Pictures lang ang pwedeng i-throwback hindi ang feelings. Buti pa ang litrato hindi umaalis pero yung kasama mo sa litrato wala na.. Gener, do you miss me like I miss you? I found myself crying. Literal na umiiyak ako to the point na napansin na ako ng isang stewardess dito sa loob ng eroplano.
"Sir, are you okay? Tissue?" She is smiling at me habang inaalok ang hawak niyang tissue.
"No, no It's okay. I don't need tissue. I'll be fine. Thanks." Pagkasabi ko nun agad na binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana at mistulang pinagtitigan ang ulap.
Hindi ako mapakali buong four hour flight ko. Yung utak ko puro si Gener lang ang laman ganun din ang dibdib ko na punong puno ng panghihinayang. Halos apat na oras palang kaming nagkakahiwalay ni Gener pero pakiramdam ko parang taon na. Parang gusto kong bumalik sa Japan tapos doon na lamang mag stay sa apartment ni Gener habang yakap yakap siya sa kama. Miss na miss ko na siya agad.
I wanted to surprise my Fiancé kaya hindi ako nag update sa kanya na ngayon ang uwi ko. Ang alam niya at ng buong family ko ay bukas pa.
Bumaba ako sa Grab taxi nang makarating ako sa house nila dito sa Antipolo City. Kumatok ako ng casual. Narinig ko na may ibang boses sa loob. Boses ng lalaki pero hindi ko kilala.
"Oh, maybe It's the pizza! I'll go check!" Sabi nung lalaki.
Kinabahan ako at inantay na pagbuksan ako ng pinto. Pagbukas ng pinto, nawala ang kaba ko dahil pinsan pala ni Anne ang nagbukas sa akin. Kilala ko siya sa mukha pero ngayon ko lang siya na meet in person.
"Ku-" agad na tinakpan ko ang bibig niya. Kilala niya ako kaya hindi ko na kailangan pang magpakilala sa kanya.
"Anjan ba si Anne? Susurprise ko sana siya eh." Bulong ko.
Tumuro sa loob yung pinsang lalaki ni Anne. Nakapasok ako sa loob at hinanap si Anne mula sa kitchen.
"Enzo, yan na ba yung Dominoes?" Sabi ni Anne habang abala sa kanyang nilulutong spaghetti.
I walk silently towards her habang nakatalikod siya. Tinakpan ko ang mga mata niya. "Guess who?" Bulong ko. Kahit na alam ko naman na mahuhulaan niya ako agad.
"Oh, shit! Eris!"
"Surprise!"
"Eris! Oh, akala ko bukas pa uwi mo?" Na shock siya halata. Nagtagumpay ako sa pagsusurprise sa kanya.
"I wanted to surprise my Fiancé." Sabi ko sabay halik sa kanya. But somehow, I taste Gener's mouth. Kaya napalayo ako sa kanya.
"Why? Are you okay?" Tanong niya.
"Jetlag lang siguro." Ayos. Alibi ko sana maniwala.
"Welcome home, love!"
Hindi ito pwede. Dapat iniwan ko na si Gener sa Japan.
.
.
.Five days after na nang dumating ako dito sa Pinas. Nag sstay ako sa bahay ni Anne. Graduation gift daw sa kanya ito ng grandparents niya. May mga bisita kami na nagdadatingan because of my arrival. Halos gabi gabi may inuman dito sa bahay ni Anne. Yung iba, kaibigan namin from college, yung iba common friend lang tapos karamihan puro mga kamag anak na namin.
Ilang gabi din akong hindi makatulog at panay jetlag lang ang dinadahilan ko kay Anne. Dumating ako sa point na I had to take a sleeping pill makatulog lang pero hindi umiepekto sa akin. Tulog si Anne. Alas dos ng madaling araw. Naiiyak ako. Nanghihinayang ako. Eto ba talaga ang gusto ko? Ako ang nang iwan pero bakit lumalabas pa na parang ako ang iniwanan? God, I fucking miss you, Gener!