tapos sa likod namin naramdaman namin umihip 'yung hangin tapos namatay itong kandila namin. Tapos..tapos..may naglakad na palapit sa likod namin..doon na kami nagtakbuhan.. " kwento ni Terry.

" Talaga? tara puntahan natin.. " matapang na sabi ko. That time sinabi ko sa kanila na mag ghost hunting kami para malaman kung may magpapakita sa amin since puro kami mga kabataan sumang-ayon silang lahat. Si Gil lang ang hindi sumang-ayon at tinutulan ang naisip ko. Sabi ng boyfriend ko baliw daw ako para gawin 'yon. Pero wala din siyang nagawa kasi majority wins!

Naglakad na kami papunta ng medyo madilim na basketball court. Natatakot ang ibang mga babaing kasama namin si Ana at Lala kasi madilim ang daanan papunta doon. Dahil sa excited ako pa ang nanguna..sa grupo namin. Walo kaming lahat sa grupo..tatlong kaming babae at limang lalaki. Nagkukwento pa sila Terry at Ar-ar ng nangyari sa kanila. Tinuro pa nga nila ang punong pinanggalingan nila. Nasa kalagitnaan siya ng taniman. Nasa kalagitnaan na din kami noon ng daang bato papuntang court. Kaso ng mapatingin ako sa bungad ng court ay napatigil ako...

Napalunok ako sa takot dahil sa nakikita ko. Napansin ng grupo na tumigil ako..malayo kasi ako sa kanila ng dalawang dipa.

" Anong nangyari sa'yo Lie? " si Drew ang nagtanong. Nilapitan na ako ni Gil ng makita niyang nakatingin ako sa bungad ng court pero natatakot.

" Ayos ka lang ba? " si Gil nag aalala na sa akin, hawak pa nga niya ako sa balikat. Kinurap kurap ko ang mata ko baka sakaling mawala ang nakikita ko ngunit hindi lalo akong natakot sa ginawa niya. Ang iba sa grupo namin ay nilagpasan na kami at may pagtataka sa reaksyon ko.

" Tumigil kayo! " sigaw ko sa kanila. " Huwag na kayong tumuloy! "

Nilingon nila ako na may malaking bakit sa mukha nila. Inasar pa nga nila ako na kanina ang tapang tapang kong magyaya tapos ngayon umaatras na ako. Iba kasi ngayon. Dahil baka may mapahamak sa oras na may tumuloy sa aming papunta sa court.

" Gusto niyo ba malaman kung anong nakikita ko ngayon? " tanong ko sa kanila. Kayo gusto niyo bang malaman ang nakita ko sa bungad ng court?

Nakita ko na may nag aabang sa amin sa bungad. Matangkad ito...kung ikukumpara parang kasing taas siya ng basket ball player na si Yao Ming (tama ba ang spelling?). Hindi siya lalaki at hindi siya naglalaro ng basketball..isa siyang babae. Nandoon siya at napaliit ang mata niya sa galit ng makita niya kaming palapit..ang nakikita ko ay hindi ordinaryong babae. Ang babae ay matangkad sobra at naliliwanag..hindi kayo nagkamali ng basa..nagliliwanag ang babae. Ang itsura? Maganda siya parang banyaga. Mahaba ang kulot at kulay ginto niyang buhok..hanggang talampakan niya. Ang kasuotan niya ay mahaba na kulay puti na parang sa isang prinsesa. Actually iisipin mong isa siyang prinsesa dahil sa may crown akong nakita.

Kaya ako natakot at pinigilan ko sila..dahil nakita kong lumapit ang nagliliwanag na babae. sa bungad at tumayo ng tuwid, nag-crossed arms pa siya at tumingin ng taas noo sa akin. Parang sinasabi ng tingin niya sa akin na 'sige subukan niyo lang pumunta dito!'. Tila isang babala ang tingin niya sa akin na iyon kaya natakot ako. Tinuro ko pa siya sa grupo namin para malaman nila kung nasaan nakatayo ang babae. Agad ko ding kinagat ang daliri ko na pinangturo sa babae.

Matapos kong sabihin iyon ay nagtakbuhan kami pabalik. Nagtanong pa ako kung nakita ba nila pero umiling silang lahat. Ibigsabihin ako lang ang nakakita sa kanya..

---------

Explain ko lang 'yung camping site na 'yon ay super laki..alam ko ginagamit talaga ang lugar na iyon for recollection.

So anong reaksiyon niyo sa kwento ko?

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon