Salamin..

3.2K 112 32
                                    

Naganap ang storya ko na ito, when I was in grade three..

Karaniwan na siguro sa atin nung panahong bata pa tayo ay wala tayong inaalala..mapa-oras man siya o ang inuutos sa atin ng ating mga magulang..

Aminin..diba nangyari na din sa inyo na muntik niyo ng nakalimutan ang inutos ni nanay o ni tatay dahil sa paglalaro?

Sarap maglaro kasi eh..taguan, tumbang preso, habulan sa bukid at paunahang umakyat sa puno..dahil doon ay maggagabi ko na naalala na isisilong at tutupiin ang mga nilabhang damit ni mama.

Hindi pa naman totally na gabi noon dahil quarter to five pa lang, iyon nga lang madilim na siya dahil sa maitim na ulap na nagbabadya ng ulan.

May pumatak na maliit na butil ng tubig sa mukha ko at napatingala ako. Sa isip ko noon lagot ako kay mama..tiyak na papaluin niya ako pagnabasa ang damit niya ng ulan.

" Uy, Nini..uuwi na ako..uulan na at isisilong ko pa 'yung damit namin.. " pagkatapos kong magpaalam sa aking kalaro. Tumakbo na ako sa sampayan at agad sinamsam ang damit, dahil palakas na ng palakas ang ulan. Mabilis akong pumasok sa inuupahan naming bahay at inilapag sa ibabaw ng kama ang mga damit. Nagmamadali na akong itupi ang damit dahil sa takot na maabutan ako ni mama na hindi pa tapos ang ipinapagawa niya ay hindi na akong nag-abalang buksan ang ilaw. Kasi dalawang oras na lang darating na si mama mula sa trabaho niya, kaya sige lang ako sa pagtiklop. Nang mga oras na iyon ay bumuhos na ang malakas na ulan. May kasama pa itong kulog at kidlat kaya paminsan minsan ay napapaigtad ako kapag bigla biglang liliwanag dulot ng kidlat at napapatakip ng tenga dahil sa lakas ng kulog. Sa totoo lang takot ako ng mga oras na iyon pero pilit kong isinasantabi dahil kung hindi galit ni mama ang aanihin ko.

" Hmmm..hmm...hmm.. " naghi-hymn ako ng maisip ko kanta para mawala ang takot ko. Ikaw ba naman ang mag-isa sa bahay..si kuya kasi nasa labuyan pa ng mga oras na iyon, sila mama at papa naman ay nasa trabaho. Binuksan ko ang aparador namin na sobrang tanda na..(kaedad pa yata ng bunsong kapatid ng mama ko). May malaki itong salamin na kitang kita ang buo mong katawan. Ipinasok ko ang ibang damit na naitupi ko na at naupo ako ulit sa kama para ipagpatuloy ang pagtutupi.

Kumidlat bigla at napaigtad ako sa gulat.

" Naman! Naman! Huwag mo akong gulatin! " parang tanga kong sabi sa kidlat.

Ang salamin ay nakatapat sa kinapupwestuhan ko sa kama. Napasulyap akong bahagya sa salamin at napansin ko na may nakatayo mula sa repleksyon ng salamin..

Dahil paa lang ang nakikita ko iniangat ko pa ang mata ko para tingnan...at hala!

Laking gulat ko ng makita ko ay kalahati lang ng katawan..ni walang ulo ito. Nakasuot ito ng barong. In short sa harap ko sa loob ng salamin may isang bata na nakabarong pero ang suot niya na damit ay gula-gulanit at madumi. Wala siyang ulo! Paano kong nasabing bata? ibinase ko lang sa laki niya.

Kahit na takot na takot ako mabilis kong inilayo ang tingin sa salamin. Kinakabog na ang dibdib ko pero dinidedma ko. Tinuloy ko lang ang pagtutupi ng damit. Sinubukan kong tumingin sa lugar kung saan nakatayo ang nakita kong batang pugot pero walang nakatayo doon. Sabay tingin sa salamin napahinga ako ng maluwag ng makita kong wala na doon ang imahe ng batang pugot.

Saktong nakatapos ako ng bumukas ang ilaw at si mama iyon.

" Nandito ka pala? Bakit hindi ka nagbubukas ng ilaw? Ang dilim dilim ah.. " tiningnan niya ang damit na tinupi ko at ngumiti siya sa akin. " Kumain ka na ba? May dala akong ulam.. "

Tumingin muli ako sa salamin..nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba kay mama ang nakita ko sa salamin o solohin ko na lang? Maspinili ko ang huli na itikom na lang ang bibig at ilihim.

-------

Okay kayo ng bahala kung nakakatakot ang story ko na ito..isa pa lang iyan..hindi ko alam if namalikmata lang ang nakita ko sa nakita ko noon..pero matagal na iyon..at isa na siyang kwento..

maikli lang ito...sorry..madagdagan ang comment ay magpopost ako...

THIRD EYE ( true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon