sou·ve·nir
noun:a thing that is kept as a reminder of a person, place, or event.
••••
Katsushika-ku, Tokyo, Japan (葛飾区)
Day 29Paano ko ipaglalaban ang pag ibig na sa simula palang batid ko na kung sino ang talo? Paano ko pang ipaglalaban ang isang relasyong alam kong may mga taong masasaktan? In life there is no really such a wrong love. Kahit kailan hindi mali ang umibig. Nagiging mali lang ito depende sa sitwasyon, pagkakataon o sa taong paglalaanan mo nito. Minsan sadyang mapagbiro ang tadhana.
Di natin maaring planuhin kung kelan tayo magmamahal. Di natin maaring piliin kung sino ang ating iibigin. Kung sino pa ang di dapat na mahalin, siya pa ang pilit na tinitibok ng ating puso.
Kahit anong iwas, lalo lamang umaapaw ang pagnanais ng damdamin.Tunay na mahirap ang umibig sa di tamang pagkakataon. Magmahal ng taong pag-aari na ng iba. It is really hard to take a chance on a relationship lalo na pa't wala tayong pinanghahawakan. We may feel happiness but not for too long. Bawat sandaling magkasama ay pawang hiram. Palaging nadarama ang takot, pangangamba at pag-aalinlangan.
Minsan natanong niya sa akin "Ano bang karapatan ko sayo? Saan nga ba ako lulugar sa puso mo?"
Hindi ko alam kung sapat ang pag ibig namin sa isa't-isa. Hanggang kelan namin mamahalin ang isa't-isa? Oo nga masaya siya sa piling ko pero minsan ang kaligayahan ay hindi sa usaping pag ibig lamang.
Ang pagkakaroon ng panatag na kalooban at isipan yan ang tunay na kaligayahan.Paano nga ba maging masaya kung may tao naman akong nasasaktan? Minsan may dapat na magparaya at sumuko. Kahit na pa gaano nyo kamahal ang isat isa.
Minsan, kailangan din nating gumawa ng sakripisyo and then let go.. Kahit na masakit. How can I hold on to you kung sa simula palang eh hindi kita pag-aari?
Pero masaya ako at dinala ka sa akin ng tadhana. Siguro para bigyan ako ng leksyon sa buhay o baka para turuan akong labanan ang tukso. At sa huli, kung sakaling magbiro sa atin muli ang tadhana, sana umayon na sa atin ang pagkakataon. Sana.. baka sakali.. tayo na.Sabi nga sa quote ni F. Scott Fitzgerald, "There are all kinds of love in this world, but never the same love twice." Ibig sabihin, relationships come in many different forms, and you will never have the same love with one partner as you have with the next. Laking panghihinayang ko dahil mas pinili kong pakawalan si Gener sa buhay ko. Pero alam ko iyon ang tama.
"Kapag may dumaang shooting star ano i-wiwish mo?" Tanong sa akin ni Gener noon habang nakahiga kami sa makapal na kumot doon sa maliit na terrace ng boarding house kung saan siya umuupa.
"Ako? I-wiwish ko na sana hindi ko nalang siya minahal." Ang sagot ko.
Napatingin ako sayo noon kase tumahimik ka. Kahit na kalahati lang ng mukha mo ang kita ko noon, alam ko paiyak ka na. Tapos bigla kang nagbiro noon ang sabi mo, "Sumagot na yung shooting star. Wish granted na daw." Tapos bigla kang tumawa. Alam ko tinatago mo lang yung totoo mong nararamdaman. Pinagmamasdan lang kita noon. Sinakyan ko naman ang biro mo kase ayaw kong maging malungkot tayo. Ang sabi ko pa nga noon eh, "Bilis ah, close kayo?" Dinadaan ko na din sa biro.
Sabay pa nga tayong nagtawanan noon eh tapos tinanong pa nga kita, "Eh ikaw, kapag may dumaang uling shooting star, ano naman hihilingin mo?"
Tapos sumagot ka ng "Hihilingin ko na sana ako nalang yung mahalin mo. Na sana ako nalang yung uuwian mo sa Pinas. Na sana hindi nalang ako yung iiwan mo dito sa Japan. Na sana lahat ng ito ay walang katapusan."
Natahimik ako noon sa sinagot mo. Pinagmasdan kita. Nakatingin ka pa din noon sa langit. Tapos mayamaya napansin ko na tumutulo na yung luha mo.
"Di ba napag usapan na natin 'to?" Sabi ko sayo.